010

1.7K 86 10
                                    

"W-What?"

"Bakit? May mali ba akong nasabi?"

Inabot ko ang tubig at ininom ito. Ilang segundo pa ang lumipas bago ako nakabawi sa gulat.

"Revenge? Saan mo napulot 'yan?"

Nilagay niya ang kaniyang dalawang kamay sa lamesa, pagkatapos ay pinatong niya ang kaniyang baba dito. Tiningnan niya ako. Sobrang seryoso nang kaniyang mga mata at eksprisyon. Mas lalo tuloy akong kinakabahan.

"I know you won't answer me. So I investigated what happened," ani nito.

"H-ha?" Tama ba ang narinig ko? Did he do a background check on me? Why? Bakit gusto niyang malaman?

Ilang taon na din ba ang lumipas, bakit ngayon lang siya nagpakita sa akin? Bakit niya kami iniwan ni mommy? Ano ba talaga ang gusto niya?

Nakita kong nangugat ang kaniyang leeg at kumunot ang kaniyang noo. "Alam ko ang nangyari, and I hate that."

Pinahid ko ang aking bibig gamit ng panyo na nakasabit sa aking leeg. Kalmado ko siyang tiningnan. "I don't need... It," I spoke softly. Ayoko ng gulo. "Hindi mo alam..." Hindi mo alam na nakatakda ang lahat sa libro, na ganito ang tadhana para sa isang kontrabida - hindi mo alam kung ano ang tunay na rason.

"Why?" Sumandal siya sa upuan. "Are you afraid?"

Umiling ako. "You don't know the reason. I did evil things. I made their lives a living hell - k-kaya naman ay ayos lang sa akin."

"Kaya mo tinitiis dahil nakagawa ka ng kasalanan sa kanila?"

"Yes. Ayoko ng gulo." I sighed. Nawalan ako ng gana kumain bigla dahil sa usapan namin.

Hindi ito umimik. Nagkatitigan lang kami. Hindi ko mabasa ang eksprisyon nito. Mukhang nag-iisip din siya nang malalim.

Kalaunan ay bigla siyang tumayo. Naglakad patungo sa malaking bintana at huminto upang tanawin ang nasa labas. Medyo umaambon na ang kalangitan at mukhang uulan.

"Do you know me, Ashley?"

His question made my heart beat loud again.

"Aren't you... My father?" The answer the came out from my mouth sounded more like a question.

Hindi ko kasi aakalain na may ama pala ako. Sa totoo lang ay inisip ko nalang na baka patay na siya, pero nakatayo ito ngayon sa aking harapan. Buhay na buhay.

"Who are you?" He asked me again.

I licked my lower lips. I'm nervous to answer him.

"I- I'm Ashley-"

"Wrong." Putol niya sa akin. Lumingon ito, walang nag-iba sa kaniyang mukha. Just a serious expression that intimidates me. "Hindi ikaw si Ashley, hindi ikaw ang anak ko. You're from somewhere.... different."

Nagulat ako sa kaniyang sinabi. Hindi ako makasagot dahil dito. Alam niya ba? Na hindi na ako ang tunay niyang anak? Ang taong nasa loob ay galing sa isang mundo malayo dito?

"You're not her." Lumapit ito sa akin. "That's why you don't deserve it," he continued.

"A-anong pinags-sasabi mo?" Nauutal kong sambit. Hindi ko na alam ang dapat kong sabihin o isipin. Ang mga tanong na kanina pa tumatakbo sa aking isipan ay nawala nalang ng parang bula. His sentence is stucked in my mind.

Like a bubble gum on a shoe.

"Hindi ko alam kung sino ka and my daughter is..." Alam ko. Patay na si Ashley. At ako na peke ang nandito lang. "Anyway." He sighed deeply. "I will still look after you, because for me, anak parin kita." Tuluyan na nga itong umabot sa aking tabi. Lumuhod siya na kinagulat ko ulit. "Tama na, Ashley. Wala kang kasalanan."

Ang huling kataga ay parang gatilyo. Parang may pumitik sa akin. Ang sakit na aking nararamdaman ay bumalaklak muli sa aking puso. Nabuhay at umaagos ng malakas.

Napayuko ako at tumingin sa aking kamay na nakapatong sa aking hita. Nakita kong may mga tubig na tumutulo na naman galing sa aking mata.

"Ayos lang, iiyak mo lang 'yan."

Mas lalong sumikip ang dibdib ko dahil sa kaniyang sinabi. Ang mga ala-ala kung saan pinagbubuntungan ako ng galit at pagkamuhi nang ibang tao ay dumagsa sa aking isip. Napakarami.

Isang kamay ang umukol sa aking ulo. Magaan lamang ito at hindi mabigat. Tiningnan ko siya - ang papa ko na nakatingin din sa akin na may awa sa kaniyang mga mata.

"Hindi k-ko alam..." Lubos kong tangis sa sakit na aking nadarama.

"Hindi mo kasalanan."

Umiling ako. "Bakit? Bakit mo'ko ginaganito? Sa ilang taon ng lumipas bakit ngayon ka lang din nagpakita? Ha?" Sumbat ko sa kaniya. "I was forced to come here! Hindi ko alam kung nasaan ako! And now you're telling me weird things!" I exclaimed.

Paano niya nalaman? Masyado ba akong halata? Paano kapag alam din pala ng iba... Anong mangyayari sa'kin!?

"My mom... I want my mom..." I want to go home.

"Ashley," he called me out again. "Let me explain. Please."

"Ayoko! Tama na!" Ayaw ko nang may marinig pa. Mawawalan na ata ako sa tamang pag-iisip kung ipagpapatuloy pa namin ang usapang ito.

Tatakpan ko na sana ang aking tenga pero agad niya akong pinigilan. He looked at me straight in the eyes with a serious expression on his face again.

"Even if you're the real Ashley or not, the fact that my blood runs within you doesn't change. You are my daughter."

Mas dumami lamang ang tanong ko tungkol sa kaniya. Mas lalo din akong natakot dito. Alam niya ang aking sekreto! Alam niyang hindi ako ang tunay na may-ari ng katawang ito! This place is dangerous. I don't need answers, what I need is to get out of here!

"I want to go home."

"This is your home, Ashley."

"No... I want to go home! Sa mama ko!"

Hinawakan niya ang dalawang balikat ko at yinugyog ito. "Hindi ka mahal ng mama mo, Ashley!"

"Lies!" My mother spoiled me from head to toe! Mahal niya ako at nararamdaman ko iyon!

"She loves the empire more than you!" Sigaw nito sa akin pero inilingan ko lang siya. All of it are lies! Pure lies!

"Ashley, nobody in there loves you!" He raised his voice. "Nobody there wants you! Ashley, your own mother tried to kill you!"

Parang tumigil ang aking mundo dahil sa kaniyang sinabi. Ano ang ibig sabihin nito? Tama ba ang narinig ko?

"Ashley, the day the plaza was bombed, it was a plan to get rid of you... By your own mother." Naiiyak na ito habang nagsasalita. Nagmamakaawa na ang kaniyang tono na paniwalaan ko siya.

"H-Hindi 'yan totoo!"

"Ashley! Don't you find it weird?" He gently shakes my shoulders again. "Isa siya sa pinakarespetadong babae sa politika, at kaibigan niya ang dean sa Academia mo. Hindi sekreto ang pangbu-bully sa'yo, they just didn't care!"

"Stop it!"

"Your mother wants you dead - all of them! Do you remember what happened at the plaza?"

"Tama na. Please."

"The bodyguard that went with you... Hindi ka ba nagtanong minsan kung bakit ganu'n ka niya tratuhin?"

Tinutukoy niya ba si Zas?

"Kasabwat siya Ashley. Did you remember? He saw what happened between you and Edmond. He listened to your mother - a plan to kill you without anyone suspecting. Pilit ka niyang dinala sa plaza para sa plano nila." His voice is trembling. "Ashley... Everyone there hates you but not me..." Nilagay niya ang kaniyang ulo sa aking hita at nakita ko ang pagtaas baba nang kaniyang balikat. Umiiyak ito. "Because I love you, anak. Mahal kita, pati na rin ang mga tao dito. So please, stay here and let me take care of you."

A Villain's Ending [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora