Chapter 16

19 17 0
                                    


"Hi Harvy!" narinig ko na namang sigaw. I heard this before at nandito pa rin siya.

Hindi na ako lumingon at hinayaan nalang iyon. dumaretso ako papuntang library dahil marami pa naman akong oras.

Matagal akong nagbabasa ng tahimik sa library pero nakaramdam ako ng pagkabangot kaya tumayo na ako ngunit nagulat ako sa bumungad sa pintuan. Parehas kami nagkatinginan sa mata kaya umuwias na lamang ako at naglakad. Baka coincidence lang siya na nandito nagsimula akong damputin ang dalawang libro na nasa lamesa.

Nagulat ako ng tumapat sa harapan ko si Lance. Napatingin ako sa mata niya na namumungay. Ang pagkachinito niya ay mas lalong kong nakita sa sobrang lapit namin.

"I'm sorry pala," mahina niyang sabi.

Tumango lang ako at iniwan siyang mag-isa doon dahil binalik ko sa pinagkuhaan ko ang mga libro na ginamit ko. Bumalik ako sa pwesto namin kanina para kuhaain ang bag pero nakatayo lang siya doon at hindi gumalaw.

Iniwan ko siyang mag isa doon at pagkasara ko ng pinto napatingin ako sa ibaba ng pinto sa sahig dahil hindi nasara ang pinto Iniangat ko ang tingin ko nang buglang hilahin ang pinto kaya muntikan na akong mawalan ng banlanse sa pagkakatayo. Muntikan na akong taumba aa bisig niya mabuti na lamang ay malakas ako at hindi ako tuluyan na natumab sa kaniya.

Mabilis ko siyang tinalikuran at naglakad na lang. Bahala na siya, siya na ang magsara non. Naglakad na lang ako papalayo pero naka sunod siya sa akin kaya dumaretso nalang ako sa room namin.

Mabilis na tumahimik ang room dahil sa pagdating ko dahil lahat sila ay nakatingin sa amin. Dumapo pa ang tingin ko kay Harvy na masama ang tingin sa aming dalawa.

Umupo nalang ako at hinintay ang susunod na guro, 1hour ang vacant namin ngayon kaya wala talaga akong magagawa kundi matulog na lang.

Uwian na wala akong imik kahit anong subject na dumating. Naghihintay ako sa gate ngayon dahil magtricycle na lamang ako. Gusto ko nalang talaga umuwi at ayaw ko rin maglakas kasi hindi ko rin alam.

Sobrang tumal ng tricycle ngayon sa harapan ng school namin at isa pa rito ay para sa akin na sana yung tricycle inaagawan pa ako ng mga mamabang grade level sa akin kaya wala na akong nagagawa.

Habang naghihintay ako may pabango akong naamoy na papalapit na ng papalapit sa puwesto ko at pakiramdam ko kilala ko ang amoy na iyon. Lumingon ako sa likod ko at tama nga ako si Lance ito.

"What are you doing here?" I ask.

"Why? Going home, gusto mo sabay tayo?" he replied with a soft voice.

Umiling na lamang ako at pinara ang paparating na tricycle.  Halos gumaan ang pakiramdam ko na makitang walang laman ang tricycle na ito. Mabilis itong huminto sa harapan ko at hindi ko na liningon pa si Lance dahil bahala siya sa buhay niya. Pagkaayos ko ng upo ay agad akong nagulat na pumasok din siya sa loob ng tricycle.

"Bakit ka nandito?" kunot noong tanong ko sa kaniya. Pinanood ko pa siyang inaayos ang bag niya para magkasya kami.

"Sabay tayong uuwi," masayang sabi nito habang nakangiti na halos mawala na ang mata.

"Saan kayo pogi?" tanong ng driver.

Liningon niya ito at sabay nagsalita. Wala na akong nagawa dahil nakasakay na siya.

"Wait? Saan ka ba?" biglaang kong tanong dahil sabay kami. Baka mamaya magkaiba kami ng daan pauwi mapadoble pa ang gastos.

