Kabanata 4

136 11 0
                                    

Katherine's SIDE

Dalawang beses akong napalunok dahil sa namumuong kaba na nararamdaman ko. Kaklase ko ang mga gangsters ng school na ito, sinong Hindi kakabahan lalo na at first time kong makakita ng gangsters.

Ngumiti naman yung katabi nung leader saka nag bow. " Hi ! I'm Leigh Yohan Q. Laurel, " he introduced then smiled again. " Kanang kamay ni Tristan. In short, I'm the co-leader... "

So parang assistant ganon ? Naks muka syang innocent pero gangster din sya !

" I'm Laurence B. Torillo, also the athletic prince. " Ngumisi pa ito at kumindat na ikinatili ng ibang student dito. May itsura naman talaga eh ! Ang tangkad pa...

" I'm Darwin James E. Esconde, just call me DJ. Known as silent prince. " Mukha talaga itong tahimik at halata na may lahing foreigner dahil sa kulay asul nitong mga mata.

" I'm Ethan S. Sierra, a prince that can win your heart ! " Masiglang bati nito saka kumindat din. Halatang playboy ang isang toh ah ?

" Good morning, I'm Thyrone M. Velasco. Just a prince looking guy. " Pagpapakilala naman nung kasunod ni Ethan ba yun ?

" I'm Jaycee A. Rosales, I'm more like a professor not a prince tsk ! "

" Good day ! I'm Dennis R. Ravena, a joyful prince ! "

Nabobored na ako kaya minabuti ko na magsulat sulat sa notebook ko sa likod non. When kaya sila matatapos doon ? Grabe sila magpakilala... lahat sila prinsipe ganun, prinsipe ng university na ito ?

" Hi ! I'm Alexander P. Santos, your sunshine prince ! "

" And I'm Jyren F. Posada, the last but the cutest prince ! "

Jyren

Jyren

Jyren

Cutest prince

Cutest prince

Tila parang recorder na nagpapaulit ulit sa utak ko yung narinig ko. Agad na napa-angat ako ng tingin at nakita ko talaga si Jyren sa unahan.

Teka Jyren ? Waaah, bakit hindi ko sya kaagad napansin doon ! Pati boy best friend ko na doon ?! Gangster din sya !? Kailan pa ?!

" Okay 'wag na muna kayong umupo. Class, stand up in front... bring your bags. " Utos ni ma'am.

Isa isa na kaming nagsitayuan at pumunta sa una. Maya maya pa naglabas si ma'am ng isang box doon. Isang red at isang blue. Humarap saamin si ma'am at agad na ngumiti.

" I have two boxes here... all of you will be picking a fold paper inside this boxes. " Paliwanag ni ma'am.

" The red box is for boys and the blue box is for girls. Each box has 1-16 fold papers with numbers written in it. Those students who will be having the same number will be the seatmates for the whole 1st and 2nd grading. " Dagdag pa ni ma'am Vinia.

Pumila kaming lahat at nag-umpisa na kaming bumunot. May 19 na boys at 12 na girls sa room kaya may pair na parehas lalaki sa upuan. So 12 pairs ay boys at girls na seatmates at 3 na boys paired seatmates. At may masuwerte na solo sa isang desk. Kung pwede ako na lang okay lang sakin yun !

" Anong nakuha mo ? " Biglang tanong saakin ni Precious after namin mga bumunot.

" Number 2 ang akin eh. " Sagot ko. " Kayo ba ? " Tanong ko sa kanila.

A Gangster's Love: Melody and Game of Destiny (On-Going)Where stories live. Discover now