chap4

3.5K 179 4
                                    

Brae pov.

The next day..

Naglilibot ako ngayon sa kapital dala ang rabbit jade na ibibinta ko, sabi nila malapit lang daw mula dito ang south..nakaramdam na rin ako ng gutom buti may imbak akong mamon dito sa bag na dala ko pati tubig kahit papano mapatitiisan narin..

Maliit lang ang lupain ng hera,

Kung kaya hindi ka pa man nakakalahati sa pag akyat ng bundok nito ay masisilayan mo na ang tiyangge mga bahay ng mga matataas na opisyal tulad ng grand duke, prime minister, ministers at mansyon ni duke barron na ama ni blair..

Madaling sakupin kung tutuusin..

Nagpatuloy na ulit ako sa paglalakbay hanggang sa marating ko south na sinasabi nila

Maganda rin ang lugar, hindi gaanong matao di tulad sa central...halos kalesa ang nakikita kong sasakyan ng mga taga dito..mukhang sa mga mayayaman lang din uso ang sasakyan de kotse...

Pumasok ako sa isang makalumang tindahan..

"Buenos dìas senyorita!" Nagulat ako sa biglang sulpot at bati ng isang matandang lalaki

Marunong siyang mag spanish? Heh?

"Magandang umaga din?"

Hindi ako marunong mag spanish pero nakakaintindi ako ng slight-_-

Halatang nagulat din siya sa tugon ko kaya malawak siyang ngumiti

"Nakakaintindi ka ng lengguaheng binigkas ko binibini?"

"Hindi."sagot ko

Bumagsak naman ang balikat niya sa aking sinabi

"hay, naku sa panahon ngayon hindi pa talaga uso ang lengguaheng de majika"

Lengguaheng de mahika? Anong trip niya? Spanish word yon noh!

Dito sa mundo ng nobela, dalawang lengguahe ang ginamit ng author para sa mga characters yon ay ang English at tagalog..so common na ang lengguaheng ingles dito, kahit pa nasa gitna ng modern at ancient time ang mundong to..

"Tuloy ka binibini.."

Tumango lang ako pumaunang naglakad papasok, di ko maiwasang mamangha sa ganda ng mga binibenta niyang gamit.. mga sinaunang kagamitan, palamuti sa buhok at mga batong dagat..marami rin kristala at jade

"Pumili ka binibini ano man naisin mong kagamitan ay magiging iyo sa maliit na halaga.."

"Nandito ako para magbenta." Diretsahan wika ko

"Magbenta?"

"Hmm."

"Maari ko ba iyon makita binibini?"

"Ito" sabay bigay sa kanya ng rabbit jade

"Ang kagamitang ito'y galing sa bayan ng yanling ...bibihira lang din ang kagamitang ito..bakit mo ito binibinta binibini?"

Bat ba nagtatanong sila? Malamang gipit ako at kinakailangan ko ng pera para mabuhay, saka di naman nakaw yan eh, bigay lang-_-

Tch.

"Dahil gusto ko."

Napailing na lang siya..

"Ang halaga ng jade na ito ay aabot sa dalawang daan gintong salapi binibini.."

Kung ganun tama ang tyantsa ni asiyanah..

Ngunit gaano nga ba kataas ang halaga ng dalawang daan gintong salapi? Aabot ba yon ng 2 thousand? Gintong pilak eh..

Hay naku naman hindi ko alam ang value ng pera dito..-_-

"Gaano ka taas ang halaga ng gininto'ang salapi?" Tanong ko

She's The General's Mischievous LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon