Chap37

1.1K 79 54
                                    

Brae pov.

"Whoa.."

Manghang mangha ako sa paligid habang naglalakad kami grabe! Ang sasaya at makulay ng festival nila kung saan saan ka makakakita ng nagtitindang lantern,mga pagkain,mga nagstreet performing like yung umiinom sila ng alak tas sisindihan saka ibubuga! Parang sa periya lang haha..

"Jie..." Napalingon ako ng tawagin ako ni lin jeng

"Bakit?"

"Pinapasabi ni shú wag ka daw masyadong humiwalay baka mawala ka..."

*tingin kay lincoln*

*rolled eyes*

"Ano ka ba naman lin jeng di ako mawawala hahaha maniwala ka naman sa pinagsasabi ng isa dyan tch!"

So, ayon nga magkasama kaming tatlong naglalakad sa kalibutan ng sentro ng yanling.Manghang mangha ang bata habang nagmamasid i mean kami dalawa kasi h*ll! Nakakaamazed talaga sobra!

Pumantay ako kay lin jeng saka siya tinanong

"Lin jeng, baka may gusto kang kainin o bilhin?" Tanong ko sa kanya baka kasi meron mangungupit ako aba! Wala akong pera at di ko rin alam ang value ng pera nila dito noh-_- sinubukan ko naman magtanong dito pero nagchachinese sila wala akong naiintindihan! di tulad ng nasa herra alam na alam ko kaya kumpyansa akong maglibot at maglakwatsa hahaha..

"Gusto ko kumain non!" Turo niya sa isang ano bang tawag don? Candy ba yan? Para siyang ah basta! Di ko maexplain..

Umayos na ako ng tayo at pasimple tinignan ang isa dyan..

"Baka naman," parinig ko

Tinaasan naman niya ako ng kilay,

"Baka naman manlibre ang isa dyan total siya naman nagdala satin dito"

"Tch!"

"I didn't bring money with me."

"Ano?!" Dismayadong naisambit ko

Ano to' lokahan?! Anong trip niya maglalakwatsa lang kami tas tingin tingin lang?!

"Lincoln naman ang yaman yaman mo bakit hindi ka nagdala ng pera ganun ba kabigat sayo ang salipi niyo dito?!"

"I don't usually bring money with me.."

"Weh? Bakit nung nasa hilaga tayo ng herra walang pag aalinlangan mo'ng binigay ang gold coins sa mga tusong taong iyon?"

"Well, its not mine..someone give it to me."

"Heh?! Paano yan nganga lang tayo dito?"

Nanahimik na lang siya at nagmasid sa paligid

How could he?! Hmmp!

"It's okay jie," mahinang turan ni lin jeng..naawa naman ako sa bata first time niya lang makalabas at makakita ng mga bagay bagay tas di man lang maibigay sa kanya...

Paano kaya to? Gusto ko rin naman mamili eh kaso wala din akong pera bw*sit..T___T

"Ang galing! Ang galing!"

Napatingin ako sa nagkukumpulan tao sa di kalayuan, may nagpeperform sa harap at amaze na amaze sila..

*napaisip*

Bakit hindi kaya..

Magperform din ako?!

*Strum of guitar*

Napatingin ako sa gawing gilid ng marinig ang sound ng guitar! May nag guguitara! Perpekto! Hehehe magaling ako dyan!

"Psst! Mister!" Tawag ko sa nagguguitara, ang boring kasi ng pinapatugtog niya yung parang sinauna kaya walang nakikinig sa kanya

She's The General's Mischievous LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon