Can we be friends?

192 19 3
                                    


Minsan napapaisip na talaga ako kung normal pa ba ang company namin? Sa sobrang complete kasi ng mga facilities dito sa loob nakakatakot na minsan.

Pagpasok namin ng clinic ay agad akong inasikaso ni Nurse Jisoo. Hindi na nga ito nagulat na ako ang magiging pasyente nya. Sa ilang beses ba naman akong napupunta rito sa clinic ay nasanay na sya sa'kin. Mas magugulat yan kung sa isang linggo ay isang beses lang akong nagagawi sa clinic.

"Winter okay lang na sumigaw." sabi Karina na amused yatang nakatitig sa'kin habang hawak-hawak ni Nurse Jisoo ang paa ko.

Okay daw sumigaw, eh di, sumigaw.

"Araaaay!" may instant pa high note na ako rito sa loob ng clinic. Anong sinabi ng G5 sa tili ko. Ang sakit naman kasi talaga.

"Ang sakit po pag ganyan po." nakangiwing sabi ko habang ginagalaw ni Nurse Jisoo ang paa ko.

"Akala ko never talaga kitang maririnig na magsabi ng ganyan. Palagi ka nalang kasing walang reaction sa tuwing ginagamot kita rito." nakangiting sabi nya na parang natutuwa pa sya sa dilemma ko ngayon.

"Really? Never pa syang naging ganito?" manghang tanong ni Karina. Tumango lang naman si Nurse Jisoo sa kanya at binitiwan na ang paa ko.

"Wow."

Hindi naman sa wala akong reaction. Ayoko lang maging exaggerated o madrama sa mga nangyayari sa'kin. Sa araw-araw ba namang pag-attract ko sa malas at disgrasya nasanay na akong wag laging magreklamo o magdrama. Wala rin naman kasing epekto kong mag-rereact pa ako ng ganito, ganyan. Hindi naman pwedeng lagi ka nalang mag-rereklamo sa buhay.

"X-ray na natin paa mo."

Oh diba? Complete package talaga ang company namin. May X-ray room sa mismong clinic. Usually pag mga ganito si Dra. Jennie ang gumagawa pero dahil nga break time ngayon ni Dra. Si Nurse Jisoo ang nandito para asikasuhin ang mga tulad kong nangangailangan ng madaliang x-ray.

Matapos akong ma x-ray ay pinahiga ako ni Nurse Jisoo sa isang bed nitong clinic at nilagyan ng bandage ang kaliwang paa ko.

"Wala ka namang fracture pero kailangan parin na nakaganito ang paa mo. Wag mo rin to munang masyadong igagalaw. You can ice it maya-maya." pag-explain nya.

"Thank you po."

Ngumiti sya sa'kin. "I'll inform your department nalang.  You can stay here hanggang sa matapos ang shift mo. Wag mo lang kakalimutang kumuha ng return to work slip bukas bago ka pumasok ng office." Tinignan nya naman si Karina na nakatayo lang sa may side ko.

"Let's go." sabi nya rito.

Nagulat kami ng bigla nalang umupo si Karina sa isa pang bed at nakahawak sa sintido nya.

"Actually Nurse Jisoo nahihilo rin ako. I don't think kaya kong mag-work ngayon." sabi nya.

Napataas ang isang kilay ni Nurse Jisoo bago kumawala ang isang pilyang ngiti mula sa labi nito.

"Okay, okay I'll accept your drama ngayon Katarina. Aalis na muna ako para ipagpaalam kayong dalawa."

"You're the best Nurse Jisoo!"

Umiiling na lumabas ng clinic si Nurse Jisoo habang naiwan naman akong kasama si Karina.

Gaya-gaya rin to. Siguro naiinggit sya ng marinig nya na pwede ako rito hanggang uwian.

Inayos ko ang sarili sa kama at tahimik lang na pinagmamasdan ang naka-benda kong paa.

"I'm sorry."

Napatingin ako sa kanya. Inayos nya ang sarili sa pag-upo at tinignan ako.

MagnetDove le storie prendono vita. Scoprilo ora