My favorite song

224 12 3
                                    





Nakaramdam ako ng pag-galaw sa tabi ko. Anong oras na ba? Linggo nga pala ngayon.

Napagod ang utak at katawan ko sa work kahapon. Grabe halos inabot ng 7 pm pag overtime namin ni Seungmin. Feeling ko ako ang dahilan kaya bumagal ang team namin kahapon. Maya't maya ang pagtayo ko sa harap ni Ma'am Eugene. Hindi na rin alam ni Seungmin kung paanong pag-explain ba ang gagawin nya para lang makuha ko agad yung process.

I feel bad and disappointed talaga sa sarili ko. Wala na yata akong magagawang maayos sa buhay.

Kung hindi lang talaga dahil sa dalawa kong kaibigan baka nag-breakdown na naman ako sa loob ng office. Kahit si Wooyeon tumulong na rin sa'kin kahapon.

Naiintindihan ko naman lahat ng ini-explain nila. It's just, kapag gagawin ko na lagi nalang akong nagkakamali. Hindi ko ma-perfect yung ginagawa ko. It's so frustrating. Yung alam mo na you did your best pero nagkamali ka parin.

I also feel bad sa inasta ko kahapon kay Karina. She waited for me. Nag-insist kasi talaga syang ihatid ako pauwi but at the end kay Yuna ako sumabay at nagpahatid. I just feel like mas kailangan ko kasing makasama yung taong kaya ako maintindihan at that time. Yes, nag-vent lang ako na nag-vent sa loob ng kotse ni Yuna buong byahe.

Babawi nalang siguro ako sa kanya bukas sa office. Maybe I could treat her some coffee? Ganun nalang siguro.

Marahan kong binuksan ang mga mata ko. Adjusting my sight sa ilaw.

"Good morning."

Sobrang bilis ng ginawa kong pag-gulong pababa ng kama. Ang sakit sa likod.

"Oh my god! Are you okay?"

Naka-upo at nakahawak ang kamay sa likod na tinignan ko ang taong nasa higaan ko ngayon.

"Anong ginagawa mo rito?!" di ko maiwasang di magtaas ng boses. Kasi naman nakakagulat na nadito sya.

"I want to see you." simpleng sagot nya.

Ipinatong ko ang kamay sa may gilid ng kama para suportahan ako sa pagtayo. Ang sakit parin talaga sa likod.

Mabilis kong tinignan ang orasan sa bedside table ko. Jusme, alas nuebe palang ng umaga.

"Karina ang aga-aga tsaka rest day ngayon. Hindi mo man lang ba gustong sulitin ang araw na to para sa sarili mo?"

Sandaling tinignan nya ako tapos bumaba ang tingin nya sa sahig na tila ba nag-iisip.

"You're right. I should've stayed in my house and nagpahinga." tumatangong sabi nya. "Pero ikaw ang pahinga ko." malawak ang ngiting dagdag nya pa.

I looked at her in disbelief. Nauntog ba tong si Karina? May something bang nagpa-alog sa utak nya, para maging ganito sya?

Tinalikuran ko sya at tinungo nalang yung pinto.

"Damn, it didn't work on her." mahinang sabi nya.

Hinarap ko ulit sya bago abutin yung doorknob.

Naka-upo parin sya kama at ngayon ay nakabusangot na ang mukha.

Cute

"Nag-breakfast ka na ba?" tanong ko.

Mabilis nya akong tinignan. "Hindi pa. Why?" tumatayong sabi nya. "Sabay tayong mag-bbreakfast?"

Hindi nya man lang tinago yung excitement sa mukha nya.

"Nandito ka na eh. Sabay ka na sa'kin." sabi ko bago sya talikuran. Mabilis akong bumaba ng hagdan.

"Ate!" sigaw ko. Biglang napakunot ang noo ko ng madatnan ang tahimik na sala. Nasaan kaya yun? Pag-ganitong oras naka pwesto na yun sa harap ng TV eh, oh di kaya ay ginugulo si Mama sa kusina.

MagnetWhere stories live. Discover now