Chapter 13

45 18 1
                                    

"Hi, Arvy!"

Umalingawngaw ang malakas na sigaw, halos lahat ng nandoon ay napalingon sa malakas na ingay na pinaggalingan.  Hindi ko iyon liningon dahil hindi ko naman kilala iyon.

Napalinngon ako ako kay Harvy na naglalakad papalapit sa akin, napapadpad ang tingin ko sa kaliwa niyang kamay.Dala-dala niya ang librong kinuha niya sa akin halos malaglag ang panga ko sa pagkagulat. Binigyan ko siya ng masamang tingin upang itago iyon pero hindi siya nagpatinag tumawa lang siya kaya mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin.

Nakatanaw pa ako sa kaniya ng magulat ako ng may yumakap kay Harvy. Hindi ako nakagalaw dahil may kirot na naramdmaan ang puso ko. Napalingon ako sa babaeng nakayakap sa kanuya ngayon halos malaglag ang panga ko sa nakita ko.

Ito yung babae na umagaw ng upuan ni Harvy nung si Harvy ang pumalit ng panandalian maging guitarist. Nagkamatahan pa sila noon.

Umiling ako sa kawalan dahil dapat hindi ako ganoon magreak ng ganoon dahil wala namang kami at hindi dapat ako mainlove sa lalaking ito. Mas mahal niya iyang babaeng nakayakap sa kaniya ngayon na napakalaki pa ang ngiti ng makayap si Harvy.

"Grenna," halos mapaos ang boses ni Harvy at nagpupumilit na humiwalay sa babaeng iyon.

Naglakad lang ako ng deretso at linagpasan nalang sila. Maraming taong napatingin dahil sa sunod-sunod na nangyare lalo na ngayon silang dalawa ang magkayakap dahil alam ng maraming tao na laging nakapalibot sa akin si Harvy.

"Excuse me Athena, wala ako sa panahon sa ganito may project kami ni Grenna mas mahalaga iyon ang unahin ko." Mahinang sambit nito ng makalayo ako ngunit rinig ko iyon ng kaonti pero hindi lahat.

Nanatili akong nakayuko habang naglalakd ng magulat akong may humigit sa kamay ko kaya napalingon ako doon sa kamay na iyon. Sinundan ko ang kamay na iyon papunta sa mukha.

Bumungad ang seryosong mukha ni Harvy sa akin. Hindi ako makatitig sa mata niyang seryoso na para bang nag-aapoy sa galit.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon na bakit ganito. Bumalik ako sa pagkakayuko at nagpumiglas sa kaniya pero mabilis at malakas siya kaya hindi na lamang ako nagpumiglas pa.

Pinanood ko ang bawat kilos niya at iniayos ang pagkakatayo. Napahawak siya sa kaniyang sentido sabay hinilot iyon at bumuntong hininga.

"Childhood friend ko lang iyon." Panimula nito.

Nanatili akong nakatingin sa kaniya, para humanap ng lakas ng loob na sabihin ang nais ko.

"Huh bakit ka nagpapaliwanag?" Sarkastiko kong sabi at tinaasan siya ng kilay kahit halos manginig na ang dalawa kong kamay sa kaba.

"Hindi ko kakayanin na ganyan ka Grenna, nakalimutan mo na ba gusto kita at hindi ko hahayaan na magpalandi ako sa ibang tao." Aniya.

Halos mamutla ang mukha ko dahil sa kalmadong pagkakasabi nito. Hindi ako nakakibo sa kaniya, hindi ko alam ang sasabihin ko para akong nabara at hindi narin maibuka ang bibig ko.

"Tara na gagawin pa natin ang music video." Sabi nito.

Wala akong nagawa kundi sundin ito dahil deadline na nito ngayong friday kaya dapat ay matapos na itong proyektong ito. Kailangan ko na itong tapusin para matapos na ang communication namin. Malapit na rin ilabas ang card namin kaya nanganganib na ako.

"Tara doon sa parking susunduin tayo."

Bumungad sa harapan namin ang magandang sasakyan kung susuriin ito ay sasakyan nila Harvy. Pinagbuksan ako ng pinto ni Harvy, pina-una niya akong pumasok kaya sumunod na lamang ako.

"I want to see tita." Hingal na hinga na sabi nito.

Napalingon ako sa binatan ni Harvy na kakasara lamang. Bumugad sa bintana ni Harvy ang isang babaeng namumuo ang pawis sa noo.

Island Of Waves (Grenna Severa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon