Panimula

90 29 11
                                    

"Congratulations Grenna!" Sigaw sa akin ni mama dahil Recognition na ngayon at naka tatlong medalya ako dahil masyadong tipid ang school ko at tanging certificate nalang ang binigay sa akin. Grade 11 palang ako at mas lalo kong pinag-iigihan ang pag-aaral ko lalo na kapag napapansin ako nila mama sa mga achievements ko. Mas natutuwa ako ng ganoon dahil doon lamang nila ako binibigyan ng pansin kapag academic pero kapag normal na araw ay busy na uli sila.

Tunog kulang sa pagmamahal pero okay lang sa akin iyon. Kaya ngayon uhaw pa rin ako sa mga pagkukulang nila sa akin.

"Thank you mom," sabi ko at yinakap siya ng mahigpit, napalingon ako sa likod ni mama at bumungad doon si Dad na nakathumbs up at ngumingiti.

"We have something for you," sabi nito at napabuntong hininga na naman ako sa nangyari. Bibigyan na naman nila ako ng regalo tas after this wala na uli.

Grateful na naman ako sa mga blessing na binibigay sa akin pero mahirap ba para sa kanila kahit pag-ibig nalang ang ibigay nila para sa akin.

Sinundan ko sila Mom patungo sa sasakyan namin dahil nandoon daw ang munti nilang regalo para sa akin. Mabilis kaming naka punta sa parking at agad na pinatunog ni Dad ang sasakyan at may kinuha.

Lumabas si Dad na dala ang isang bouquet ng bulalak at sabay na inabot niya sa akin, tinignan ko ito at napansin ko na may box doon at binuksan ko iyon at bumungad agad sa harapan ko ang isang mamahaling alahas na kung saan ay nakikita ko lang sa internet nung nakaraan na limited edition. Tinignan ko pa ang tataknito at tama nga ito nga iyon.

Yinakap ko silang dalawa at nagpasamalat. Ngayon ay papunta na kami sa kainan upang doon magcelebrate. Susulitin ko na talaga ngayon dahil panigurado ay balik na uli sa dati na tahimik at back to work.

Mas nagtake ako nang nagtake ng picture sa amin dahil ito lang ang pagkakataon na magawa ko ito. Nag-enjoy ako kasama sila at iyon ang inatupag ko hanggang sa maka-uwi kami sa aming bahay.

Nasa probinsya lang kami nakatira pero malapit kami sa dagat kung saan ako doon tumatambay para mawala ang mga iniisip ko. Minsan pa ay nandoon ako sa falls.

Balik buhay na uli at humugot na lamang ako ng malalim na paghinga at naglakad patungo sa babay. Nagulat ako ng may makita akong isang lalaking naglalakad at masyadong matipuno ito at kitang kita na may abs siya.

Hindi ko nga lang makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin at inaayos ang bangka na katamtaman ang laki. Aamin ko na katawan niya palang ay yummy na, para siya yung lalaking nasa gym palagi o modelo.

Nanatiling malayo ang tingin ko sa kaniya at pinapanood siyang linisin ang kanilang bangka. Siguro ay mahirap lamang siya at namumuhay dito upang magtrabaho.

"Maam Grenna!" Sigaw galing sa malayo kaya agad akong tumayo at inayos ang dala kong notebook kasama ang calculator ko.

Dali-Dali akong tumabok patungo sa sumigaw sa akin panigurado ako ay yari na naman ako.

"Ilang beses ko po bang sasabihin sabi ni madam na lagi ko po kayong bantayan lalo na kung ikaw ay nasa labas,"sabi nito sa akin at hinahabol ang kaniyang hininga.

"Manang malapit lang naman ito at hindi naman ako lumayo. Kabisado ko naman ang lugar na ito at dito naman ako lumaki. I'm not kabataan anymore look I'm 17 years old na ako, mag 18 na ako this year." Paliwanag ko habang naglalakad pauwi, napabuntong hininga siya sa aking sinabi.

"Pero maam ako ang mayayari mawawalan ako ng trabaho lalo na't pauwi na ang magulang mo galing Maynila." Sabi nito at pagkarinig ko pa lamang nito at ibinigay ko na sa kaniya ang gamit ko at tsaka tumakbo pauwi.

Hindi ko alam pero naramdaman ko na gusto kong tumakbo.

"Jusko ka talagang bata ka pinapahirapan mo ako!" Gulat na sabi nito at hinabol rin ako kaya natawa ako kay Manang Letisia.

Habang tumatakbo ako ay nasa bakuran na ako ay nagulat ako dahil nasa likod ko na rin ang sasakyan ni Dad.