"Sa bahay niyo." sambit nito.

"Sa Poblacion lang po tapat ng karinderya ni Ka-ineng."

Magsisimula na magmaneho ang tricycle ngunit may narinig akong malakas na sigaw mula sa malayo.

"Kuya number 156, teka lang!" malakas na sigaw mula sa malayo. Mabilis na huminto ang tricycle at tumingin sa likod. Kahit ako rin ay napasilip sa bintanang maliit dito sa loob. Malayo palang tanaw ko na si Harvy na tumatakbo patungo sa akin. Inialis ko na lamang ang tingin ko at napatampal aa noo ko.

"Bakit? Sino 'yon?" tanong nito sa akin. Hindi ako nakakibo wala na akong magagawa sasabay na itong dalawa sa akin.

Naramdaman ko na nakaupo na si Harvy sa likuran kaya sinilip ko ito ng bahagya narinig ko pa ang usapan nilang dalawa.

"Kuya yung babae sa loob sagot ko na pamasahe niya, pero yung chiniting lalaki sa loob hindi ko na sahot 'yan," natatawang sambit nito kaya natawa rin ang nagmamaneho.

Mabilis kaming nakauwi at nasa tapat na kami ng bahay namin ay parehas na bumaba ang dalawa. Kinunutan ko sila ng noo dahil ayaw nilang sumakay pabalik.

"Pumasok ka na sa bahay niyo Grenna, you should rest na alam kong napagod ka. Ako na ang magbabayad sayo" Malambing na boses ni Harvy.

"No, I have money." diin ko.

Lumapit ako sa driver at iniabot ang bayad ko ngunit tinanggihan niya ito kaya napanguso na ako.

"Pasensya na po pero, nag abot na si pogi ng bayad mo." Sambit nito at nginitian ito.

Nagkaroon pa tuloy ako ng utang na loob kay Harvy dahil sa pinaggagawa niya. Wala na akong magagawa kaya naglakad na lamang ako at iniwan ang dalawa. Hindi ko alam kung saan ang dalawang iyon pero bahala sila.

Maynaririnig akong yapak sa likod ko at nagulag ako nakasunod na ang dalawa sa akin. Nawala na rin ang tricycle sa likuran namin kaya panigurado ay sinasabayan din ako nito pauwi.

Nakatapat na ako sa gate namin para buksan pero tinignan ko muna sila. 

"Huwag kayong papasok," sabi ko sa kanila kaya mabilis ko itong binuksan.

"Papasok ako,"sabi ni Lance kaya napahinto ako. Bakit siya papasok? Hindi siya dito tirira at hindi nila ito pamamahay. Oo nandito sila noon pero bakasyon lang iyon. Lilipat siya ng bahay at makikitira sa amin aba hindi naman pwede iyon.

"Huwag nga raw pumasok hindi ba? Hindi ka nakakaintindi ng tagalog? Gusto mo ba englishin ko pa para sayo?" sambit nito.

Kaya napatitig ako sa dalawa na magkaharap na ngayon at seryoso ang mukha.

"Dude, chill. Nagpa-alam ako kay tita na dito ako titira in one month because pinapagawa pa yung bahay namin." He said.

Napalipat lipat ang tingin ko sa dalawang ito na parang bata. Kaya wala na akong nagawa kundi pagsarhan ito ng gate.

"Then if my mom allows you to stay here, give me some proof then I'll open this gate." sabi ko agad iniwan silang dalawa doon.

"Good girl," mahinang bulong ang narinig ko.

"Bye Grenna, Kumain ka ha!" Sigaw sa malayo at alam kong si Harvy iyon dahil sa tono ng boses niya. Hindi ko na iyon nilingon pa.

"Sige I'll give you the proof pero maghohotel nalang muna ako." Rinig kong sigaw ngunit hindi ko na maintindihan ang iba.

Island Of Waves (Grenna Severa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon