Kabanata 19

95 8 3
                                    

Precious's SIDE

Natatawa kong pinagmasdan si Katherine na ngayon ay hinahatak na ni Tristan paalis. Napangisi nalang ako habang nakatanaw sa kanila, nakita ko pang nilingon ako ni Katherine pero...

" Huh ? Bakit nakangisi sya ? " Pabulong kong tanong.

Pinili ko nalang na balewalain yung pagngisi nya na iyon... Napangiti ako at umikot ako para ipagpatuloy yung naudlot na pagpunta ko sa Music Club... Pero imbes na makalakad ako pauna ay ganun nalang ang pagkabigla ko ng may sumigaw at nasa unahan ko pa talaga sya !

" PRECIOUS ! "

Nadulas ako sa kinatatayuan ko, nawalan ako ng balanse. Napapikit ako dahil sa alam kong tatama ang likod ko sa sahig pero imbes na sa sahig ay naramdaman kong may nakahawak sa likod at sa kanang kamay ko... Teka... ligtas ako ! Hindi ako natumba... pero paanong---

" Sheesh, muntik ka na dun ah ? " Narinig ko pa yung mahinang pagtawa ng taong sumalo sakin.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nabigla talaga ako ng makita ko si Leigh. Ang lawak pa ng ngiti nito kaya medyo nailang ako. Inalalayan nya akong tumayo ng ayos, pagkatapos din non ay mahina ko syang tinulak at dumistansya...

Sinamaan ko sya ng tingin. " Ano bang pumasok dyan sa isip mo at ginulat mo ako, ha ! " Pagalit na tanong ko.

Napansin kong nabigla sya sa sinabi ko, pero imbes na magsalita ay tinawanan pa nya ako. Napakuyom ako ng mga palad ko dahil sa inis... Hayst ! Para saan pa ba kung magagalit ako... tch... Napa-irap nalang ako at akmang maglalakad na, nang humarang sya sa dadaanan ko. Pilit ko syang nilalampasan pero hinaharangan nya talaga ako.

" Pwede ba ?! Umalis ka nga ! " Naiinis na sabi ko.

Parang baliwala lang sa kanya yung pagtataray ko dahil ngumiti pa sya. " Precious... sabay na tayo papuntang music club. " Pag-aaya pa nya.

Sinimangutan ko lang sya at nilagpasan ko na sya, ramdam ko din naman na nakasunod lang sya saakin hanggang sa magkasabay na kaming naglalakad. Nakarating na kami sa music club, pinihit ko ang doorknob at binuksan ang pintuan.

" Good mor...ning ? " Halos patanong na ang naging pagbati ko ng 'good morning'.

Napakunot ang noo ko dahil sa nasa room na ito din sina Jaycee at Alexander samantalang dapat ay nasa basketball court sila...

" Anong--- "

" Nanliligaw ang mga yan... " Si Leigh na ang sumagot sa balak ko palang na itanong.

'Sandali... nanliligaw ? Kung ganon...' Agad nalipat ang tingin ko kina Cassandra, Jillian at Dianne na ngayon ay hindi makatingin ng diretso saakin.  Mahina akong natawa kasabay ng pagbababa ko ng gamit ko sa isang tabi. I faked a cough.

" So... mga Romeo kung napapansin nyo wala kayo sa court hm ? Nasa teritoryo namin kayo... sa Music Club. " Napangisi pa ako ng kanya kanya silang umiwas din ng tingin. Napabaling ako kay Thyrone na hindi mawari kung ngingiti ba sya o ano na. " At ikaw... magpa-practice ka pa ng violin remember ? " Taas kilay na sita ko pa.

Napalunok naman silang tatlo. Nilingon ko din sina Cassandra na hindi din mawari kung ngingiti ba sila.

" How come na wala kayong nakwento na... may ligawan na palang nagaganap dito ? I thought magbe-best friends na tayo ? " Tanong ko pa at napalabi.

Agad namang lumapit saakin si Jillian at hinawakan ang dalawang kamay ko. " Promise, sasabihin naman talaga namin... na... nahihiya lang kami... "

A Gangster's Love: Melody and Game of Destiny (On-Going)Where stories live. Discover now