Kabanata 18

103 6 0
                                    

Leigh Yohan's SIDE

Kakatok na ba ako o aalis nalang ako ?

Mga ilang minuto na akong nakatayo dito sa tapat ng naturang bahay ni Precious. Kinakabahan ako, SOBRA. Hindi ko mawari kung aalis na ba ako o ano... nakaka-frustrate !

" Tsk ! " Singhal ko pa dahil naiinis na ako sa sarili ko.

Huminga muna ako ng malalim saka ko iginalaw ang kamay ko para pihitin ng door knob ng pintuan ng bahay nina Precious, nang bigla itong bumukas at bumungad sa harapan ko na ang sa tingin ko ay nanay ni Precious. Shit ! Ayoko na !!!

" Ahh... m-magandang umaga po ! " Kinakabahan kong pagbati sabay yuko.

Nang iangat ko ang tingin ko ay nakatingin lang saakin ang ginang. I gulp, then simply looked away.

" May maitutulong ba ako sayo, hijo ? "

" P-po ? Ah eh... s-si... si Precious po ? "

Nang maitanong ko yun ay bumadha ang gulat sa mukha nung ginang, kinabahan naman agad ako at iwinasiwas ang kamay ko.

" Ah, kaklase po kasi ako ni Precious. Nagtataka lang po ako na hindi sya napasok... " Paliwanag ko pa. Damn ! Paano ko sasabihin na gusto kong dalawin si Precious ? Sa nanay nya ?

Narinig ko ang mahinang pagtawa ng nanay nya. " Akala ko naman kung ano na... Masama kasi ang pakiramdam ng anak ko mula pa kahapon. "

" G-ganon po ba... "

'Come on... nakarating ka na hanggang dito, aatras ka pa ba ?'

" Gusto ko po kasing magpasalamat sa kanya... dahil sa pagtuturo nya saamin ng Math... "

" Kung ganon... isa ka sa tinuruan ni Precious ? May nakwento kasi sya saakin eh.. "

I nod as a response then flashed a smile. Ngumiti din yung nanay ni Precious. " Pero baka sa susunod mo nalang gawin yan... tinatarangkaso kasi sya, baka mahawaan ka... " Nag-aalalang sambit pa ng ginang.

Nakaramdam naman ako ng disappointment... Buong akala ko talaga ay magagawa ko na yung gusto ko na magsorry at magthank you sa kanya... Maya maya pa ay napatingin ako sa relo ko...

" Huh ? Ang bilis naman... 3:30 p.m. na... " Mahinang sambit ko.

" Ano, 3:30 p.m. na... nako bakit hindi pa nauwi yun kailangan ko pang umalis... " Rinig kong pabulong na sabi ng nanay ni Precious.

'Paalis ?'

" Paano na... "

" Ako nalang po mag-aalaga kay Precious... "

Agad na napatingin saakin ang ginang, nanlalaki ang mga mata nito at wari mo'y hindi makapaniwala. Then within a snap, narealize ko bigla yung nasabi ko. Napatakip ako sa bibig ko saka natatarantang tumingin sa ginang.

" A-ah ano po kasi... g-gusto ko lang po makabawi sa... s-sa pagtuturo sakin ng anak nyo a-at ah... " Napakamot pa ako sa ulo ko.

Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa kahihiyan at sa kaba. Pero parang yelo na nasa ilalim ng mainit na sikat ng araw, nalusaw yung kaba at pagkataranta ko ng marinig kong mahinang tumawa yung nanay ni Precious. Napatingin ulit ito saakin at humakbang palapit, ipinuwesto pa nya yung dalawang kamay nya sa balikat ko..

" Hijo, sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo ? Kailangan ko lang talagang umalis eh... may aasukasuhin ako... Mapagkakatiwalaan ba kita ? " Bumalik yung kaba ko nung sumeryoso yung boses ng nanay ni Precious. Diretso itong nakatingin saakin.

A Gangster's Love: Melody and Game of Destiny (On-Going)Where stories live. Discover now