Confirmed

221 22 1
                                    

Natapos ang maghapong shift ko na iniisip parin ang nangyari sa cr. Ang seryosong mukha ni Karina habang hinuhu-erase! Erase!

Kinukilabutan parin ako hanggang ngayon. Sinong mag-aakala na ang hinahangaan ng lahat na si Karina ay may itinatago palang kamanyakan at katauhan. Nakakatakot na talaga ang mga tao ngayon. Kung sino pa yung maamong tignan sila pa pala yung mas dapat mong iwasan. I swear hindi na talaga ako papayag na mag-krus pa ang landas naming dalawa, kahit na imposible, pipilitin ko parin.

As usual hindi natatapos ang araw na hindi ako nakakaranas ng kung ano-ano. Kanina ay nilipad lang naman ng malaking fan sa tabi ng printer ang mga prinint kong documents papunta sa area ng foundation team. Naaksaya ang isang oras ko sa pag-sosorry at pag-aayos ng mga nagkalat na papel sa area nila. Tapos nakatikim pa ako ng lecture sa team leader namin dahil wala akong nagawang output sa maghapon.

"Sure ka bang kaya mo na rito Winter?" tanong ni Yuna habang palingon-lingon sa mga jeep na dumaraan.

Tumango ako at ngumiti sa kanilang dalawa. "Kaya ko na rito. Sumakay na kayo." Kanina pa kasi may dumaraang jeep kaso hindi sila sumasakay dahil nga hinihintay nila akong mauna. Malapit lang kasi sila sa company samantalang ako ay nasa kabilang ibayo pa ang uuwian. Nahihiya na naman ako kasi ako pa ang nagiging dahilan kung bakit hindi agad sila nakaka-uwi kaya pinagtulakan ko na silang umalis na. Tutal ay kaya ko naman na talaga. Wag lang akong malasin.

"Sige, ingat ka. Wag kang sasakay sa masyadong punuan ah?" tumango ulit ako. Alam kong nag-aalala na naman sa'kin ang dalawa. Noong nakaraan kasi ay sumakay ako sa punuang bus at muntik akong malaglag. Hangang sa may pinto na kasi ang mga nakatayo. Napilitan lang naman akong sumakay kasi ang sabi ng konduktor marami namang baba pagkarating ng Sm. Tapos ayun nga naitulak ako ng nasa likuran ko at muntik na akong malaglag kung hindi lang naisarado agad ng driver yung pinto.

Kumaway na ako sa dalawa na sumakay na ng jeep. Si Wooyeon ay nakatingin parin sa'kin at parang gusto pang bumaba nalang ng jeep para samahan ako. Napangiti nalang ulit ako.

Di naman nagtagal ay may nakita na akong bus. Huminto ito sa first gate kaya naman ay napasimagot ako. Bakit doon huminto? Wala na akong nagawa kundi ang maglakad pabalik ng first gate. Habang naglalakad ay bigla namang umandar ulit yung bus. Ano ba?! Napatakbo tuloy ako ng wala sa oras.

Pasakayin nyo muna ako.

"Kuya wait!" sigaw ko. Pinagtitinginan na ako ng ibang nag-aabang ng masasakyan. Maging yung ibang pasahero sa loob ng bus. Thank god at mukhang napansin naman ako ng konduktor dahil huminto yung bus.

"Oh bilis!" sigaw pa ni kuya. Nagamdali naman ako at kaagad na sumampa. Naglalakad palang ako papasok ng bigla agad silang magpaandar.

"Aaaaack!" tili ko dahil muntik na akong sumobsob. Mabuti nalang at may nakahawak sa'kin. I mean nakasangga pala. Nakasangga yung braso nya sa waist ko.

"Manong antayin nyo namang maka-upo ng maayos yung passenger bago kayo magpa-andar." Dinig kong may nag-complain. "You can sit here." Ay yung nagligtas pala sa'kin mula sa kahihiyan. Tumayo ako ng maayos at tumabi sa kanya.

"Salamat pa-" di ko na naituloy ang sasabihin ko ng makita ko kung sino ang taong tumulong sa'kin.

Si Karina, na naman. Automatic na nailagay ko sa dibdib ko yung mga kamay ko na syang ikinatitig nya naman.

Oh my god. Napaka-bastos talaga.

Kababae nyang tao nambabastos sya ng kapwa nya babae!

Tsaka bakit nakasakay din sya ng bus? Diba mayaman sya at may kotse? Bakit sya nagco-commute ngayon?

"Don't worry." Mahinahong sabi nya habang nakatingin parin sa dibdib ko. "I won't tell anyone." Sabi nya na parang nire-reassure pa ako.

Anong I won't tell anyone?

MagnetWhere stories live. Discover now