Kabanata 31

16 3 0
                                    

Jillian's SIDE

Several days later, naging kalmado na ulit ang lahat sa buong university. Hindi parin maiiwasan na magkagulo ng konti pero okay na din 'to kumpara nuong mga nakaraan.

" Love is in the air na nga oh. " Sabi ni Cassandra habang nakatingin sa paligid.

Sumang-ayon naman ako sa kanya. Maraming magkasintahan ngayon ang magkasama sa kahit saang parte ng university. Today is a very lovely, special and lovable day, it's Valentine's Day.

Napapangiting tumingin ako kay Cass. " Anong plano nyo ni Jay, picnic, dinner date perhaps a walk to remember thingz ? "

" Ewan. Hindi ko pa ulit nakikita si Jaycee eh. " Sagot nya.

" Kayo ni Alex, ano plano nyo ? "

Napangiti naman ako at nagbaba ng tingin. " Pupunta kami sa kanila. Ipapakilala daw nya ako sa parents nya eh. Kinakabahan na ako. "

" HA ?! T-totoo ba 'yan ?! OMG ! " Tili naman ni Cass.

Tinakpan ko naman kaagad ang bibig nya dahil sa lakas nyang sumigaw. Pilit ko syang pinapakalma nang dumating na si Alex.

" Hi Jill... ready ka na ? " Todo ngiting tanong nya.

Napalunok naman ako sa kaba. " Ng-ngayon na ba ? "

" Yeps.. " Tatango-tangong sagot nya.

Ipinagtulakan naman ako ni Cass papunta kay Alex. Kinikilig na ngumiti sya at medyo napatili na naman. Hindi ko din maiwasan na matawa sa inaasta nya.

" Go na ! Bilisan mo na Jill, ayan na oh ile-legal ka na ! " Dagdag pa nya.

Nadinig ko ang mahinang pagtawa ni Alex. Umakbay naman sya sa akin. Sa ginawang 'yun ni Alex mas lalo lang nagtitili si Cass. Napabuntong-hininga nalang ako.

" Fine. Cass, aalis na kami ah ? "

" Go lang ! Fighting Jill ! Nice 'yan Alex ! Woohoo ! "

" Thanks Cass. Papunta na din yata dito si Jaycee. Antayin mo nalang. " Sagot ni Alex.

Tumingin naman sya sa akin at ngumiti. " Tara na ? "

Tumango ako. Nilisan na namin pareho ang university. Inalalayan ako ni Alex pagsakay sa kotse nya. While on our way, nararamdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

" Don't be nervous Jill, hindi nangangagat ang parents ko. " Natatawang aniya.

Nagbaba ako ng tingin. " Hindi ko maiwasan eh.. "

" You'll be okay Jill. Kung ako nga nagustohan kita, I'm sure they will too. "

Humihinga ako ng malalim para kumalma. Few minutes later, nakarating na kami sa kanila. Mas lalo akong pinagpawisan ng malamig. Nanginginig na ang mga kamay ko.

'Heto na talaga... wooh ! Kaya ko toh !'

'Pero paano kung hindi nila ako magustohan for Alex ?'

'What if mapahiya ako ?'

'What if mukha akong ewan sa harap nila ?!'

Hindi ko magawang maigalaw kahit dulo manlang ng daliri ko dahil sa kaba. Napapitlag nalang ako nang hawakan ni Alex ang kamay ko. Wala sa sariling napatingin ako sa kanya.

" Hold yourself together Jill, baka himatayin ka na dyan sa nerbyos. Uulitin ko lang ha, hindi nangangagat ang parents ko. "

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 14, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Gangster's Love: Melody and Game of Destiny (On-Going)Where stories live. Discover now