We are dating!

204 12 9
                                    




I paced back in fort sa loob ng kwarto. Anong part ba kanina ang nakita nila? Yung aksidente ko bang pagkahiga at pagkahila kay Karina o yung part ng kiss lang? Napahawak na ako sa ulo ko. Mababaliw na ako neto.

"Winter will you please stop walking around like that? It's distracting."

Inis na hinarap ko si Karina na prenteng naka-upo lang sa kama at parang unbothered sa mga nangyayari.

"Mag-explain ka sa kanila sabihin mo aksidente lang yung nangyari." Sabi ko.

"Why?" tanong nya. Inalis ko ang tingin ko sa kanya. Nakakainis kasi syang tignan. Yung mukha nya kasi habang tinitignan ako ay...alam nyo yun? Yung tipo ng mukha na mawawala ang inis mo at papatawarin mo agad.

Pero kasi! Kung ano-ano na ang iisipin ngayon nila Mama, lalo na ni Ate.

"Basta mag-explain ka sa kanila."

"Anong kailangan kong i-explain?"

"Yu-yung nangyari."

"Ano ba ang nangyari?"

"Yung...yu-yung sa k-kama na...ano..."

"Alin?"

Aaaaaaaaaah! Gusto kong sumigaw sa labis na frustration na nararamdaman ko ngayon habang kausap si Karina.

Pinaglalaruan nya ba ako? Alam kong alam nya naman ang gusto kong ipahiwatig kaya bakit umaasta sya ngayon na parang clueless sya? Ang hirap kaya mag-explain sa taong alam mo na may hint naman tungkol sa pinag-uusapan nyo.

"Okay, okay..." tumayo na sya at naglakad palapit sa'kin. Ako naman ay automatic na napaatras. Defense mechanism ko na yata pagdating kay Karina ang umatras.

"Relax Winter, I won't do anything." Nakangiting sabi nya habang patuloy na lumalapit parin sa'kin.

Ayokong maniwala. Dapat noon palang talaga hindi ako nagpadala sa sorry nya. Sabi na talagang may itinatagong masamang ugali ang hinahangaan ng lahat na si Karina. Pero teka lang nga, bakit ko ba lagging sinasabi ang pangalan nya?! Mas nai-stress ako.

"Stop!" malakas na sabi ko raising my hand sa pagitan namin.

"Okay." Sabi nya na nakataas pa ang dalawang kamay as if surrendering.

"Naiinis na talaga ako sayo. Diyan ka lang, wag kang lalapit." Banta ko sa kanya ng bigla syang gumalaw sa kinatatayuan nya.

"Ipaliwanag mo kila Mama yung tungkol sa nakita nila. Na aksidente lang yun and it doesn't mean anything."

"Ayoko." Simple at mabilis na sagot nya. Tinignan ko sya ng masama.

"Ano ba ang meron sayo ngayon Karina? Bakit ang hirap mong paki-usapan at bakit mo ko pinagtitripan?"

"Hmm...actualy I don't know exactly what's with me right now, but I'm enjoying it. That's for sure."

"Ano?"

"Biro lang. Hindi kita pinagtitripan Winter if that's what you are thinking right now."

Mariing napapikit ako. "Alam mo ang gulo mo Karina." Ibinaba ko ang kamay ko.

"Yes, medyo...actually Winter,"

"Diba sabi ko wag kang lalapit!" muli akong naalarma ng maglakad na naman sya palapit sa'kin.

"Winter relax." Napalunok nalang ako habang nakatitig sa mga mata nya. Nakahawak din sa magkabilang braso ko ang mga kamay nya preventing me to do unnecessary movements.

"I want you, Winter." Mababa ang boses na sabi nya. "I want you to date me. Please date me Winter."








"Nako kawawa ka naman anak."

MagnetWhere stories live. Discover now