Sa labas ng pinto naririnig ng mga magulang ni Noah ang usapan nila ni Diana.

Lumabas si Noah sa silid. Nasa labas ng pintuan ang kanyang mga magulang. Nagmadaling lumayo si Noah. Hinabol ni Carlos ang anak nito. At pumasok naman si Evon sa silid ni Diana.

Hindi maunawaan ni Evon kung magagalit o maaawa s'ya kay Diana.

"Anong gagawin mo ngayon Diana? Alam na ni Noah ang kalagayan mo. Bakit mo nilihim sa kanya ang lahat? Panahon na upang malaman n'ya ang totoo tungkol kay Justin."

Napatigil sa pag-iyak si Diana.

"Anong ibig n'yong sabihin?"

"HINDI SI NOAH ANG AMA NI JUSTIN."

"Anong pinagsasabi ninyo? Hindi pa ba kayo nakukontento? Pinaglalaruan n'yo kami ni Noah."

"Nakikipaglaro? Mahiya ka sa mga sinasabi mo, Diana."

"Wala akong dapat ikahiya."

"Meron. NILOKO MO SI NOAH..SINIRA MO ANG RELASYON NILA NI SHILOH. PINANIWALA MO S'YANG ANAK N'YA SI JUSTIN..NGUNIT HINDI."

Nagulat si Diana sa sinabi ni Evon.

Muling inilabas ni Evon ang kopya ng DNA test at ipinakita kay Diana.

"No! Hindi ito totoo..gawa gawa n'yo lamang ito. Dahil gusto ninyong magkatuluyan sina Noah at Shiloh." Itinapon ni Diana ang papel.

"Gawa gawa? O ikaw ang gumawa ng kabalbalan kay Noah? Walang sekreto ang hindi nabubunyag, Diana."

"Hindi totoo 'yan! Hindi!"

"Nakipagrelasyon ka sa ibang lalaki; habang nagpapagaling noon si Noah."

"Stop it!!" Sigaw ni Diana. Sabay hablot nito ng unan at tinapon sa ina ni Noah.

Mabuti nalang at pumasok ang katulong at pinigilan si Diana.

"Umalis kayo sa harapan ko! Umalis kayo!!"

Lumabas si Evon sa silid.

----------

Hinabol ni Carlos si Noah sa Parking lot.

"Noah, saan ka pupunta?"

"Papa, bumalik na kayo doon. Samahan n'yo si Mama."

"Anak, makinig ka. H'wag kang gumawa ng ano mang hakbang. Kung nag-aalala ka sa pinagbubuntis ni Shiloh..tanggapin mo. Anak mo 'yon. Tumitibok na ang puso ng anak mo, Noah. Wala kang magagawa kundi paghandaan mo lahat. MAbuti nga't alam mo na ngayon palang."

Napahilamos si Noah ng kanyang mga palad. Huminga ng malalim.

"Ano pa ang hindi ko alam? Meron pa ba?" Natanong ni Noah ang ama.

Natigilan si Carlos sa tanong ng anak.

"Meron..."

"Tell me..what is it?"

Pikit mata na sinabi ni Carlos..

"HINDI IKAW ANG AMA NI JUSTIN."

Parang may malakas na bomba ang pumutok sa dibdib ni Noah; matapos marinig ang sinabi ng ama n'ya..

------------

Muling bumalik sa loob ng hospital si Noah. Pakiramdam n'ya lumulutang s'ya sa hangin habang naglalakad. Mabilis ang kanyang mga hakbang. Nakita n'yang nasa labas ng silid ni Diana ang kanyang ina. Hindi n'ya ito pinansin agad pumasok sa silid at...

The BearerWhere stories live. Discover now