Chap47

557 26 2
                                    


Brae pov.

Pareho kaming walang kibo ni aaron nakaupo sa bench ng hardin..kakatapos lang niyang umiyak at sumisinghot pa nga eh, kalalaking tao iyakin tch-__-

"Hindi ko sila mapapatawad."

Alam ko..kahit nga ako ay sabik na sabik ng paghigantihan ang mga p*t*ng*nang may gawa nun kay ayu.

"Gusto kong hanapin ang may sala..pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula.."

"Wag kang mag aalala ganun din ako sasamahan kitang hanapin ang taong pumatay kay ayu.."

Ayon sa autopsy sa katawan ni ayu..may mga fractured na buto sa likod niya at maging sa paa mukhang pinahirapan muna siya bago kitlan ng buhay...tulad ng sa panaginip ko bala ng baril nga ang kinamatay ni ayu..karumal dumal ang sinapit ni ayu kaya. hindi ako matatahimik hangga't hindi ko napapalasap sa taong yon ang hagupit ko. Ipaparamdam ko rin sa kanila ang ginawa nila sa walang kalaban laban na tao.

"Alam ko kung kanino magsisimula."

Nagkatinginan kaming dalawa.

"Talaga.."

*
*
*

_______

Leo pov.

"Capello may sulat para sayo galing sa yanling."

"Ah?!" Napatayo ako at mabilis na kinuha ang sulat mula sa tagahatid ng sulat namin dito sa opisina"

Galing kay nana..

Mabilis ko itong binuksan at binasa ang laman.

-Magandang araw leo..pasensiya kana kung ngayon lang ako sumulat pabalik, netong nakaraan kasi ay naantala sapagkat naabala ako kay lady lin jeng dahil nagsimula na ang kanyang pagsasanay..tungkol sa tanong mo, ay maayos naman ako, kami ng magiging anak mo..netong nakaraan nga' ay medyo nahirapan ako sapagkat hindi parin nawawala ang sintomas ng pagdadalang tao tulad ng pagsusuka ko kapag naamoy ko ang mga di kanais nais amoy at nagigising din ako tuwing ala una ng gabi upang maghanap ng mansanas na pinaglilihian ko..wala naman masyadong ganap at nasa maayos naman ang lahat..siya nga pala nabalitaan ko na nasa herra na daw sila young master lincoln at ang asawa niyang si binibining brae..kung maari sana ay ikamusta mo kami ni lady lin jeng namimiss na kasi namin siya..

                          -Nana

Napangiti ako sa laman ng sulat ng asawa ko..

Hayy ganito pala ang pakiramdam kapag may inaalala kang tao? Tapos kapag nakapagbalita na siya sayo tungkol sa kaganapan don sa kanila ay napapahinga ka ng maluwag..inaamin kung ibang iba ang nararamdaman ko kay monchi at kay nana magkaiba sila dahil kay nana lang ako nakakaramdam ng galak sa tuwing sumusulat siya pabalik..hindi ko maintindihan siguro ay unti unti ng nahuhulog ang loob ko sa kanya dahil sa taglay netong kagandahan loob..

"Timang! Ano't nangingiti ka ng mag isa d'yan?"

Wala pang segundo ay naisilid ko sa sobre ang sulat at gulat na pinagmasdan si eden benejo..

"Eden, anong ginagawa mo dito? Hindi ba dapat nasa bahay ka ng mga mc'swell at binabantayan si lady blair?"

"Wag kang mabahala hindi naglalabas ng mansyon ngayon ang lady mag mula ng namatay ang naninilbihan niya.." Anito

"Tsk, hindi mo kilala si lady blair salungat ang ginagawa niya sa iniiisip niyang gawin..baka malay mo nasa labas na naman yon at naglalakwatsa malalagot kana talaga kay young master!"

"Tsk!" Asik lang neto

Naupo siya sa sofa at nagsalin ng wine sa baso..

"Kumusta imbistigasyon mo?"

She's The General's Mischievous LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon