Chapter 6, Glimpse of uncertainty.

111 3 0
                                    

Tahimik lang akong naglalakad katabi ni Charles pagka-baba pa lang namin ng Jeep hanggang nakapasok kami ng school. Ewan, parang walang energy yung bibig ko dumaldal ngayon.

"Huy, ba't sabay kayo?" Taas kilay na tanong ni Ericka nang ma-realize kong nasa loob na pala kami ng klasrum. The heck, ganito ba talaga kapag wala sa sarili?

"Kasi sabay kami?" Sagot naman ni Charles.

"Charles!" Biglang malakas na aniya ng isang lalaki.

"Hinahanap ka ni Ma'am Ocampo, may itatanong daw. Ando'n siya sa stage." Dagdag pa niya. I guess isa 'yon mga architecture students.

"Ah, sige. Sunod ako." Sagot niya.

Inilapag ko ang gamit ko sa isang vacant chair saka kinuha ang ensaymada nang tumabi si Charles sa'kin saka inilagay din ang bag niya sa katabing upuan.

"Una muna 'ko ah, tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka." Bulong niya habang may kinukuha sa bag niya.

Sumagot ako, "Kailangan ba may kailangan ako sa'yo para tawagin ka?" hindi ko siya liningon, saka isinara ang zipper ng bag ko.

"Anytime you want. You know, free ako lagi basta ikaw." Nakangising proud na proud niyang sagot sabay kindat nang lumingon ako sakanya. Hay. Ito na naman po siya, ang dating Charles.

"Sige na, brb." Dagdag niya sabay tapik sa kaliwang braso ko.

Pagkaharap ko, nagulat ako nang nakalapit ang pagmumukha ni Ericka sa'kin. You know, nang aasar. Buti na lang at i-ilan pa lang ang mga istudyante rito.

"So, anong status sis?" Mahinang nakangising tanong niya.

"Excited ka pa sa'kin ah? Ikaw na kaya?" Sagot ko saka naglakad.

"Syempre 'no. Sa totoo lang ayoko rin talagang maging kayo dahil 'lam mo naman mga eksenang gan'yan 'di ba? Ending nasisira ang friendship. Syempre ayokong mangyari yun sainyo." Mahinang sabi niya habang nakasunod sa'kin sa paglalakad palabas ng room.

"Kaya nga pinag-iisipan ko ng mabuti." Sagot ko. Nakalabas na kami ng room nang bigla akong huminto't humarap sakanya.

"Kung tama ang duda kong gusto na niya ko from the beginning, do you think uhmm.." Napataas kilay siya nang inaantay ang sunod kong sasabihin.

"everything he did aren't simply for friendship? So, we wouldn't describe it as 'a friend's help', would we? But it is someone who secretly admires you?" Tanong ko sabay pagtaas pa ng kanang kilay ko.

"OMG! SIS! MAY UTAK KA PALA??? SO, AKO NA LANG WALA?" Mala-Joker pa ang ngiti ng gaga.

"Anyway, tama kaaaa. Kaya unang itatanong mo sakanya sis, since when ka niya nagustohan? Or, uhmm if gusto ka pala muna niya talaga. Kasi mamaya nag-aassume lang pala tayo rito." She explained with those expressive hands.

"Tara na, tyaka na natin problemahin 'yan." Sagot ko bilang pag-iba ng usapan saka naglakad ulit.

"Chika mo sa'kin mamaya ba't sabay kayo ni ano ha" Dagdag pa niya, tumango lang ako.












Before it starts at 3 in the afternoon, we prepped and double-checked everything. While Fay and Katie are with the students who had reserved their tickets, Ericka and I am on station at the ticket booth.

"Taena sis sakit na ng paa ko" Bulong ko sakanya.

"Same sis, kanina pa tayo palakad-lakad e ngayon naman nakatayo" Sagot niya habang hinihintay namin ang nagfi-fill out ng tickets.

Dahil may katagalang magfill out ng form yung dalawang istudyante napalingon ako sa kanang bahagi ko kung nasa naroon si Ericka hanggang sa gitnang bahagi at sa kaliwa. Sana pala hindi na lang ako lumingon.

Surprised, It Was Him!Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu