Chapter 6

50 25 0
                                    


Nasa bahay ako nagpalit ako ng masusuot siya naman ay mukhang ready kaya hindi na ako pumunta sa kanila. Mabuti na lamang ay may bag ako na katamtaman ang laki kaya iyon ang ginamit ko. Pina-antay ko siya sa labas ng gate upang hindi siya makita.

Mabuti na lamang ay wala si manang. Magluluto siya ngayon dahil papauwi na sila mama kaya sure ako na hindi ako makikita ni manang. Papalabas ako ng gate ng maaninag ko si Harvy, binilisan ko ang bawat hakbang ko ng tahimik.

"Mukha kang magnanakaw o kaya naglalayas," hagigik nito.

Sinamaan ko siya ng tingin sabay hinampas napansin ko parang napalakas ang hampas ko dahil sa lakas ng ingay na nagawa nito. Napatahimik naman siya sa ginawa ko kaya naglakad na lamang kami papunta sa bangka.

Nasa gitna na kami ng dagat at bumabalot ang ingay ng makena ng bangka namin na pakiramdam ko ay masisira ang tainga ko sa lakas ng tunog nito.

Napalingon ako sa kasama ko ngayon na seryoso ang mukha. Sinabihan ko siya na dapat ay may kasama kami na mas nakakatanda at gamay na ang bawat paggamit ng bangka. Mabuti na lamang at napapayag ko ito ka-agad.

Bumabalot ng malakas na hanging kaya tinatangay ang suot kong cardigan na puti. Masyadong malamig ang simoy ng hangin dahil nasa gitna kami ng tubig pero nakakawala iyon ng problema at gumaan ang pakiramdam ko. Ang sarap damdamin ng malakas na hangin kahit ito ay malamig pero presko pa rin.

Mabuti na lamang ay mabilis kaming nagtungo doon sa Isla na tinutukoy nitong lalaking ito. Malayo palang ay tanaw ko na agad ang napakaputi na buhangin at walang kabato bato, kitang kita rin sa malayo ang pagkalinaw ng karagatan.

Nang makalapit ang bangka namin ay inayos ko agad ang bag ko at ang placemat kung saan kami pwepwesto. Ang unang bumaba ay si Harvy kaya inaaboot niya ang kamay niya sa akin kaya wala na akong nagawa kundi tanggapin ito dahil masyadong mataas ang bangka na ito.

Nagulat ako ng bigla niya akong buhatin kaya napahiyaw ako ng malakas sa ginawa niya, hindi ko iyon inaasahan. Masyado akong nabigla sa ginawa.

"Harvy, anong ginagawa mo?"

Nakakunot na tanong ko habang nakapulupot ang kamay ko sa leeg niya. Nakaka kapit ako dahil anytime malaglag ako sa tubig, hindi pa naman itong suot ko ang pambasa ko.

"Huwag kang malikot, kundi malalaglag tayo. Tsaka ayoko muna na mabasa ka." Aniya.

Hindi ako nakakibo sa sinabi kaya pinagmasdan ko na lamang ang buong mukha niya. May panga siya mas lalong nag dedepina ang kapogian niya dahil sa panga niya. Dumagdag pa ang maganda niyang boses kapag siya'y seryoso. May matangos rin siyang ilong kaya kahit anong angulo ay pogi siya.

Hindi siya nakatingin sa akin habang sinasabi iyan dahil busy siyang tumingin sa tatapakan namin mabuti na lamang ay malaki ang bawat hakbang niya kaya't mabilis niya akong naibaba.

Umayos ako ng tayo ng makita ako ng lalaki na naghatid sa amin dito. Lumapit siya dala-dala ang isa ko pang bag na laman ay libro na aming aaralin para sa math quiz bee.

Inayos ko agad ang pwepwestuhan namin, napalingon ako sa paparating agad niya akong tinulungan kaya mas napadali ang pag-aayos ko.

"Para ka namang asawa ko." Bulong nito.

Humagalpak siya ng tawa habang naglalakad papalayo sa pwesto ko dahik tapos na rin ayusin ang ginagawa ko. Lumapit siya sa bangka tsaka hinila ang ang lubid nito. Inayos niya ang lubid ng bangka upang hindi ito mawala, habang ang naghatid sa amin na lalaki ay nakatambay lamang sa kaniyang puwesto.

Natapos ako sa ginagawa ko, pero sa kasamaang palad ay nakaramdam ako ng gutom kaya hinanda ko ang baon ko upang kumain.

Kumakain na ako ng matapos siyang mag-ayos ng bangka. Napalingon ako sa kaniya na papalapit na sa akin pero hinayaan ko na lamang siya. Nang makarating siya malapit sa akin ay inalok ko siya. Mabilis niyang tinanggap ang pagkain na binigay ko tsaka siya tumabi sa akin.

Island Of Waves (Grenna Severa)Where stories live. Discover now