Chapter 4.

2 1 0
                                    

- Aithel Kass Ibarra -

I never thought that I'd be able to see him again. But then, everything started to fall into crumbs. I hated the feeling, but I had to continue.

And without realizing that he's always been there.

+++

SANDY SUDDENLY broke into our classroom when the lunch break came. Sabay-sabay ang lunch ng bawat strand, pero iba-iba pa rin grade level. Sa case namin, ang grade level namin ang pinakahuling magla-lunch. We're only 15 minutes behind the Grade 11. Sabay-sabay naman ang lahat ng JHS.

"Aithel Kass!" Malakas na tinig niya habang nasa loob siya ng room namin. Napatingin ang lahat sa kaniya. Kapansin-pansin naman kasi siya. Kitang-kita sa ID lace niya ang HUMSS, kaya sinong hindi magtataka? Nandito pa siya sa STEM building– erase that, sa room ng STEM. "Hoy, babae!"

"Ano? Sa labas tayo mag-usap."

Hiyang-hiya ako para sa kaniya. Absent si Ayhana, pero kung nandito 'yon, siya pa ang unang sasaway. With, of course, her softest voice.

I came out, bringing my lunch box with me. Sinabi ko sa kaniya na sa canteen na kami mag-usap kaya dumaan muna kami sa room nila. I saw Jared, eating with his friends. Bago pa makalabas si Sandy mula sa room nila ay tinuro ako ng isang kasama ng lalaki. He turned his head to me, kaya tinaasan ko siya ng kilay. Ngumiti siya nang malapad.

I still feel bad for Ayhana.

Hindi ko pinansin si Jared at nag-iwas ng tingin. Tsaka na kami bumaba ni Sandy at pumuntang mini nature park.

"Hindi mo kami pinansin kahapon, ah."

"Kukulkt niyo kasi," iritableng sagot ko. "Napikon din ako do'n sa dating PIO ng section natin. Ginugulo ako. What's his name again?"

"Si Ranji. Ta's 'yong isang masungit, si Yal, classmate din natin dati no'ng Grade 10, auditor. At 'yong isa naman, si Kuya Ashton. Limot mo na?"

Tumango ako. "It's been two years. Sa 'yo lang ako in-touch, pati kay Jared."

Ang dami na naman niyang dinaldal. Dapat ay sa canteen kami kakain pero dito na lang. I like the fresh air. Samantalang sa canteen ay puro hininga na 'yon ng mga estudyante. Baka mawalan pa ako ng gana kumain. Minsan na nga lang mag-lunch, mauudlot pa.

"You know Blard?"

Not gonna lie, I was taken a back by that question. Napatigil ako sa pagnguya. Mabuti na lamang at hindi ako 'yong klase ng tao na napapabuga ng pagkain. Ugh.

"Why?"

"Hello? Nasa party ka niya. Tropahan lang namin 'yong nando'n!"

I have to lie. Fuck. "His sister is my friend."

Technically, I told the truth. But Blard was my childhood friend, my first friend, but I don't have the guts to tell her that.

I thought Cali and Ayen would come that day, but they didn't. Nalibang ako kay Blard at nakalimutan ko ang tungkol do'n, pero nang makauwi kami ni Mama ay tsaka ko lamang narealize. They didn't come. Minsan ko na nga lang sila makita, e.

Our group chat became quiet that day. Hindi ko alam ang dahilan. And they even acted that they weren't invited by Cath, at sinabi lang na batiin si Blard galing sa kanila.

I sighed.

Nang lumingon ako kay Yatco ay may maliit na ngiti sa kaniyang labi. Wait, scratch that. A smirk. As if she knows that I lied.

When Things Get Blurry (4k Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon