Chap35

1.2K 66 4
                                    


Con't..

"Aha!" Pangbungad ko sa kanila

Mukha naman nagulantang ang matanda pagkakita sakin.

"Anong ginagawa mo rito*coughing* lady mc'swell *coughing*"tanong niya sakin

"Milady, kayo po ay bumalik na sa inyong silid at magpahinga na malalim na ang gabi.."-ishan

"Im not leaving." Seryoso at may diin na turan ko

I want to know something na tinatago niya saakin..is this the reason why he keeping me here huh?

"Mag usap tayo punong ministro."

Medyo nagulat siya ng hindi ko siya tawagin baba, well masyado ata siyang nasanay ah.-_-

"Ishan, iwan mo muna kami."

"Subalit lorde--"

"Ngayon na.."

Pagkaalis ni ishan ay saka niya ako inayang maupo sa harap niya..

"May sakit ako, at walang lunas sa karamdaman ko..may nagsabi narin na ilang araw na lamang ang itatagal ng buhay ko dito sa mundo.."pag aamin niya

Shocks...

Ilang sandaling katahimikan namayapa sa pagitan namin dalawa..

Di ko alam kung anong sasabihin ko..iwan ko ba..na speechless ako

"Di alam ni lincoln maging ang apo kong si lin jeng at wala akong balak ipaalam sa kanila.."

Lah..bakit..

"Marami ng pinoproblema ang anak kong si lincoln ukol sa pakikidigma sa silangan at ayokong dumagdag pa sa iisipin niya...bukas o makalawa ay baka babalik na siya ng silangan upang pangunahan ang mga sundalong naiwan niya.."

Oh, aalis na siya..

"Subalit, labis akong nagaalala sa apo kong si lin jeng siya ang higit na masasaktan sa aking paglisan sa mundong to, siya ang labis na magdaramdam at ayokong mangyari yon..mula ng isilang ang batang yon ay ako ang unang namulatan, ako na rin ang tumayong ina at ama sa kanya hanggang sa magkaisip ito'..sapagkat maaga siyang naulila, namatay ang ama niya sa giyera at namatay naman ang kanyang ina sa panganganak sa kanya..bata pa lang ay nakitaan ng may kapansanan siya sa paa at walang pag asang muling makatayo pa..ginawa ko naman ang lahat, hinanap ko ang magagaling na manggagamot mula sa ibat ibang nayon, maging sa eroxx ay nakipagsapalaran ako upang mabigyan pag asang makalakad ang aking apo..subalit, nakakatawang isipin na nalinlang lamang ako, nahuli at kamuntikan pa akong mapugutan ng ulo..sa kabutihan palad ay niligtas ako ng mahal na emperor at hiniling sa kabilang emperyo na palayain ako kapalit ang pagpapalaya ng iilang tulisan na nahuli sa bayan banjie..nagalit ang anak kong si lincoln pagkarinig niya ng balita, di ko naman siya masisi sapagkat nag aalala din siya sa kaligtasan ko,"

"Bakit nga pala nasa herra si lincoln?" Takhang tanong ko

"Pinadala ko siya don' upang mailayo sa magiging kapalaran niya..ayokong mawalan ng isa pang anak kung kaya nilayo ko at tinago, batid kong ligtas naman siya doon pagkat nasa pangangalaga siya ng iyong ama at matalik niyang kaibigan ang iyong kapatid na lalaking si byron..Ngunit kahit ano pa ang pilit kong paglalayo ay tadhana na mismo ang lumalapit sa kanya..panahon na kinakailangan ng sundalo sa silangan dahil humina ang sandatahang pandigma mula ng mawala ang anak kong si colton..nagpadala ng utos ang emperor at isa siya sa napaldan ng kautusan, naalala kong bago ang lahat ay nagtungo ako sa herra upang pigilan siya na nauwi sa di pagkakaintindihan..matigas siya at gusto niya lagi ang nasusunod..nagalit siya ng sinabotahe ko ang pagsusundalo niya..kaya di ko inasahan magagawa niya ang isang kahindik hindik na gawain na nagdulot ng sakit sa iyo lady mc'swell.."

She's The General's Mischievous LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon