009

1.7K 74 7
                                    


It's strange.

Why do I feel more comfortable here than in my own house? The fact that someone forced me to be here seems scary enough.

Pero hindi ako natatakot. Hindi ko din alam kung bakit, pero walang bahid ng negatibong emosyon ang aking puso.

"Miss, what would you like?" Itinaas ni Sheryll ang isang purple na damit. Simple lang ang disenyo nito.

Tapos na nila akong paliguan at binibihisan na nila ako ngayon. Contrary on what I expected, they were friendly. Walang bahid ng galit ang kanilang tingin sa akin.

"A-ako na." Hahablutin ko na sana ang dress pero iniwas niya ito.

"Miss." She sighed deeply. "Inutosan po kami ng Duke na pagsilbihan kayo. Kaya para mas mapabilis ay h'wag sana kayong kumontra."

Wala akong nagawa. Hinayaan ko nalang sila kahit nahihiya ako. Pinili ko ang unang dress na pinakita sa akin ni Sheryll. Inayusan naman ako ng buhok ni Clara.

Komportable naman ang aking suot. Magaan ang tela ng dress at malambot ito. Hindi abot hanggang paa kaya nakakalakad ako nang maayos.

Ngayon ay papunta na kami sa dining room. Paglabas ko ay nakita kong maliwanag na pala. Napatingin ako sa malalaking bintana kung saan tanaw na tanaw mo ang labasan, at nakita ang isang garden na puno ng pink tulips.

Nasaan kaya ako? May nangyari bang ganito sa libro?

Sigh. Sa dami-dami kasing libro na binasa ko, mahirap alalahanin lahat. Lalo na at iba't-ibang plot ang narito.

Sino ba kasing mag-aakala na mapaparito ako? Ang akala ko nga ay imposible ang ganitong bagay, but it's happening to me right now.

Honestly, I hate it. Why does it have to be Ashley? Palagi akong napapahamak dahil sa role niya. Lalo na at magtatapos na ang libro - bakit ba kasi dito ako napasok? Hindi ba pwedeng sa prologue lang? Wala na akong magagawa sa ganito dahil nangyari na lahat.

"Everyone here hates me."

"Who hates you?"

"Kya!" Napalundag ako sa gulat dahil sa malalim na boses. Nakatayo sa aking likuran ang isang lalake na naka-tuxedo. He have a white long hair, tan skin, and shining emerald eyes. He looks like some kind of God. He's good-looking.

"S-sino ka!?" Turo ko sa kaniya.

"Me?" He pointed himself. "I'm your personal guard, my lady." He bowed.

Napataas ang aking kilay dahil sa kaniyang sinabi.

"Personal guard? Since when?" I questioned him.

"Since right now. The duke said so." Ngumiti ito sa akin.

Ewan ko ba, pero parang nava-vibe ko sa kaniya si Zas dahil sa ngiti nito. Pareho din silang bodyguard. Even though they don't look alike, something feels similar.

Kumusta na kaya si Zas? Ano na kayang nangyari do'n? I hope he's okay.

Hindi ko na pinansin ang bagong dating at mas binilisan ang paglalakad. Dalawang rason lang naman kung bakit; Una, gutom na ako. Pangalawa, kailangan ko ng sagot.

My mind is in shambles. I keep thinking of it. Ama ko ba talaga siya? Ang nangyari sa plaza, kagagawan niya ba iyon?

"What do you mean by what you said earlier, my lady?"

I ignored his questions. It was my fault for thinking out loud pero ayokong sagutin ito dito. Why would I? Hindi naman kami close at hindi ko siya kilala.

"My lady~" He keeps on pestering me. Ugh! Bakit ba kasi ang layo ng dining room? Bakit ba ang laki ng bahay na 'to? Mas malaki pa ata sa bahay namin! Walking on this hallway feels like forever! Kanina pa ako naglalakad ngunit wala akong nakikita na dining hall.

"My lady!"

"Ano ba!?" Inis kong sumbat sa kaniya. Hindi mapawi ang ngiti nito at mas lalo lamang akong naiinis.

"Tell me! Tell me!" He urged more.

Mas sasakit ata ang aking ulo dahil sa kaniya.

"Leave me alone!"

"But I can't!" Sagot nito sa akin.

Tiningnan ko siya nang masama pero ngiti lang talaga ang meron sa kaniyang mukha. Mukhang clueless na naiinis ako sa kaniya. Why is he so nosy?

"Whatever," I mumbled and rolled my eyes.

He chuckled at my response. "Don't worry my lady." Kinuha niya ang aking kamay at hinalikan ito. "No one hates you here."

Nagulat ako sa kaniyang ginawa. I retracted my hands and stormed off. Naramdaman kong uminit ang aking mukha.

Why - why did he do that!?

Buti naman ay hindi na ito umimik pa pagkatapos. Tahimik lang itong nakasunod sa aking likuran. And finally, I can see the big doors of the dining hall. Alam ko ito dahil sinabihan ako ni Clara at Sheryll.

Papasok na sana ako pero may humawak sa aking braso. Lumingon ako at umasim ang aking mukha dahil ito na naman siya.

"Ano?" Inis kong sabi.

Abot hanggang mata ang kaniyang ngiti. Minsan nga ay nai-imagine kong lumiliwanag ang kaniyang mukha dahil sa ngiti nito.

"I miss you."

Ha? Anong pinagsasasabi nito? Nakalunok ba ng bato ni Darna?

Katulad ko ay mukhang nagulat din siya sa kaniyang ginawa. Binitawan niya agad ako at tumalikod.

"S-sorry!" He mumbled and covered his face with his hands.

I was confused but I didn't try to make our conversation longer. Iniwan ko na siya at tuluyang pumasok sa dining hall kung saan nakita kong naghihintay ang Duke.

I want to laugh at that guy. Seriously, why is this place so strange?

"Good morning," bati sa akin ng Duke - na papa ko daw.

Umupo ako sa right side at pinakamalapit ito sa kaniya. Sobrang taas ng table pero kakaunti lamang ang pagkain na nakahain sa lamesa.

"Good morning," I greeted him back. That greetings almost sounded like a question at the end.

Marami akong tanong sa kaniya. Sobrang dami na halos sasabog na ang aking utak. Mababaliw ata ako nang tuluyan kung hindi niya ito sasagutin lahat.

"Eat."

I gulped. His voice is serious. I feel like I'll die if I won't abide. Kaya kinuha ko ang kutsara at tinidor. Tiningnan ko ang pagkain na nakahanda.

"H-how about you, Duke?" I said in a shy tone.

"Don't call me that." Napatingin ako sa kaniya dahil sa katagang lumabas sa kaniyang bibig. "Call me Dad"

I pursed my lips. Dad? Is he serious? Napaka-estrangherong salita. Kailanman ay wala akong tinawag na ganito sa aking buhay. In or outside the book.

What would the original Ashley feel in this kind of situation?

"Call me." Heto na naman siya at kaniyang nakakatakot na tono! Kaya naman wala akong nagawa kundi sundin ulit ito.

"D-dad." Pagkasabing-pagkasabi ko no'n ay napangiti ito.

Ngiting malaki. Ngiting tagumpay.

He looks like he'll kill someone earlier but he easily switched emotions just like that. Mas lalo ata akong natakot.

"Kumain ka muna bago tayo mag-usap." Tinuro niya ang mga plato. "Lahat ng ito ay para sa'yo."

Napanganga ako dahil sa kaniyang sinabi. Alam kong maliit lang ito pero para sa dalawang tao. Is he expecting me to eat all of this?

"Eat to get the answers you want."

His demanding tone made me realized that I have no choice. Kaya naman kumain ako na may halong sama ng loob. Paano kapag hindi ko 'to naubos? Pero mas malala ata kung mauubos ito, baka isuka ko lang!

"Eat well. After that, let's discuss how to get your revenge."

That sentence made me coughed up what I was eating. Sobrang laki ng sinubo kong kanin kaya naman halos hindi ako makahinga noong nabulunan ako.

W-What did he say!?

A Villain's Ending [COMPLETED]Where stories live. Discover now