Chapter 3, The kiss.

286 7 0
                                    

The second and third days had passed, but neither day saw him again.
I never again saw that bag. I keep running into computer science students, but I've never seen a bag like that. I've been wanting to ask them, but I held off as I didn't want any rumors to spread. At the fourth day, I hope to see him again.

Fourth day. Will I see you again?
I was holding the tickets near the stage at the covered court and listening as Elle was explaining all we needed to finish today. I've started focusing on this task rather than trying to find that guy again. Since that day, my eyes and my mind have been searching for that bag for some unknown reason for which I have no idea whatsoever. Is it just me, or what?

"Belle, itutuloy pa daw ba sa pag-gawa ng ticket booth? May extra tickets pa ba?" Biglang tanong ni Charles sa'kin kung saan tumabi siya sa kanang side ko.

"Ah, oo. Ituloy daw yun, marami pang ticket. Nakapag-post naman na sa page na first come, first serve na lang sa tickets since may mga nakapagpa-reserve na." Mahinang sagot ko.

"Oh, okayyy." Sagot niya.

Ilang segundo lang ang nakalipas nang 'di ko na ramdam ang presensya ni Charles namg may kumurot sa tagiliran ko. Nawala tuloy ang antok at pan'lalambot ng katawan ko.

"Aray gago" Napalakas kong sabi dahilan para magtinginan sila sa'kin. Maski sila Charles na nasa likuran lang namin, napangisi na lang tuloy.

"Ina kasi neto e" Nakangiti kong sabi saka naman i-binalik nila ang tuon nila.

"Bakit ba?" Bulong ko. It was Ericka. Alam ko yung mga kurutan niyang gan'yan e. Tatlo lang yan, either dahil kita niyang antok na antok na 'ko or nakakita siya ng pogi o nakita niya yung crush ko.

"Papalapit sa entrance ng canteen." Bulong niya kaya't medyo ini-angat ko ang tingin kung saan naroroon ang entrance papunta sa canteen.

"S'ya nga." Bulong ko sa sarili. Napakunot noo ako nang makita kong may babaeng tumabi sakanya saka inakbayan niya. Dahil may kalayuan rin, hindi ko pa rin masyadong matanaw ang mukha niya. Basta, alam kong siya 'yon.

"Ah, yung blue with grey na hawk bag?" Biglang bulong sa'kin ni Charles. Dahan-dahan ko siyang sinamaan ng tingin habang ang focus niya lang ay sa entrance ng canteen.

"'Di mo naman kasi agad sinabi na yun pala crush mo. Kilala ko yun, love. Classmate ko nung grade 8 hanggang 9, shota niya 'yang katabi niya since grade 8." Nakangisi niyang paliwanag saka tinignan ako. May pag-taas pa sya ng dalawang kilay bilang pag-tango.

Napakunot noo lang ako. Nagtataka ako pa'no nito nalaman? Unless may nagsabi!

"Ah HAHAHAHAHAHA sinabi ni Ericka" Dagdag niya. Lumingon ako kay Ericka na nakikinig pala sa'min, lumingon naman siya sa ibang direksyon at nagkukunwaring walang narinig.

"Kung ako sa'yo, love. Ako na lang kasi" Malaking ngiti niya pang pang-pipikon.

Wala akong ma-i-rebat sakanya. May gusto akong sabihin pero hindi ko masabi. Ewan! Naiinis ako na nagagalit!

"Baka na-bo-broken hearted ka, love ah? Shot puno ba mamaya?" Dagdag niya sabay pag-akbay sa'kin na karaniwan niyang ginagawa. Hindi naman ako uncomfy kapag ginagawa niya yun, siguro dahil kilala ko na siya na hindi niya ginagawa yun to take some advantage of something you know.

Ini-alis ko ang akbay niya saka naglakad pa-alis. Ewan. Bigla akong nawalan ng gana.

"Uy, Belle!"
"Sa'n ka punta?"
"Sa'n yun pupunta?"

Rinig kong mga tanong nila. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Hindi ko talaga alam kung bakit bigla akong nainis. Hindi dahil sa mga sinasabi ni Charles dahil sanay naman na 'ko sa mga biro niya. Hindi rin naman siguro dahil dun sa nakita ko. Ewan!

Surprised, It Was Him!Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum