Chapter 12

48 24 2
                                    

"Grenna si Harvy nasa gate hinahanap ka."

Narinig ko ang salitang iyan sa liko ng pinto at alam kong noses ni manang iyon dahil kilala ko ang boses niya.

Mabilis akong tumayo dahil susunduin ako ni Harvy. Natutuwa ako na eexcite, sawakas makakagala na talaga ako ng walang bantay. Mabilis akong naglakad pababa ng hagdan at nagulat ako nandoon agad siya sa pintuan namin.

Akala ko nasa gate siya pinapasok pala agd siya. Ngintian ko siya ng matamis ng magtagpo ang mata namin. Tumungo ako sa kinakatayuan niya at hinigit ang braso niya.

Nakita ko sa mukha niya ang pagkabago ng reaksyon. Alam kong nakakabigla ang ginagawa ko pero natutuwa lang ako makakalabas uli ako ng wala ang presensya ni manang na para bang 18 years old na. 17 pa lang naman ako mag 18 this year.

"Do you have date prom?"

"Hindi ko pa iyan iniisip kasi matagal pa iyan." Aniya.

Nakakibit balikat ako sa kawalan at tinanggal ang kamay kong nakakapit sa kaniya at sinabayan siyang maglakad.

"Maglalakad lang tayo?"

Napalingon ako sa kaniya ngayon dahil pansin ko na walang sasakyan sa loob ng bakuran namin. Napatawa siya ng kaonti sa sinabi ko kaya lalong kumunot ang noo ko.

"We're going to use my car." Seryosong sabi nito sabay kinuha uli ang kamay at linagay iyon sa braso niya.

"Pero nasaan?" Tanong ko at inikot ang tingin sa paligid.

Walang natanaw ang mata ko na sasakyan sa paligid ko kaya sa tingin ko siya ng seryoso.

"Nasa labas." Natatawang sabi nito.

Nagulat ako sa ginawa niya ngumuso na naman siya kaya hinampas ko siya. Inangat niya pa sa ang kilay niya kaya nagtaka na ako, hinabol ko ang mata niya kung saan iyon nakatingin. Nagulat ako ng bumungad sa amin si Lance na may hawak na ice cream.

Kumunot ang noo ko kay Lance kung bakit nandito siya nasa labas. For sure sasama ito, alam nito na ayaw nila ako hayaan na lumabas ng hindi kasama si manang. Bumulong ang katabi ko pero hindi ko na napansin.

"Si singkit."

"Hi, sino yang kasama mo? Saan kayo punta?" Gulat na tanong nito ng makalapit sa kinakatayuan namin. Nahuli ko ang mata niya na hinead to foot si Harvy.

"Sa bahay nila." Maikli kong sambit.

"Can I join? Anong meron ba?" Masayang sabi niya at tila interesado sa bahay nila Harvy. Mas lalao pa siyang lumapit sa akinnat parang nagning ning ang mga mata.

Mukhang siya pa ata ang excited kaysa sa akin.

"You're not invited," bulong ng katabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Birthday mo?" Tanong ni Lance kaya napalingon ako sankaniya ng mabilis.

Nahalakhak ako ng malakas sa sinabi ni Lance. Hindi naman birthday ni Harvy ngayon. Mukha atang birthday ni Harvy ngayon.

"Sama mo nalang siya, Birthday Boy." Pang-aasar ko sa kaniya.

Bakas sa mukha ni Harvy ang inis kaya natawa na lamang ako, nakita ko pa ang mukha ni Lance na halatang naguguluhan sa amin. Nagsimulang maglakad si Harvy pero hindi na ako na nakakapit kay Harvy.

Nakarating kami sa labas ng gate namin natanaw ko na ang sasakyan niya. Bakit kaya hindi niya pinasok sa loob ng bakuran para hindi na kami naglakad at hindi kami nakita ni Lance.

Nakatapat na kami sa sasakyan pero hindi ko alam kung saan ako uupo. Pinatunog ni Harvy ang sasakyan at pinagbuksan ang shotgun seat.

"Grenna," bulong nito.

Island Of Waves (Grenna Severa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon