Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. Ngayon ay kumalma na kaming dalawa. Hindi na ako nag atubili pa at tinanong ko kaagad siya."Ama ba talaga kita?" Kailangan kong isipin nang mabuti ang sitwasyon at hindi magpadala sa emosyon. Masyado akong natakot kanina dahil biglaan ang nangyayari.
May hinila siya sa ilalim ng lamesa. May drawer pala dito. He pulled out a brown envelope. Binuksan niya ito at may papel na binigay sa akin. Kinuha ko naman kung ano 'to at nakita na picture pala.
Napaawang ang aking labi. Kahit na bata ay kilalang-kilala ko ang babae na nakapatong sa hita ng lalakeng batang bersyon ng aking ama. Nakangiti ang dalawa habang nakatingin sa camera.
"Satisfied?"
Hindi ko siya nasagot. I felt a little empty inside. I can't feel anything... Except envy. I'm jealous of the real Ashley for having a family. Isang bagay na palagi kong hinihiling noon no'ng nasa amponan ako in my last life.
"Anak kita," ani niya. Magkatapat kami ng upo. Pinaalis niya ang mga maid at ibang tao na kanina pa pala nandito upang makapag-usap kami nang masinsinan.
"I-" tinikom ko ang aking bibig. Ano ba ang dapat kong sabihin?
Mas tiningnan ko pa nang maigi ang litrato na aking hawak. Sobrang inosente pa dito tingnan ni Ashley, mukhang di mo aakalain na magiging kontrabida ito sa isang libro.
"Ayos lang." Kinuha niya ito sa akin. Nagkatitigan kami muli. "Now, ask me." Prente siyang umupo habang naghihintay sa aking sunod na sasabihin.
Mabigat ang aking dibdib kaya naman huminga muna ako nang malalim. "Totoo ba ang sinabi mo? Sa plaza?"
Hindi siya nagsalita. Tumayo siya at may kinuha sa isang maliit na lamesa di kalayuan. He raised his hands and pointed it at the ceiling. Then a hologram appeared. A news tv is on the screen.
"Limang araw na simula noong nawala ang anak ng isang politikana na si Evette." Pinakita ang aking picture sa screen. "Walang nakakaalam kung buhay ba ito o patay ngunit hindi sila tumitigil hangga't hindi ito nakiki-" natigil sa pag report ang babae dahil bigla itong natawa. Ang kaniyang kasama na lalake naman ay ganu'n din ang reaksyon.
"B-bakit ka ba tumatawa!?" Bulong ng reporter na lalake kahit siya mismo at natatawa din.
Umiling ang babae at napayuko. "S-Sorry haha." She clears her throat. "I mean, everyone here is glad that she's missing but I bet they would be ecstatic to know if she's dead." Humagalpak ito ng tawa.
I bit my lower lip as I continued to listen at them.
"Shh!" Saway sa kaniya ng lalake pero mukhang nasisiyahan din ito. Tumingin siya sa camera. "Ehem. Anyways, we called her mom to give us a statement."
Nag split ang screen in half at nakita ko sa kabila si mama. Nakangiti ito at mukhang malusog naman.
"Goodmorm ma'am, ano na pong balita sa anak niyo?"
Inayos ni mama ang earpiece sa kaniyang tenga. "Hello - yes my daughter. Ngayon lang ay may nakita namin ang kaniyang katawan. Walang ulo at putol putol ang ibang parte. Alam kong anak ko 'to dahil mismong si Zas." Tumingin siya sa kaniyang gilid at may tinawag gamit ang kaniyang kamay. Then the familiar face of the man I thought I could trust appeared on the screen. Gwapo pa rin ito. Maayos ang pananamit at mukhang ayos lang din naman.
"Si Zas mismo ang kasama niya noong araw na nangyari ang insidente at may suot itong necklace na nakita sa katawan. Kaya sad to say." She sighed. "My daughter is dead."
"Yes-"
Hindi ko natapos ang panunuod dahil inoff agad 'to ni papa. Bumalik ito ng upo sa aking harapan.
"N-nasaan ba ako?"
"Nasa Ohana ka, hija."
