Chapter 1

82 29 1
                                    

"Goodmorning."

Napatalon ako sa matigas na sabi niya sa akin kaya napalingon ako kung kanino iyon nanggaling.

Nagulat ako sa lalaking nasa harapan ko kaya iniangat ko ang tingin ko upang makilala kung sino ang nakatayo sa aking harapan.

Masasabi ko grabe ang pagiging matipuno ng lalaking ito at kita rin ang burning abs niya sa kaniyang katawan. Hindi ko maiwasan na mapatingin doon dahil nakabalandra iyon sa harapan ko.

Umaga pa lang ngayon bakit ganito na ang bungad ng umaga ko. Tuwing umaga kasi ay lagi akong nandito sa dalampasigan upang magpa-araw ng vitamins at doon mamahinga at nagugulat ako ngayon ay may ganito na wala naman ganito dati.

"Taga saan ka? Kabilang bayan?" Tanong ko rito.

Hindi siya sumagot sa tanong ko. Napatahimik na lang din ako dahil baka magmukha akong desperada sa mukha niya.

"Puwedeng pakuha ng kahoy na iyon?" Turo niya sa paanan ko.

Dali-dali ko iyon kinuha sabay ibinigay sa kamay niya. May buhat siyang malaki at alam kong hindi siya makakayuko pero maari niya naman na ilapag tsaka kuhaain ang bagay na nalaglag.

Naglakad na siya papalayo sa akin at pinanood ko siya na naglalakad mukha siyang rumarampa sa model habang naglalakad papalayo. Mas tumitingkad rin ang kulay niya dahil sa araw na tumatama sa balat niya.

Nagulat ako ng biglang may tumabi sa akin kaya muntikan na akong mapatalon sa kaba. Iniba ko ang tingin ko at hindi na muling bumaling sa naglalakad na lalaki.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kaniya at tinaasan siya ng kilay, dahil sa pagtaas ko ng kilay tinaasan niya rin ako ng kilay kaya halos malaglag ang panga ko.

"Syempre I'll swim." Sabi nito at iniwan sa tabi ko ang gamit niya.

"Aba ako pa ba mag babantay nitong gamit mo?" Sigaw ko sa kaniya habang papalayo siya sa akin at tsaka lumubog sa tubig.

Napailing-iling na lamang ako ng mapatingin siya sa akin pero namilog ang mata ko ng bigla niyang kinagat ang labi niya kaya nag-iwas ako ng tingin.

Kinuha ko na lamang ang cellphone sa tabi ko at doon ko binaling ang atensyon ko. As usual kinuhaan ko ng litrato ang sunrise, natutuwa kasi ako sa sunset at sunrise kaya lagi akong nandito upang kuhaan ito ng litrato.

Nanatili akong nandoon, sawa na akong maligo dito at wala rin ako sa mood para maligo sa dagat. Nandoon lamang ako at nagpatugtog ng gusto ko, matagal na ganoon ang pwesto ko.

Napatingin pa ako sa naglakad sa harapan ko na inakala kong si Lance at nagkamali ako dahil yung lalaking may burning abs ang naglakad uli sa harapan ko.

Hindi ko siya kilala lalo na ngayon ko lang talaga siya nakita. Baka galing itong maynila? Pero paano niya nahubog ng ganoon ang katawan niya? Gym? Pinanood ko siyang naglalakad sa harapan ko si burning abs at nagulat ako kay Lance na pabalik na rin sa pwesto ko.

Iniwan ko na si Lance at umuwi na.

"Kinukuhaan mo ako ng pictures kanina?" Tanong niya ng makapasok sa pinto si Lance, kaya nasamid ako habang umiinom.

"Huy asa ka!" Sabi ko tsaka iniwan siya at umakyat na lamang sa kwarto ko. Nababanas ako sa kaniya ang feeling masyado kung ganyan na siya ngayon ay hindi kami magkakasundo sa College niyan.

Hanggang kailan ba sila dito? Nakakailang araw na kasi sila dito at naalibadbaran ako sa lalaking ito. Mas gusto ko ang tahimik at walang imik, pero ang isang ito ang ingay ang daming tanong.

Or baka naman buong summer sila rito? Napailing na lamang ako sa kawalan at napabuntong hinga. Ang tagal naman siguro kung magbabakasyon sila dito ng buong summer.

Island Of Waves (Grenna Severa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon