Kabanata 26

35 5 0
                                    

Tristan's SIDE

New Year comes at mas lalong umingay ang paligid. May torotot doon, may torotot dito. Fireworks at iba pa. Sapat na siguro ang naging Christmas at New Year vacation namin kaya puro positive reactions ang naririnig ko ngayong back to school na ulit kami.

" Kamusta vacation nyo mga pre ? " Usisa ni Dennis habang nakatingin saamin.

Napalingon sa kanya si Jaycee at Thyrone. " Okay lang... " Sagot naman ng mga ito.

" Masaya syempre ! " Sabat naman ni Ethan.

Jaycee rolled his eyes. " Lahat naman ng bagay para sayo ay masaya ! "

" Sus ! Dapat nga mas masaya na buhay mo kumpara sakin dahil may girlfriend ka na ! " Sagot naman ni Ethan.

Napangisi naman si Thyrone sa sinabi ni Ethan. " Kaya nga dapat maghanap ka na din ! "

" Meron na naman ako... " Aniya at tumingin saakin kaya kinunutan ko sya ng noo.

He pointed me. " Kaso inaagaw nya ! "

Nagtawanan naman sina Thyrone nang sabihin iyon ni Ethan. Napangiti nalang din ako nang ma-gets ko kung sino yung tinutukoy nya na inaagaw ko kamo.

" Eh ikaw Dennis ? "

" Teka bakit nadamay ako dyan ? " Natatawang tanong ni Dennis.

Sinimangutan naman sya ni Ethan. Kung ano-ano pa ang pinag-usapan nila at nakikinig lang ako. Napatingin ako kay Leigh na kanina pa pangiti-ngiti.

Umakbay ako sa kanya. " Ang saya natin ah ? "

" Hm, yeah... " Sagot nalang nito habang nakatingin sa may pintuan ng classroom.

Napangiti nalang ako dahil doon. Maybe he's waiting for someone and I know who is it. Wala pa kasi sa room ang magkakatropa na sina Katherine, Precious, Adrienne at Rachelle.

" Good morning everybody ! "

Halos lahat ng estudyante ay napalingon sa may pintuan nang isigaw iyon ni Rachelle. They're here. At dahil magulo din naman ang section namin ay kaagad na tumayo ang mga kaklase namin pati natin ang mga katropa ko at dinamayan sa kalokohan si Rachelle.

" Ey ! Ey ! Ey ! Ey ! EY~ ! " Sigawan pa ng buong klase.

Napatakip nalang ako ng tenga ko at iiling-iling na tumatawa. Hanggang sa humupa na ang ingay, pumunta kaagad si Laurence kay Rachelle.

" Energetic ? "

" Ikaw din naman. Nakisabay ka nga eh ! " Sagot naman ni Rachelle at pabirong sinuntok sa balikat si Laurence.

Natawa lang si Laurence. Bumalik na din sya doon sa tabi ni Dennis. They're seatmate. Pinili nila yun eh. I glanced at Leigh, nakatingin lang sya.

" Uy, 'di mo lalapitan ? " Tanong ko at pasimpleng binunggo ang balikat nya.

Umiling sya at ngumiti. " Okay na ko..."

" Hay nako... "

Maya-maya pa ay dumating na din si ma'am Vinia. Nakangiting pumasok sya sa room namin at ibinaba ang mga gamit nya sa table nya doon.

" Welcome back class ! " Masiglang bati saamin ni ma'am.

Kanya-kanya namang tugon ang mg kaklase namin. Umupo na si ma'am at nakangiting inilibot ang paningin nya sa classroom.

A Gangster's Love: Melody and Game of Destiny (On-Going)Where stories live. Discover now