Chap34

1.3K 71 46
                                    

Brae pov.

Humihikab akong naglalakad ngayon papunta sa pavilion, gutom na kasi ako at kumakalam na rin ang sikmura ko.-_-

Maitim na ang langit..gabi na rin kasi akong lumabas ng kwarto, bakit? Dahil trip ko lang magpahinga feeling ko kasi na drain out energy ako at kailangan ko ng tulog..

Habang naglalakad ay napahinto ako ng makita si leo mula sa kalayuan nakasuot ito ng formal na kasuotan at sosyal my pa sombrero pa! Parang may aatenand party ah?

"Lady blair!" Hiyaw neto pagkakita sakin

Matik na nagiba ang mood ko dahil sa pagmumukha niya.

"Gabi na ngunit nakabusangot parin ang iyong mukha.Ano na naman bang ginawa ko na ikinasama ng timpla ng iyong mukha?"wika niya pagkalapit ko

"Wan ko ba, sadyang nag iiba lang mood ko pag nakikita kita." Prangkang sabi ko

Nakita ko naman daglian siyang nalungkot pero agad din niyang pinaskil sa mukha ang totoong ngiti..sanaol nakakangiti pagkatapos manakit ng damdamin ng kaawa awang babae..tch! Pake ko ba-_-

"May lakad ka, san ka punta?" Usisang tanong ko

"Hindi lang ako kundi pati si young master tutungo kami sa pagtitipon sa bahay ng uncle niya.."

Awh okay..

Ipang sandali ay lumabas sa kung saan ang punong ministro nakaayos din ito pati si lin jeng..okay so, family gatherings ganun? Pake ko ba tch!-_-

"Bakit hindi kapa nakabihis lady mc'swell?"

Matik naman nanlaki ang mata ko sa tinuran ng punong ministro

"Hindi ba nakarating sa iyo ang ipapasabi ko sa tagapagsilbi na ika'y papagbihisin sapagkat may importante tayong pupuntahan?"

Pati ako? Kasama? Y??

"Hindi, saka bat kailangan ko sumama baba?"

"Sapagkat ikaw ay aking panauhin kaya kung iyong mamarapatin ay magbihis ka na at kayo na lamang ni lincoln ang hinihintay.."

Pati si hilaw kasama??

"Tara na milady.."hatak sakin ng katulong

Lutang naman akong nagpahila sa kanila..hanggang sa makarating kami sa kwarto ko...

" ano mga yan?"turo ko sa mga box na kanina lang ay wala diyan sa lamesa!

Binuksan ng katulong ang isang box at bumungad sakin ang chinese dress na parang sleveless na kulay light pink!

Ano ba yan! Gusto ko lavender color with mixed lemon color!

"Magbihis na po kayo milady," no choice akong sumunod at nagbihis na,

Ano bayan hapit na hapit sa katawan ko to'ng damit at mas nakakairita ay may slit pa sa gilid! Ang lamig lamig! kita ang precious legs ko my god!

"Wala na bang ibang damit?!" Dismayadong sambit ko pagkalabas ng dressing room

"Paumanhin milady subalit yan na ang pinadala ng young master para sa inyo.."

Wayyt what?!!

YOUNG MASTER?!!

"Si lincoln kamo' nagpili neto!!!?"

Nagsitango naman sila.

Napasinghap ako! Grabe ang ang PEEEEERVERT talaga ng lalaking yon! Hmpp!

"Maupo na po kayo sa inyong upuan ng maayusan namin ang iyong buhok at mukha.."

Kahit bad mood ako ay sumunod na lang ako naupo ako sa harap ng salamin..nagsimula na silang ayusin ang buhok ko, tinirintas ang magkabila kong buhok tas ang di ko matanggap! niroll! Nagmukha akong kambing! Bwesit!>___<

She's The General's Mischievous LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon