"Manatili kayo rito hanggat hindi pa namin nahuhuli ang mastermind ng pagkidnap kay Zia!" sabi ni Reon kaya napahilamos sa mukha si Jeric.

"Zia naman, bes! Baka pwede nang umuwi?" pakiusap ni Jeric. "Ngayon na nga kami magbabakasyon ni Trina e."

"Babayaran ko ang ticket ninyo. Sama nyo na si Ian pero wag ngayon, Jeric!" sabat ni Reon.

"Sabi mo 'yan ha. Pati hotel at allowance kung pwede po."

Tumango si Reon saka nag-isip.

"Ano ho ba talaga ang nangyayari?" tanong ni Trina na nakapulupot ang kamay kay Jeric. "Nagdududa ho ba kayo sa amin? At bakit tinitingnan ninyo ang leeg ni Jeric?"

"Sa inyo ang tatlong kwarto na katabi ni Chester sa itaas," wika ni Reon saka hinila si Zia sa kwarto para magpahinga.

"Nadamay pa ako!" reklamo ni Ian saka tumungo sa kusina para kumain.

"Sabi sa 'yong 'wag mo akong lagyan ng kissmark eh," paninisi ni Jeric kay Trina. Galing pa naman sila sa bahay nito kanina para magpaalam kaya nag-turtle neck siya para pagtakpan ang chikinini.

"Sorry na. Tinanong kita kung okay lang ba at sabi mo oo!"





----------------


"May balita na ba? Baka pwedeng makabakasyon na kami?" tanong ni Jeric. Two days na silang nasa bahay at walang magawa kundi ang manood ng Netflix.

"Dito na muna tayo, wala naman akong gagawin sa bahay," sabi ni Ian habang naglalaro ng playstation sa sala. Libre lahat ng pagkain kahit na ano ang i-request nila kaya wala siyang reklamo.

"Nagmamadali ka? Lumabas kang mag-isa pero oras na may mangyari sa amin dito na wala ka, ikaw ang sisingilin ko!" pagbabanta ni Reon kaya napabuga ng hangin si Jeric.

"Hatidan ko lang si Chester ng merienda," sabi ni Zia na may dalang buko juice at banana cue.

Kumatok siya ng dalawang beses saka pumasok.

"Hi," bati ni Zia. "May merienda ako."

"Salamat. Nag-abala ka pa. Makakababa naman ako."

"Gusto kong tuluyan ka nang magaling."

"Zia naman, malakas na ako at wala na ang sakit!"

"Kahit na."

Sabay na silang nagmerienda at nagkwentuhan.

"Hindi ko lubos maisip na nagawa iyon ni Tiya Maricar," ani Zia. "Kita mo naman na sobrang bait niya sa akin, paanong biglang nagbago ang lahat?"

"Hindi natin nahuhulaan ang takbo ng utak niya, Zia. Siguro naghiganti lang siya sa parents mo dahil sa halip na suportahan siya sa pagkakamali niya, pinalaglag pa rin nila ang sanggol na nasa sinapupunan niya."

"Pero hindi ba dapat hindi na nila ako idamay?"

"Ang problema kasi wala na siya para tanungin natin."

Napahikbi na naman si Zia. Si Tiya Maricar na niya ang tumayong ina't ama niya mula nang namatay ang parents niya.

"Isa pa, nilason ka niya, Zia. Nang ma-ospital ka noong isang taon, may lason ang pagkain mo."

"Pero hindi naman lason ang—"

"Kilala niya ang doktor."

"Bakit ganoon siya? Hindi ba pwedeng kalimutan na lang namin ang nakaraan?" puno ng paghihinayang na sabi ng dalaga. "At bakit hindi niya sinabing nalulugi ang manukan at babuyan? Hindi naman ah!"

"Hinala namin, buhay pa ang anak niya," sabi ni Chester. "Pero hindi pa namin ma-trace kung kanino niya pinapadala ang pera."

"Tapos ikaw pala ang nagpapadala ng allowance ko," ani Zia. "Chester, hindi mo kailangang—"Hinawakan ni Chester ang kamay niya saka pinisil.

Un-tie (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon