Butterflies

207 13 4
                                    

"Winter—oops, sorry."

Mabilis akong nilapitan ni Yuna na kakarating palang ng office ay kamuntikan ng sumigaw.

Inabot pa nito ang dalawang kamay ko at parang sinasapian ng kung ano mang masamang espiritu na ngumiti sa harap ko.

"Winter!" excited na sambit nya ulit sa pangalan ko.

"Ano ba Yuna? Napapa-isip na akong nalipasan ka ng gutom." sabi ko.

Binitiwan nya ang mga kamay ko at hinampas pa ako sa braso.

"Apaka mo!" inis na sabi nya na syang ikina-irap ng mata ko.

"Ano ba kasi ang sasabihin mo at parang timang ka?"

Another hampas sa braso. "Excited lang kasi yung tao."

"Bakit nga?" di nalang kasi sabihin agad.

"Si Ma'am ganda kasi papasok na ngayong araw." kinikilig na sagot nya.

Bumilog ang dalawang mata ko sa gulat. "S-seryoso?" paninigurado ko.

Tumango-tango si Yuna. It's my turn para kiligin at mapatalon-talon pa dahil sa tuwa.

Na-miss kaya namin si Ma'am ganda. Sya kasi yung tinuturing kong motivation dito sa team namin. Sa tuwing nahihirapan at stressed ako, isang tingin ko lang sa kanya napapangiti na ako. Para nga syang si Mama Mary eh. Na sa tuwing magkakamali ka ng gawa ay mapapadasal ka nalang talaga.

Natigilan kami sa pagfa-fan girl ni Yuna ng may malakas na tumikhim sa likod nya. Sabay kaming tumingin dito.

"Good morning Katarina!" masiglang bati sa kanya ni Yuna. Gumilid pa ito at tila binigyan kami ng space ni Karina.

"Good morning Yuna. Nag-breakfast ka na ba?" tanong nya sa kaibigan ko pero sa'kin naman sya nakatingin.

"Yes, di kasi ako sanay na hindi kumakain tuwing umaalis ng bahay." nagulat ako ng bigla nya akong hawakan sa magkabilang balikat at iniharap kau Karina. "Pero itong si Winter hindi pa."

Pinandilatan ko sya agad.

"Good. That means she can't say no to me." nakangiting sabi ni Karina. "Let's eat breakfast together, Winter."

Hila-hila na ni Karina ang kamay ko. I mouthed some words kay Yuna na hindi naman yata naintindihan ni shunga.

We still have thirty minutes before ang morning meeting. Kaya pwedeng pwede pa kaming kumain.

Bigla naman syang huminto sa may pinto ng canteen dahilan para mapahinto rin ako.

"Kukunin ko lang yung breakfast natin." sabi nya.

"Huh? Hindi ba may pagkain naman sa canteen?" takang tanong ko.

Ngumiti sya at pinanggigilan ang pisngi ko.

"Trust me mas masarap ang dala kong breakfast compared sa mga food na nasa canteen. Wait here, okay?"

Tumango nalang ako habang hinihimas ang pisngi ko. Ang sakit ng pagkakapisil nya sa cheeks ko.

Mabilis syang naglakad papunta sa pwesto nila. Nakasalubong pa sya ni Ningning at parang may sinabi sa kanya. Nagulat nalang ako ng ituro ako ni Karina bigla tapos ay tumingin sa'kin si Ningning. She waved her hand at sumigaw pa ng 'Goodmorning Winter!' pareho kami ni Karina na nahiya sa ginawa ni Ningning. Napatakip nga ako ng mukha saglit. Nakuha lang naman ng pagsigaw nito ang atensyon ng ibang team pero parang wala lang ito kay Ningning na tinarayan pa yung isang girl na nakatingin ng masama sa kanya.

Iniwan na ito ni Karina samantalang hinila naman sya ni Elly na parang nag-sosorry pa sa nagawa ng kaibigan.

Di naman nagtagal si Karina sa pagkuha ng sinasabi nya breakfast. She happily waved the paper bag na hawak nya sa harap ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 24 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MagnetWhere stories live. Discover now