My crush is coming back

192 11 3
                                    



Noong sinabi ni Karina na desisyon sya di ko naman inakala na desidido pala talaga sya.

Sa'kin.

Hindi pala talaga sya nagbibiro.

"Winter magmadali ka na. Si Sis kanina pa naghihintay sayo mahiya ka naman."

Naglakad na ako papuntang sala kung saan naka-upo si Karina at si Ate na panay kain sa dala nitong breakfast galing McDo.

Mag-iisang linggo na akong sinusundo at hinahatid ni Karina. Hindi ko sya pwedeng tanggihan dahil kapag humindi ako mas lalo lang syang magpupumilit. Nadala na ako. Noong unang beses ko kasing tumanggi ay sinundan nya lang naman ako gamit ang kotse nya. Ang hiya ko nun grabe. Hindi lang naman kasi basta pagsunod ang ginawa nya. Ayoko ng ikwento pa ang pinag-gagawa nya.

Basta natuto na ako. Ang pagtanggi kay Karina ay isang malaking pagkakamali.

Hindi sya marunong tumanggap ng salitang 'hindi'. Yan ang isa sa nalaman ko sa kanya.

Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit pero matapos ang ilang araw na palagi nya akong kinukulit at sinasamahan ay hinahayaan ko na lang sya sa mga pinag-gagawa nya.

"Breakfast ka muna." nakangiting sabi nya. Inabot nya pa ang kamay ko at inakay ako para umupo sa tabi nya.

Aaminin ko rin. Sa ilang araw na magkasama kami masasabi kong maalaga si Karina. Attentive sya lagi sa'kin.

"Ang sweet mo naman masyado Sis." tinadyakan ko ang paa ni Ate sa ilalim ng mesa.

"Grabe ka naman kiligin Winter. Nananadyak." nakangising tukso nito na para bang wala lang yung pagsipa ko sa paa nya.

"Akyat nalang muna ako Sis. Sumigaw ka nalang Winter kapag aalis na kayo." tumayo na si Ate. "Akin na pala to. Salamat ulit Sis." kinuha nya yung fries at naglakad na palabas ng sala.

"Here, kain ka muna." inabot sa'kin ni Karina ang pancakes na binili nya.

"Ako na." sabi ko. Tumigil naman sya sa ginagawa at binitiwan yung plastic fork.

Nahihiyang ngumunguya ako sa harap nya habang sya naman ay nakatukod ang isang kamay sa mesa at nakahalumbaba rito. Kailangan ba talagang titig na titig sya sa'kin?

"Masarap ba?"

"Uhm...oo." sagot ko sa kanya. Inabot ko yung Mc coffee at humigop dito.

"Glad you like it, Babe."

Bigla kong naibuga yung kapeng iniinom ko.

B-babe?

"Here...are you okay?" mabilis na alalay sa'kin ni Karina. Binigyan nya ako ng tissue at pinunasan nya naman yung table.

"B—busog na ako. Alis na tayo." sabi ko sabay tayo.

"But nakaka-isang subo ka palang."

"Okay na yun. Hindi naman talaga ako breakfast person." sinukbit ko na yung bag ko. "Ate aalis na kami!" sigaw ko.

Nakasunod lang naman sa'kin si Karina palabas ng bahay. As usual nakaparada na naman sa tapat ng bahay namin ang puting Cadillac CTS-V nya.

Isang bagay na laging nagpapa-alala sa'kin ng kahirapan.

"Let me," binuksan nya yung pinto sa may passenger seat.

"Winter?" sabay kaming napatingin ni Karina sa tumawag sa'kin. Si Aeri, kakalabas lang din ng gate ng bahay nya.

Pansin ko ang saglit na pagsulyap nya sa katabi ko ganun din naman si Karina sa kanya.

"Good morning I guess. Kita nalang tayo sa office." nakangiting sabi nya bago maglakad patungo sa sariling sasakyan nya.

MagnetWhere stories live. Discover now