"Ano ba kasi talaga ang nangyari? Tungkol kay Anica no? Sila ba? Naku, akala ko ba matino siya eh siya rin pala ang mapanira ng relasyon! Di ko na siya idol!"

"Hindi ko rin alam," ani Zia na ayaw i-open ang nangyari kina Reon at Anica sa hotel.

"Kung ako sa 'yo, mas gagalingan ko pa para hindi siya maghanap ng iba."

"Ewan ko sa 'yo, Petra. Ang dami mong alam."

"Eh kasi minsan ang lalaki, uto-utuin mo, okay na 'yan e. Masyado ka kasing kampante na hindi ka iiwan ni Sir Reon."

"Hindi ah! Kung iiwan niya ako eh di iwan nya!"

"Yan!" ani Petra. "Yan ang hirap sa 'yo kasi habang kayo pa, wala kang ginagawa para mag-stay sya."

"Ano pa ba ang gagawin ko? Pag ang lalaki magloko, kahit gaano kalambing ng babae, magloloko pa rin siya!" depensa ni Zia.

"Wala ka talagang lambing sa katawan, ano?" ani Petra sabay iling. "Ang swerte mo na nga kay Sir tapos ni hindi ka man lang nagko-compensate. Tandaan mo, maraming babae ang nangangarap diyan sa pwesto mo! Hindi naman sa pang-aano ha. Pero dapat matuto ka ring mag-alaga ng relasyon ninyo. May mga lalaki na matino naman talaga pero nagloloko dahil hindi sila naaalagaan ng partner nila. For sure, taken for granted sila. Inaabuso ang kabaitan, ganoon!" mahabang litanya ni Petra.

"Oo na. Salamat sa payo. Bye na! Baka ma-late pa ako," paalam ni Zia dahil magkaiba sila ng building. Napaisip siya sa sinabi ni Petra. Ganoon ba siya kay Reon? Mukhang hindi naman. Ano pa ba ang lambing ang gusto nito?

Sa tuwing may extra time sila, pumupunta siya sa library para doon mag-aral. Pasado alas tres nang magpasundo siya kay Marvin.

"Hindi pa ba uuwi si Reon?" tanong niya habang hawak ang notebook.

"Dadaanan daw sa opisina para sasabay na sa atin dahil tapos na siya," sagot ni Marvin na sa opisina patungo.

Ipinagpatuloy ni Zia ang pagbabasa hanggang sa nakarating sila sa opisina pero hindi na siya lumabas. Napasulyap siya kay Reon na palabas ng opisina kasama si Anica kaya itiniklop niya ang notebook at itinago sa bag.

"Kuya Marvin, may tanong ho ako."

"Ano ho, Ma'am?"

"Tutal kilala mo naman si Reon. Gaano ho ba kaseryoso ang relasyon nila ni Anica?"

Napasulyap si Marvin sa kanya at tila nag-iisip.

"Huwag mo na hong sagutin."

"Hindi ko rin ho alam kung gaano kalalim ang relasyon nila o hanggang saan na ang relasyon nila," honest na sagot ni Marvin habang nakatingin kina Reon at Anica na nagtatawanan habang palapit sa kanila. "Pero alam ko ho mahal ka ni Sir Reon at ikaw lang ang itinuring niyang special. Masasabi ko hong takot siya na mawala ka kaya sana ho ay gumawa ka ng paraan para hindi ka nya dapat ipagpalit sa iba."

"Hindi naman ako worth it eh," ani Zia na nanliliit sa sarili. Sino ba sya para sa mga babae ni Reon?

"Huwag mong isipin 'yan. Dapat ang isipin mo ay kung paano mo mapanatili ang pagmamahal sa iyo ni Sir."

"Pero may nangyari na sa kanila ni Anica!" inis na sagot niya.

"Yun lang," ani Marvin kaya mas lalong naningkit ang mga mata ni Zia. Para na rin talagang double ang kumpirmasyon na nakuha niya ngayon. Si Marvin ang nakakaalam ng lahat nang nangyari kay Reon kaya hindi pwedeng hindi nito alam ang nangyari.

"Hi," bati ni Anica na nagulat nang makita siya pero pumasok pa rin at naupo sa tabi niya. Si Reon ay sa frontseat katabi ni Marvin naupo.

"Pasensya na medyo natagalan kami," paumanhin ni Reon kay Marvin habang naglalagay ng seatbelt. "Kanina pa ba kayo?"

Un-tie (R-18)Where stories live. Discover now