Kabanata 2

198 13 0
                                    

Katherine's SIDE

Yawn

Nasilaw ako sa liwanag na tumatama sa mukha ko. Ang liwanag mula sa bintana ng kwarto ko ang nagsisilbing alarm clock ko sa umaga, pero minsan hindi pa man sumisikat ang araw ay gising na ako.

" Katherine, gising ka na ba ? " Narinig ko ang mahinang katok mula sa labas ng kwarto ko. Nakangiting bumangon ako.

" Opo Inay ! Gising na po ako ! " Sagot ko.

" Sige, mag-ayos ka na dyan at mga alas-diyes ay aalis na tayo para mamili ng mga school supplies mo ha ? " Paalala pa ni Inay saakin.

Napangiti ako doon. " Opo ! Saglit lang po ! "

Narinig ko ang mga yabag ng paa ni Inay, nakaalis na ito sa harap ng pintuan ng kwarto ko. Umalis na ako sa kama ko at inayos iyon. Mabilis kong kinuha ang towel ko at lumabas na ng kwarto.

" Oh Katherine... maliligo ka na ? " Bungad sa akin ni mama. Mukang paalis na ito papunta sa trabaho.

Tumango ako bilang pagsang-ayon. " Bibili daw po kami ni inay ng school supplies mama. " Paliwanag ko.

" Ahh oo nga pala ! " Natatawang sabi nito saka dumukot sa bulsa ng pantalon. " Heto, bumili ka na din ng sapatos. Medyo luma na kasi yung sapatos mo eh, mas maganda kung bago ang sapatos mo dahil makakapasok ka na sa Aster Faith University. Congratulations anak ! " Nakangiting dagdag ni mama habang inilalagay sa palad ko ang pera.

Natawa ako at niyakap si mama, saglit lang kasi hindi pa nga ako naliligo. " Salamat po ma, ayos pa naman yung sapatos ko eh pero, salamat po ! "

" Naku wala 'yon ! " Pabirong ginulo ni mama ang buhok ko. " Dali na, maligo ka na... "

Napatango nalang ako saka dumiretso na sa banyo upang maligo. Matapos kong maligo dumiretso na ulit ako sa kwarto ko para magpalit ng pang-bayan na damit. Ilang saglit ko pang tiningnan ang sarili ko sa salamin, nang makuntento na ako lumabas na ulit ako at pumunta sa kusina.

" Oh Kath, halika na at kumain. " Aya ni Inay saka tinapik ang upuan na bakante sa tabi nya.

Masaya kaming nag almusal habang nagkukuwentuhan. Matapos noon si inay na ang naghugas ng pinggan, ako na dapat ang maghuhugas noon pero ayaw ni inay. Mababasa pa daw ako. Napa-iling nalang ako non. Umalis na si mama at papa habang ang kapatid kong si Eugene ay nagbabakasyon sa mga kamag-anak namin. Umupo muna ako sa sofa sa sala namin saka nagbukas ng cellphone. Nakita kong online si Jyren kaya naisip ko na i-chat sya.

•••

“ Makulit na Bata ”
Active Now

Uy !:Kath

Jyren: Po, sino po ito ?
Wrong messenge po ba
kayo ? :P

•••

Napatawa naman ako dahil inuumpisahan na agad akong pagtripan ni Jyren. Loko loko talaga itong lalaking ito hayst !

•••

Jyren umayos ka nga !
Haha XD:Kath

Jyren: Haha XD.
Bakit po ba ?

Wow may 'po'. Kelan ka pa
naging magalang ? :Kath

A Gangster's Love: Melody and Game of Destiny (On-Going)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum