Chapter 5

76 28 0
                                    

Kasalukuyan kaming nagklaklase ng kumatok ang isa sa mga favorite kong teacher. Kaya natuwa ako ng bahagya. Ano kayang mayroon?

"Good morning Maam, excuse kay Grenna at Harvy." Sabi nito at liningon ako.

Nagtaas pa ng kamay si Sir kaya tumayo ako, napatingin pa ako kay Harvy na tumayo rin. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Kung paano ay may record na ako sa guidance at hindi pwede iyon.

Mawawalan ako ng conduct award graduating pa naman kami ngayong taon kaya hindi pwede na mawala ako sa conduct award dapat malinis ang pangalan ko kundi baka maka-apekto iyon sa grades ko.

Napansin ko pa ang mga kaklase ko ay nakatingin sa amin at kinkabahan kung anong mayroon kaya kami pina-excuse. Napalingon ako kay Harvy na kalmado at nakahawak sa magkabila niyang bulsa.

Pagkahawak ko ng door knob bumungad sa amin si Sir. Seryosonang mukha niya kaya kinabahan ako bigla.

"Ano yung naririnig kong balita sa inyong dalawa?" Panimula ni Sir.

Nalaglag ang panga ako, paano nakarating agad kanila Sir iyon? Napalingon ako sa katabi ko na nakangisi na at nakahawak pa rin sa bulsa niya.

"Kayo ang ilalaban sa Math Quiz bee," sabi nito.

Nakahinga ako ng maluwag dahil may quiz bee pala kaya lang math. Alam ko yung math pag may particular lesson at sinabi kung ano ang lalabas sa exam pero yung tulad nito na biglaan at lahat ng lesson ay alam.

Doon ako tatabingi kaya kailangan kong mag review para may masagot ako. Nakakahiya naman kung maging kulelat ako doon.

"Mataas kasi ang grade niyo sa math last year at nakita namin sa activities niyo na matataas naman, kaya kayo ang napili." Paliwanag nito.

Dapat yata ay hindi ko ginalingan last year kaya lang malakas siya makahatak sa grades ko kapag hindi ako nag seryoso.

"Pwede naman kayo mag-review ng sabay tapos humiram kayo sa mga lower level ng libro." Sabi nito.

Tumango-tango ako sa sinabi ni sir. Sana naman bigyan ako ng panahon para mag review.

"Kailan po ang Quiz bee?" Tanong ng katabi ko kaya napalingon ako.

"Sa next tuesday kaya may one week pa kayo para mag review. Pasensya na late ko na nasabi." Sabi nito at iniwan kaming dalawa na nakatayo.

Sumunod ako kay Harvey na pinagbuksan ako ng pinto tsaka ako pumasok. Tahimik kaming naglakad dahil natuturo ang guro namin.

Mabilis akong nakarating sa upuan ko pero bigla nila ako linapitan upang magtanong. Gusto lang talaga ng mga ito chumismis.

"Anong mayroon?" Biglang tanong nila ng makalapit ako.

Hindi agad ako kumibo dahil bala uminit ang ulo ng guro namin dahil sa ingay ng bulungan nila. Nag sign nalang ako sa kanila na manahinik mabuti ay naintindihan nila.

Hinintay ko iyon matapos kahit walang pumapasok sa utak ko dahil ang utak ko ay nasa math quiz bee. Nang makalabas ang guro atmy agad silang lumapit.

"Grenna ano yung nangyare kanina anong meron?" Tanong nila.

Nakikisisyoso na sila sa akin, dumami ang tao sa paligid ko at parang ngayon ko lang ito naramdaman sa tagal ko rito sa school na ito.

"Math quiz bee lang." Nahihiya kong sambit.

Pagkasabi ko non ay agad silang nagsibalikan sa upuan habang nalaglag ang balikat sa sinabi ko. May mali ba akong nasabi? Ano ba ang gusto nilang marinig mula sa akin?

May lumapit sa aking babae at ito yung babae na isa rin sa magagaling sa math naging kaklase ko siya noon pero bakit hindi siya sinali? Bakit ako ang napili para doon?

Island Of Waves (Grenna Severa)Where stories live. Discover now