003

2.5K 87 10
                                    


Mabigat ang aking katawan. Para bang binagsakan ako nang isang katerbang malalaking bato. Masakit din ang kabuuan ko, lalo na du'n sa pribadong parte, sa gitna nang aking dalawang binti.

"She's awake," I heard a voice said.

I slowly opened my eyes at ang puting ceiling ang unang tumambad sa akin. The familiar smell of the medicines lingering on my nose made me realize that I'm in a hospital again.

"Ashley!" Ang pamilyar na boses ang nagpabaling sa akin sa kaniyang direksyon. Si Faith. Nakaupo ito sa aking tabi at naiiyak niyang kinuha ang aking mga kamay at pinisil ito. "Ayos ka lang ba?" Tanong niya na puno nang pag-aalala.

"N-nasaan ako?" I winced in pain when I tried to sit up. Tinulungan naman ako ni Faith at noong maayos na akong nakaupo ay bumalik siya sa kaniyang sariling upuan.

"Nasa school infirmary ka," sagot niya sa akin.

Infirmary? Ang akala ko ay nasa hospital ako. Nasa academy parin pala ako. Tumingin ako sa orasan kung saan nakasabit sa pader at nakitang 3:30 na ng hapon. That means, hindi pa talaga tapos ang klase.

Naramdaman kong sumakit ang aking ulo kaya napapikit agad ako. Then the memories came flooding in my mind.

I gagged. Halos masuka ako habang iniisip ang nangyari. Hindi ako makahinga nang maayos.

"Ashley? Ashley, ayos ka lang ba?"

Ang paningin ko ay hindi na husto. Everything is swirling. I can feel the hateful stares, the whispers and the maniac laughters. Nanayo ang aking balahibo noong maramdaman kong may humaplos sa akin.

I put both of my hands in my head. What's happening? Why is everything so painful? Why is everyone sneering at me like that? Why? Why!?

"Ashley!" Sumigaw si Faith. Biglang nawala ang mga kakaibang nakikita ko at sa kaniya ulit ang aking atensyon.

Naramdaman kong lumuha ang aking mga mata pero hindi ako makaimik. Nakatingin sa akin si Faith na para ding naiiyak.

"Faith..." Paos ko siyang tinawag.

Faith, do I really deserve this? Do I really need to endure everything? Sapat ba ang ginawa ko noon upang maltratuhin ako nang ganito?

Gusto ko iyong itanong sa kaniya, pero iyak lamang ang aking nagawa. Hindi ko na alam ang nangyayari. Na-rape din ba si Ashley sa libro? Hindi ko na talaga matandaan ang mga pangyayari dito.

"You were there, right?" I asked between my sobs.

"What do you mean, Ashley? Of course, I was there. I was the one who saved you!" She smiled at me at pinahiran ang aking mga luha.

"Y-you saw me..." I trailed off in a whisper ngunit narinig niya ata ito dahil umasim ang kaniyang mukha.

"Ashley, ako ang nakakita sa iyo nang walang malay sa loob ng locker room," ani niya.

Napailing ako. I know what I saw but I can't explain why? Why did she do that? For revenge? Is it because of what the real Ashley did?

What did I even do? Ano ang ginawa ko para ma-deserve ko ang lahat na 'yun? Do I really need to let them trample my whole being even though I was not the Ashley who tortured them?

Naluluha man ay muli kong tiningnan ang paligid. Walang tao ni-isa. Tahimik lang at tanging iyak ko lang ata ang maririnig. Nakita ko ang kulay asul na langit sa malaking bintana na nakabukas.

"Faith, what did I do?" Lumabas iyon sa aking bibig. Naramdaman kong umihip ang hangin. Napabaling ulit ako sa kaniya at nakangiti parin ito nang parang anghel.

Ito ba ang Faith na binasa ko? Ang Faith kung saan alam ang tama at mali, ang pag-desisyon ng kalkulado, at ang Faith na inidolize ko?

Kahit na hindi ko matandaan ang karamihan ng impormasyon sa libro, alam ko naman na hindi 'to gagawin ng original na Faith.

"What are you saying, Ashley?" Ang ngiti nito at mas lalong lumaki na halos mawala na ang kaniyang mata. Ewan ko ba, pero bigla akong na-creepyhan sa paraan nang kaniyang ngiti.

Tinikom ko na ang aking bibig. Guminhawa ako ng malalim at tatayo na sana pero naramdaman ko agad ang hawak ni Faith sa aking braso.

"Let me help you," she muttered.

Umiling ako. "Kaya ko na." Dahil ayaw ko ng gulo. Ayaw kong makipaghalubilo sa iyo at baka kung ano na naman ang mangyayari.

"No. I want to help," she insisted.

Nairita ako pero hindi ko pinakita. Biglang bumukas ang pinto. Sobrang lakas nang pagkabukas nito kaya nagulat naman ako.

"Aah!" Natumba si Faith sa hindi malamang dahilan habang ako ay hinang-hina na nakatayo lang.

"Faith!" Nakita ko ang pitong lalake na pumasok. Nag-aalala nitong dinaluan si Faith na nakasalampak sa sahig. Naiiyak ito habang tinutulungan nila tumayo.

"Ashley!" Bulyaw ni Reynold sa akin. Nandito na siya sa aking harapan. Hindi ko maintindihan. Don't tell me, they will blame me again? I didn't even have the strength to push her!

"Ang sabi ko sa'yo di'ba? H'wag mo na siyang bantayan sa infirmary, baka saktan ka niya at tama nga ako!" Narinig kong galit na ani ni Klent habang yakap yakap si Faith.

"Ashley, wala ka bang utang na loob!? Faith literally saved you and you're here harassing her again!" Para akong may kausap na speaker dahil sa sobrang lakas nang kaniyang sigaw, mukhang abot hanggang kabilang baranggay.

Wala mang lakas ay sinubukan kong magsalita. "Hindi ko siya tinulak," taas noo kong sagot sa kanila.

"Anong akala mo sa amin, bulag?" Helion hissed.

"Ashley, stop lying and say sorry to Faith," ma-autoridad na sambit ni Gin habang nakapamulsa.

I squinted my eyes. Are they serious?

I sighed. Sige, para wala ng gulo.

Masakit man ang kabuuan ko ay naglakad ako patungo kay Faith na nasa kamay ni Klent.

"S-sorry." I bowed at her.

Please just go away. Please just leave me be.

Ang daming tanong sa isip ko. Bakit ganito si Faith? Bakit ang hirap pakisamahan nang mga tao di'to?

"Fuck." Napadaing ako nang may kung anong bagay ang humampas sa gitna nang aking binti kaya napaluhod ako nang wala sa oras. Mas lalo lamang sumakit ang aking katawan dahil sa impact.

"Apologize properly, Ashley Espazo."

Tinaas ko ang aking tingin at nakita kong matalim na tinititigan ako ni Asper. May hawak siyang maliit na dos por dos kaya naisipan ko na baka siya ang humampas sa akin kanina.

Gusto kong magalit pero sobrang pagod na at ayaw kong patagalin pa ang gulo.

"I'm sorry, Faith," nanginginig kong sabi habang nakayuko ulit.

It was a dead silence before I saw Faith's dress on the floor. She's kneeling so we can see each other eye-to-eye.

Lumapit ito sa aking tenga at bumulong.

"Act your part as the villain will you? Malapit na ang happy ending ko. H'wag mong sirain ang storya."

A Villain's Ending [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon