Chapter 7, It's you.

111 6 0
                                    

The students was waiting patiently for the event to start. I was busy making sure that all of the students on the list for day one had received their reserved tickets. While the business ad and marketing students were busy doing a live show to broadcast the entire event on the school's main page. As I was with Fay, Katie, Ericka, and a few English department students as well as the accounting and finance students. We are in the cafeteria right next to the covered court, where we can see everyone.

"Uy may susuotin na ba kayo sa day 3?" Biglang tanong ni Fay. Napatingin kami sakanya.

Sumagot naman si Katie, "Bibili pa lang ako bukas."

"Meron na 'koooo. Kasi 'di ba't sabi ni Ma'am Ocampo pang-party daw talaga ang theme? E di pang-bgc binili ko! HAHAHAHAHAHAHA" Sabay-sabay naman kaming nagtawanan matapos ni Ericka sabihin 'yon.

"Ako, bukas pa lang rin bibili" Sagot ko.

"May gift kasi sa'kin 'yong bf ko, fitted silky dress siya na backless.. pwede ba yun?" Tanong ni Fay.

"Oo namannnn!" Sabay-sabay naming sigawang tatlo. Nagtawanan na naman ulit kami. Si Fay kasi hindi siya revealing magsuot. Mahilig siya sa mga oversized shirts, long sleeves, minsan nag croptop siya pero may jacket. I think, mas babagay yung damit na tinutukoy niya sakanya dahil may shape ang katawan niya.

"Conservative kasi ang Lola niyo kaya medyo uncomfy ako sa gano'n HAHAHAHAHAHAHAHA" Tumatawa pang sagot ni Fay.

Ilang sandali'y natapos na rin kami sa ginagawa namin. 'Di na rin namin namalayan ang oras, 7:40 p.m na pala.

"Huy mga anak! Bakit nandito pa kayo? Pumunta na muna kayo do'n sa court, nagpa-party na oh!" Pag-aalalang aniya ni Ma'am Ocampo. Siya talaga ang nanay-nanayan namin dito sa school. The way she acts, she speaks, and the way she worries talagang isang legitimate na ina talaga.

"Sakto tapos na namin Ma'am." Sagot ni Fay. Tumayo kami at saka nag-ayos ng very light dahil na-haggard kami ng very light.

"Arat makiparty tayo." Aniya ni Fay saka naman sumunod kaming lahat sakanya.

Dito kami pumwesto sa bandang dulo. Sobrang hype na hype sa pagsasayaw ang mga istudyante dahil sa EDM na naka-salang.

Hindi ako sigurado kung masasabayan ko ba ang energy nila dahil nagugutom na 'ko. Kahit may snacks ako kanina, feel ko gutom pa rin ako dahil siguro sa kapaguran.

They started hyping with the songs and students as soon as we set foot on the covered court. Although I was smiling the entire time, I can't really handle it any longer; my stomach continues growling. Hindi na kasi ako sanay kumain ng hapunan na ganitong oras. Maaga kami lagi ni mama kumakain ng hapunan kaya maaga niya rin ako ginigising para kumain ng almusal at hahayaan na niya ko ulit umidlip matapos magpahinga after eating.

Nagulat ako nang may kumalabit sa likod ko, it was Charles. Ewan pero bigla na lang nag-lighten yung mood ko nang makita ko siya. Maybe I am expecting na sana katabi ko siya..?

"Tara" Malakas niyang sabi para talagang marinig ko dahil sobrang lakas ng music at hiyawan ng mga istudyante. Hinawakan niya ang kaliwang braso ko saka naglakad habang nakasunod lang ako sakanya.

Napakaraming tao sa school kaya kahit bandang exit, maraming mga couples na naglalandian. Hay. Hapdi sa mata.

Huminto si Charles nang makalabas na kami ng school, nasa tapat kami mismo ng gate. "Ano gusto mo kainin?" Seryoso niyang tanong. Gusto kong ngumiti nang tanungin niya ako. Hindi dahil sa kinikilig ako sa tanong niya, pero dahil naisip niya pa 'kong tanungin at naalala niya pa 'kong isipin. Siguro nakita niya kong nakahawak sa tiyan kanina.

"Uhmmm" Pag-iisip ko pa habang napatingin sa ibang direksyon.

"Tagal ha" Aniya niya saka napatingin ako sakanya. Obvious talaga na nagpipigil siya ng ngiti.

Surprised, It Was Him!Where stories live. Discover now