Napanganga ako sa kaniyang sinabi. Ohana? Hindi ba ito ang nangunguna sa supplier ng mineral sa iba't-ibang mundo? Hindi ito kasing-laki ng Eulysis pero kung yaman lang, isa ito sa nangunguna.
Hindi ito kagaya ng lugar ko kung saan isang Emperor ang namamahala. Dahil maliit lang naman ito ay Duke lamang ang may hawak. Regalo ito ng Josephina Kingdom sa kabila sa isang tao kung saan napatay ang huling dragon na naninirahan sa mundo.
Iyon ang nabas ko sa history books doon sa isang libro na nasa kwarto ni Ashley.
"I... Can't believe it." Everything that is happening right now seems a little too fast for me.
"Iyong mga lalake na kumuha sa iyo, kasabwat din iyon ng mama mo. Vernon saved you."
"Vernon?" Tumaas ulit ang tingin ko sa kaniya.
Tumango-tango ito. "One of my trained knights. Saktong nando'n siya para mangolekta ng impormasyon sa isang nagrerebeldeng grupo at nakita ka niya.. the rest is history."
Mukhang may iba ding issue ang hinaharap nito. Ayoko naman makisawsaw kaya pinili ko nalang ibaliwala ang aking narinig.
"Limang araw akong tulog?"
"Yes. This is the fifth day."
"Bakit..." Napakuyom ang aking kamao sa aking itatanong. "Bakit ngayon ka lang nagpakita?" Marami kang tsansa! Kung sana nagpakita ka ng maaga ay baka maiiwasan ko pa ang gulo.
"Your mother..." He looks away. "Forced me to sign a magical contract. Makikita lang kita kapag nasa bingit ka na ng kamatayan."
Magical contract. Once you signed it, whatever the conditions written in it will happen. Whatever the cause.
"Bakit mo pinermahan?" Tanong ko sa kaniya.
Nakatulala ito sa tanawin sa labas ng bintana. "I love your mother, Ashley. But she... Wants more power. Isa lamang akong hamak na magsasaka noon. Ang akala ko ay habang-buhay din ang pagmamahalan namin, ngunit purong akala lamang iyon."
Hindi na ako nakaimik pa. Wala akong alam dito pero medyo nasaktan ako noong marinig ko ang kaniyang pinagsasasabi.
I gathered all my strength and ask him again. "Bakit ka nandito sa Ohana?"
Bigla niya akong tiningnan at tumawa. I tilted my head in confusion. What's so funny about what I said?
"I thought you knew, Ashley." He chuckled.
"Ano nga?"
"Call me dad first."
I facepalmed. Hindi pa ba siya tapos sa ganitong bagay?
"Come on. Call me." His smile went wider.
"D-D-Dad?" Uminit ang aking mukha. Hindi ako sanay.
He laughed more loudly. "Ashley," tawag niya sa akin, "I'm the Duke here." He pointed the swords on the wall.
Napanganga ulit ako. He's the what!?
Masaya niya akong tiningnan. "And you're my future successor."
"H-ha?"
"Who else? All of this will be yours soon." Tinuro niya ang nasa labas. "All of it. You will be the most powerful woman."
T-Teka naman, ano na naman 'to!?
"So, why don't we start your succession lesson tomorrow?" Tumayo siya. "Someone from the academy will be here."
Para akong binunggo ng truck dahil sa pinagsasasabi niya. Wala itong paawat. Gulat pa ako sa isa meron na naman!
"B-bakit?"
He put his hands above my head and patted me. "You don't know? Babalik ka sa Eulysis next month para sa graduation ceremony. For now, you will study at home." Mas ginulo niya ang aking buhok pero tulala lang ako dito. Papasukan na ata ng langaw ang aking labi.
He chortled again at my reaction. "Gulat ka ba? Pero mas magugulat sila kapag makikita ka nila sa susunod na buwan - ang isang taong galing sa hukay - and you will make them pay for everything they did to you, Ashley." His golden eyes glimmered with mischief.
I'm speechless.
YOU ARE READING
A Villain's Ending [COMPLETED]
Adventure[BOOK 1] A Villain's Ending [BOOK 2] A Villain's Beginning (ONGOING) The clichè part of some reincarnation stories is that they "get in" before the disaster or before the story started. While me? I got reincarnated in a book where it's near a happy...