Bakit ba ito lapit ng lapit?! Napilitan siyang tingnan ito sa mukha sa inis.

Malaki naman ang ngisi nito.

"You want... pandesal for breakfast, baby?" Hindi parin naaalis ang ngiti sa labi nito nang sinabi iyon.

Pakiramdam niya pati dulo ng buhok niya namula na dahil sa sinabi nito. Kailangan talaga i-emphasize yung pandesal?!

Nag-iwas naman siya ulit ng tingin sa nang-aakit na mga mata nito.

"Y-yeah." Naiilang na sang-ayon na lang niya para hindi mapahiya.

"Uh-huh. Halata nga."

Nanlalaki ang mga matang napatingin siya dito lalo na ng tumawa ito ng malakas. Nakakainis.

Bakit ba kasi nang-aakit yung mga pandesal nito?! At bakit kasi wala itong suot na pang-itaas?!

"Sinasadya mo to!" Tiningnan pa niya ito ng masama.

"Ang ano? Anong sinasadya ko?" He's still laughing at parang pilit lang nitong pinipigilan iyon dahil nakatingin siya ng masama.

"Well, sorry to disappoint you, sweety, but it's not edible." Muli itong humagalpak ng tawa. "But on second thought..." Tumaas-taas pa yung isang kilay nito.

"SANDER!"

Hindi na natigil ang halakhak nito at ang pamumula niya. Anong gusto nitong palabasin? Na gusto niyang... kainin yon?! Arsehole!

Pinigilan nito ang paghalakhak nang makitang sobrang sama na talaga ng tingin niya dito.

Ilang sandali lang tumigil din naman ito kakatawa pero halatang natatawa parin at pinipigil lang iyon.

Tinalikuran niya ito at dumeretso sa kusina.

"H-hey!" Agad naman itong sumunod sa kanya.

Kumuha siya ng gatas sa ref at nagsalin niyon sa baso. Kumuha rin siya ng tasty para i-toast.

"I... I already cooked. For us." Tila alanganing sabi nito.

Hindi niya ito pinansin at dumeretso parin siya toaster at isinalang yung tasty.

"Feigh..."

Pinagpatuloy niya lang ang hindi pagpansin dito. Naupo siya sa high stool chair at uminom sa gatas niya.

"H-hey..." Tila maamong tupa ang dating ng boses nito sa kanya.

Hmp. Magdusa ka diyan!

Umupo ito sa katabing silya at bumaling sa kanya.

"I'm sorry, okay?"

Ni hindi niya ito tiningnan kaya hinawakan nito ang baba niya upang iharap siya dito.

"Hey, I'm sorry."

Tila nagpapaawa ang kislap sa mga mata nito. Ngunit binawi niya lang ang tingin at muling iniiwas ang mukha sa kamay nito.

Suminghap naman ito at sa gulat niya ay hinawakan nito ang magkabilang bewang niya at iniharap siya dito ng sapilitan.

Tumungo lang siya para iwasan ang nakakapasong mga tingin nito.

Iniangat nito ang kanang kamay galing sa bewang niya at iniipit ang takas niyang buhok sa tenga niya. Muli nitong hinawakan ang baba niya upang hulihin ang tingin niya.

"I'm sorry, sweetheart. I was just teasing you. I'm sorry."

Diretsong nakatingin siya sa mga mata nito at nakita niya ang maraming emosyon doon. Parang kinakausap siya ng mga mata nito at tila nanghihingi ng awa. She's seeing longing, hurt... pain in his eyes.

EAS1: That Wonderful Fall (Completed)Where stories live. Discover now