Chapter 2.

3 1 0
                                    

- Aithel Kass Ibarra -

IT WAS as if everything was planned during that time. Kahit ano'ng gawin ko, talagang mapupunta ako sa sitwasyong hindi ko magugustuhan. I hated change. I used to hate change. It was like I was using the lens of structural-functionalism. Ayaw ko ng pagbabago.

Pero nang dumating siya sa buhay ko...

+++

"WHY THE long face?" Asked my seatmate, Ayhana, when she noticed my facial expressions since earlier. I only looked at her before getting my mechanical pencil, doodling something. "Ano'ng nangyari?"

"Nothing," wala sa sariling sambit ko. I drew a circle and added a face shape on it, sketching a human face. "Life sucks."

Everything sucks at this point. Friday na ngayon. Huminga ako nang malalim bago binitawan ang pencil at sumandal sa upuan, habang ang dalawang kamay ay nasa loob ng bulsa ng blue slacks ko.

Nilingon ko ang bintana at nakita ang magandang ulap. I stared at those. What a nice feeling that it could give me. Paano kaya napadarama sa 'kin 'to ng malalaking bulak sa tanawin?

Staring at those large formations of cotton made me forget about my problem for a second. Pero kapag naaalala ko na Friday ngayon, at walang pasok si Mama bukas, it means she'll try to convince me to go to that damn party. Kainis.

Wala na sa 'kin 'tong sitwasyon kong 'to. Masaya ako kahit walang nagbabago. Mali, masaya ako dahil walang nagbabago sa routine ko. Just the usual. Sa bahay lang every weekends, gagawa ng assignments, pupunta ng library kapag trip ko, hihiga sa kama at magbabasa.

Oo, masakit din namang walang nagbabago sa sitwasyon ng pamilya ko. Pero wala na sa 'kin 'yon, basta 'wag lang akong pumunta sa party na 'yon.

Dahil alam kong may mababago sa buhay ko once na um-attend ako do'n.

Hindi ko alam kung ano, pero natatakot ako.

I'm scared of what will happen. I'm afraid of the things that will change.

I wanna stay inside my comfort zone. Natatakot ako. Nakakakilabot ang pagbabago. Ayoko sumubok. Ayoko sumugod sa isang sitwasyong hindi ko alam ang patutunguhan ko. I don't want to try.

Dahil ayaw kong masaktan.

It's better to stay in the stability - even though it hurts. At least I know my path. At least I can see where I'm going. Rather than changing route, then pain would come next. Masukal na pala ang dinadaanan ko. Ayaw ko no'n.

I wanna protect myself from unfamiliar pain.

Even though it won't make me grow.

I sighed with the thoughts, bago itinigil ang ginagawa. Naisip ko namang midterms na namin the week after next week, kaya mas laloñg sumakit ang ulo ko. Nakakainis naman.

"Aithel, si Jared hanap ka," bulong sa 'kin ni Ayhana. Kumunot ang noo ko bago tumingin sa tinuturo niya. Ano na namang trip nito? Nasa fourth floor kaming mga Grade 12 STEM, at third floor naman silang HUMSS doon sa building nila, at nagpagod pa siya? Baliw. "Pinatawag ka sa 'kin, e."

"Baliw talaga," tila may inis akong naramdaman. "I'll go."

I went and to see him, and once I did, he had this goofy face. I rolled my eyes. Ano na naman ang gusto nito? Naiinis ako ngayon, dadagdag pa siya. His almond eyes are smiling and his dark black hair na humahaba na ay nakapushback. He isn't that tall, or maybe he is, at matangkad lang talaga ako.

When Things Get Blurry (4k Series #1)Where stories live. Discover now