Maling akala

174 13 6
                                    




Nakatulala akong naka-upo sa kama ko. Rest day ko pala ngayon pero nakalimutan yata ng katawan ko. Gising na agad ako alas dyis palang ng umaga. Usually kapag ganitong wala akong work ay alas dose na ng tanghali ako nagigising. Binabawi ko kasi yung puyat ko buong lunes at byernes. Pero heto nga’t gising na agad ako. Ang weird kasi ng panaginip ko. Pumunta raw ng bahay si Karina at binigyan ako ng…

Agad na uminit ang mukha ko. Bakit ganun ang panaginip ko?! At bakit tandang-tanda ko talaga?! Samantalang nung nanaginip ako ng tungkol sa mga number na lalabas sa lotto ay wala ako maalala ni isa pagka-gising ko.

Nailagay ko nalang ang dalawang kamay sa buhok ko at inis na ginulo ito. Paulit-ulit na kasing nag-piplay sa utak ko yung nangyari sa panaginip ko.

“Winter!”

Napa buntong hininga ako ng marinig ko ang napaka-lakas na sigaw ni Ate mula sa baba.

“Winteeer!” mas lumakas pa ang sigaw nito.

“Sandali lang!” nakisigaw na rin ako habang inaalis ang sarili sa higaan. Ano naman kayang kailangan nito ni Ate?

Di na ako nag-abalang magsuklay o mag-ayos ng mukha. Dumiretso na ako sa pagbaba ng hagdan. Naabutan kong nag-luluto ng pagkain si Mama at Ate sa kusina. Ang aga naman yata nilang magluto ng pang-lunch.

“Bakit?” inaantok na tanong ko habang kinukusot ang kaliwang mata.

“Buksan mo nga yung pinto. May bisita tayo.” Utos nya sa’kin.

Eh?

Talagang tinawag nya ako para lang dyan? Nandito naman na sila sa baba, bakit di nalang sya sumaglit at nagbukas ng pinto?

“Ate naman!” reklamo ko.

“Loko ka talaga Taeyeon, kung pinapasok mo nalang yung bisita nakakahiya. Tinawag mo pa si Winter.” Sabi sa kanya ni Mama. Hindi naman ito inintindi ni Ate at talagang pinagsalitaan pa ako.

“Aba, nagpapakahirap na ako rito. Dapat ganun rin sya, hindi ko naman din bisita ang pagbubuksan ko.” Inis na tumalikod nalang ako at naglakad papunta sa pinto. Sinong bisita naman kaya ang tinutukoy nila? Wala naman akong bisitang inaasahan.

Chineck ko saglit ang pantulog na suot ko. Wala namag masama sa spongebob na pajama ko. Baka si Yuna yung sinasabi ni Ate. Sya lang naman bumibisita sa’kin ng ganito kaaga.

Binuksan ko na yung pinto at ready ng i-welcome si Yu—

“Good morning.”

Mabilis ko ulit isinara ang pinto at napatakbo agad ako pabalik ng kwarto. Tinignan ko ang buong itsura ko sa salamin. Ang gulo ng buhok ko tapos yung suot ko pa!

Tinungo ko yung cabinet ko at agad na naghanap ng disenteng damit. Tapos ay nagmamadaling naghilamos at nagmumog na rin ako. Mabilis ko ring inayos ang buhok ko. Nang masigurado ko ng maayos na ang itsura ko saka ulit ako tumakbo pabalik ng pinto at binuksan ito.

Hinihingal na ngumiti ako sa kanya.

“G-good morning.”

Narinig ko na ang malalakas na tawa ni Ate mula sa kusina at kitang-kita ko rin ngayon ang malawak na ngiti sa mukha ni Karina na gusto na rin yatang matawa sa’kin pero pinipigilan lang.

Ayoko na.


“Okay lang yan Katarina marami talagang na-cuculture shock saming dalawa ni Winter.” Napatampal nalang ako ng noo dahil sa pinagsasabi ni Ate kay Karina na kanina pa pabalik-balik ang tingin sa’min.

Hindi naman kasi talaga maipagkakaila ang magka-hawig na mukha namin ni Ate. Kumbaga kami yung pwede mong bansagan ng salitang pinagbiyak na bunga. Madalas pa nga kaming napapagkamalan na twins lalo na noong pareho kaming nagpa-iksi ng buhok. Mga panahong uto-uto pa ako kay Ate.

MagnetWhere stories live. Discover now