Chapter 1 - When gold meets pennies

68 5 2
                                    


Unknown Person's POV


Nasa loob kami ngayon ng golden antique store dito sa sky kingdom at nasa gitna kami ng git-gitan laban sa grupo ng valerina

Bumabaril kami lahat sa lokasyon nila.


Di ko inasahan ang pagsabog ng pader sa gilid ko, natamaan ako ng isang debris sa ulo ko kaya bahagya akong nawalan ng malay, buti nalang hinatak ako papalayo ng kasama ko


Nilapag ako nito "HoY! gising!" Rinig kong sigaw nito. Napabuka ako ng mata sabay mahigpit na kapit sa baril


Napatingin ako sa isang kasamahan ko na ruma-radio mula sa kabila "How many are they?" Sambit nito. Napasilip ako mula sa lokasyon ng kalaban, wala akong makita kahit isang tao


Nanginginig ang buong katawan ko sa takot.


Nabaling ang pansin ko ng may rumolyong bomba sa mismong tabi ko "BOMBA!!" Sigaw ng mga kasama ko, agad silang nagtayuan 


Nanlaki mata ko ng isa-isa silang tumumba "Hindi!!" Sigaw ko sa takot. Natamaan sila ng bala 


Naiwan akong nakadapa habang pinagmamasdan ang bomba. Nang pumutok ito ay napatakip ako ng mukha ko


Matapos ang ilang sigundo ay napagtanto ko na hindi ito bomba, isa itong smoke screen kaya agad akong gumapang sa mga kasamahan kong tumumba


Kinapa ko ang mga pulso nila, buhay pa sila kaya nagulat ako


Napansin kong hindi bala ang tumama sa kanila kundi isang tranquilizer, kaya napahinga ako ng maluwag
/P-pero, nasa likod ko ang tunay ng problema/ 


Lumingon ako at tumambad sakin ang mga anino ng tao sa mga usok. Mabilis kong kinasa yung baril ko sabay tutok sa mga ito, at bigla naman itong nawala

Lumingat lingat ako para hanapin to.


"Shh" Isang mahinang boses ng babae ang sumulpot sa likod ko

Hindi ako nakagalaw sa takot.


"Wag kang gagalaw kung gusto mo pang mabuhay yung mga kasama mo" Dugtong nito sa malamig na boses


Tumango ako at binitawan yung baril. "Good!" Sambit nito. Nang bahagya akong lumingon ay naaninag ko ang isang maskara at nanlaki ang mata ko dahil dito
/Ito yung itsura ng maskara, ito yung maskara ng leader ng valerina!/ 


"Tie him" Sambit nito. Lumapit naman sakin ang isa pang babaeng naka-maskara at mabilis nyang tinali yung kamay ko patalikod pati na rin ng mga paa ko


Lumingon ako sa mga kasama ko at may dalawang lalaki ring nakamaskara ang tumatali sa mga kasama kong tumumba


Napatingin ako sa babaeng tumali sakin "Goodnight". Biglang may nag-spark sa batok ko dahilan ng pagtumba ko.


Nakadapa na ako at bago pa tuluyang mawala ang prisensya ko ay nakita ko itong naglakad sa harap ko papunta sa lider nila.

My Stupid Little PirateWhere stories live. Discover now