Ngayong nabuksan mo na ang unang pahina ng aming mga liham, hinihiling namin na sa iyong pagbasa, ikaw ay maliwanagan at makarampot ng karunungan na makakapagpabago ng iyong pananaw sa iyong kinalalagyang lipunan.
Simulan mong tagalin ang busal ng iyong bibig, gupitin ang taling nagbibigkis ng iyong mga kamay, at buksan ang rehas na nagkukulong sa iyong isipin nang sagayon iyong lubos na masilayan na ang buhay ko ay buhay mo.
Samahan mo kaming ipaglaban ang Inang Kalikasan.
Sapagkat ikaw at ako,
Ikaw at ang akdang ito,
Ay iisa.
"Matagal naming hinintay ang pagbabalik mo...
Umalabot."
YOU ARE READING
CLIMATE CHANGE: Liham ng Hinaharap
General FictionAng librong ito ay naglalaman ng mga liham ng hinaharap. Ang akdang magpapakita na ang buhay modernong kinabibilangan nila ay malayo sa mga salitang "madali" at "magaan". Samahan n'yo akong buksan, alamin, at kilalanin ang hinaharap.