Huminto ang sasakyan namin sa tapat ng pinto at bumungad sa akin ang isang lalaki na hindi ko kilala at sa tingin ko ay isa siyang bisita.

"Hi Mom!" Bati ko ng makababa siya ng sasakyan kasama ang lalaking iyon at may isa pang babae.

"Sino sila Dad?" Tanong ko agad at lumapit kay Dad. Pinagmasdan ko sila at makikita ko na may kaya sila ayon na pananamit nila at kilos nila.

Napatitig uli ako sa isang lalaki at masasabi kong chinito siya at super puti niya kumpara sa akin na sakto lamang. Naka black t-shirt lang siya at pantalon na black ay makikita mo talaga ang kaputian niya.

Masasabi ko ay parang hindi siya nasisinagan ng araw dahil sa pagkaputi niya.

"Hi Grenna this is Mrs.Montiverde, and this is my Daughter Grenna." Pakilala ni Mom sa akin ngumiti na lamang ako at wala akong ideya sa gusto nilang gawin at narito sila.

"Manang ihanda mo sila ng meryenda," sabi ni Mom kaya agad na sumunod si Manang Letisia sa kaniya.

Nag-uusap sila pero tahimik lang sa gilid ang lalaking chinito na ito. Ano kaya ang ginagawa nila? Nanatili akong tahimik sa gilid dahil sinabi ni Mom na dito lang daw muna ako.

Linapag ni Manang ang juice sa harapan ko ay agad ko iyong inom dahil nakatitig ang lalaking ito sa akin masyado iyong intense. Mabilis kong nakalahati ang pag-inom ko pero nagulat ako dahil biglang nagsalita si Mom at tumingin sa akin. Muntikan ko pang mabuga ang juice na iniinom ko.

"Napag-isipan ko na mag-aral ka nalang kaya sa Maynila?Magsasama kayo ni Lance." Sabi nito, pinunasan ko rin ang bibig ko ng tissue na nasa gilid ko.

"Huh,saan naman iyan? Tsaka sinong Lance?" Sunod-sunod kong tanong kay Mom.

"Kaya lang mas mapabuti na dito ka na lamang muna ng isang taon ngayon at sa college ka nalang lumipat."

"Sa La Salle nag-aaral si Lance," at lumingon sa lalaking chinito na nakablack si Lance Monteverde siya. Hinead to foot ko siya upang tignan kung mukha ba siyang taga-maynila at napansin ko na mamahalin naman ang mga suot niya at nasa uso.

"Pagsasamahin ko sana kayong dalawa sa Maynila, sa La Salle ka rin mag-aaral. Siya ang makakasama mo doon sa Taft." Dagdag pa ni Mom at napatingin ako sa Babeng mukhang nanay nung Lance nakita ko na ngumingiti siya sa akin kaya napangiwi ako sa ginawa niya.

Napaisip agad ako na para saan ito? Do I really realy need this? Malaki naman na ako I can live on my own, bakit may ganito pa? Ano to bodyguard ko to?

"Oo nga sa College na lang muna siya lumipat kasi baka may mga kaibigan pa siya na ayaw niya pa munang iwan dito sa bayan ninyo." Sabi nito sa akin at tumingin ako sa anak niya na poker face na nakatingin sa sahig.

Natahimik na lamang ako sa usapan nila at hindi na nakinig dahil sumasagabal iyon sa isipan ko. Mas lalong nadaragdagan ang problema ko kahit wala naman ng pasok.

Ang gusto ko lang naman ay mahalin nila ako at hindi hanapan nang magmamahal sa akin. Hindi ko kailangan non. Okay lang din naman sa akin na dito lang ako sa mansyon namin at dito mag aral basta binibigyan ako nila Mom ng atensyon.

Natapos ang pag-uusap nila at dito pa ata sila matutulog sa guest room hindi ako sigurado doon. Dahil dumidilim na ilang oras pa kung papunta ng Maynila.

Pumasok agad ako sa kwarto matapos iyon, ipinadala ko rin kay manang ang calculator ko dahil naiwan ko sa kaniya kanina.

Dapat ay hindi ako ma stress dito dapat ma stress ako sa pag-aaral ko kailangan ko maging top 1 this gr12 dahil yon na ang huli ko taon bilang senior high at papasok na ako sa kolehiyo.

Wala pang enrollment ngayon kaya namamahinga ako pero mabilis ang panahon magugulat na lang ako enrollment na kaya hindi ako pwedeng matulog tulog sa kangkungan.

Island Of Waves (Grenna Severa)Kde žijí příběhy. Začni objevovat