Chap29

1.8K 98 46
                                    

Brae pov.

Magkakasunod kaming nasa bilang sampo na kababaihan pinaglalakad habang may kadenang magkakarugtong na siyang nagbubuklod samin lahat..

"Bilis bilisan ang lakad!"

Tch!-__-

Siya kaya papaglakarin ko na may kadena sa pulsuhan-__-

Umaga na, akalain mo yon? Kasi ako hindi ko akalain na mapupunta ako sa lugar na pagdadalhan samin ngayon! Hindi ako prepared! Kung bakit kasi pinatulog ako ng sh*tang*nang hayyoff na yon-__-

"Bilis bilisan ang lakad!" Sigaw ng lalaki

Mga human traffickers ang mga bw*sit na'to..napapaisip tuloy ako magkano kaya binayad nila sa maid na'yon.

Ilang minuto ang lumipas bago narating namin ang patutunguhan..agad kaming sinalubong ng mga kasamahan ng mga lalaking to.

"Isilid ang mga alipin iyan maya maya din ay mag uumpisa na tayo."

Bidding?

Tch.-__-

_________________

Scheme pov.

Until now, hindi parin nahahanap si brae ang hula ng mga sundalo ay baka nakuha siya ng mga human traffickers na sinasabing nangangalakal daw ng mga alipin sa ibang lugar..

Kung di lang sana kami naghiwalay hindi siya mawawala, no! Kung hindi lang sana ako natrick ng bruhang manang na'yon di sana mangyayari to..

Brae..kung nasan ka man ngayon i hope you're okay..promise di na kita sisingilin sa pagtulak mo sakin bumalik kalang bruha ka!! Huhuhuhu wag mo kong iwan dito..T___T i can't live without you my pepeta my friend!

"Wala parin bang balita?"tanong ni daddy

"Wala parin dad.."

"Wag mo silang patigilin sa paghahanap"

"Yes dad.."

Awang awa narin ako sa mag amang ito..parehong walang pahinga..

Hayy...

"Master, narito po si lorde alejandro.."

Huh? Si minister alejandro the buwaya?

"Patuluyin mo.."

"Opo.."

Ilang sandali ay pumasok ang matandang lalaking mukhang bad mood ang awra..

"Malugod na pagbati sa iyo ministro alejandro,maupo ka.."

Walang imik itong naupo sa isa sa mga sofa..hard parin ng ekspresyon niya..

"Ano't naparito ka sa aking tahanan?"

"Isang mahalagang sadya kung kaya naparito ako sa'yong tahanan.."

Ah..yon naman pala..

"Tungkol saan ang ating pag uusapan?"

"Narinig ko na may suliranin kayo'ng kinakaharap ngayon,labis akong nabigla kung kaya pati bata ko ay pinatulong ko na rin sa paghahanap sa iyong anak na nawawala.."

"Maraming salamat kung ganun ministro.."

"Subalit..may iba pa akong sadya.."

"Ano iyon?" Takhang tanong ni daddy

"Napagalam ko netong nakaraan ay may naglusot ng tao ko palabas ng hilaga ng walang pahintulot ko..sinamantala ang pagpunta natin sa palasyo ng sa gayun ay makalusot sila.."

"Anong ibig mong sabihin?"

Lah...

"Bakit hindi mo tanongin ang anak mong si byron"

She's The General's Mischievous LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon