Nag-taxi siya patungo sa dorm nina Petra.

"Oh, ba't nandito ka?" tanong ni Petra na nakatingin sa dala niyang backpack.

"Pwedeng makitulog?"

"Bakit? Ang ganda-ganda ng higaan mo roon eh."

"Please naman, gusto kong magpahinga."

"Nag-away kayo?" tanong ni Petra.

"Tabi tayo," sabi ni Zia na pumasok at isinalampak ang bag sa tabi.

"Bahala ka. Buti at wala ang mga kasama ko rito kaya doon ka muna sa kama nila matulog," ani Petra.

"Tabi na tayo!"

Doon siya natulog. Buti at hindi na nag-usisa pa si Petra.

Kinaumagahan, nagising siya nang maamoy ang sinaing ng kaibigan.

"Gising na, baka ma-late pa tayo," ani Petra.

"Hindi ako papasok."

"Wow! Totoo ba 'yan? Firstime ah!" hindi makapaniwalang tanong ni Petra habang hinahanda ang plato.

"Oo. Ayaw kong kumain!" mas lalo siyang nawalan ng gana nang maalalang pinagmumura siya ni Reon.

"Bahala ka pero kapag magutom ka, may pagkain dito ha. Sige na, matulog ka na muna."

Umalis si Petra kaya mag-isa siyang naiwan sa kwarto nito. Maghapong nagmukmok siya sa kama nito at nag-isip ng gagawin. Uuwi na lang muna siya sa Bulacan. Bahala na. Pwede naman siguro niyang ipagpatuloy ang pag-aaral nextyear kahit na sa ibang paaralan na. Nahihiya na rin siyang magpakita pa sa lahat dahil sa hiwalayan nila ni Reon. Dapat noong una pa lang, hindi na siya umasa pang seryosohin siya nito dahil kahit anumang oras, kaya siya nitong iwan at ipagpalit sa iba.

Mas lalo siyang nanghina nang makita sa social media na sila ni Anica ang laman ng pahayagan. Matagal na raw silang nagkamabutihan noong high school pa kaya lang ay naudlot nang mas pinili ni Anica ang career nito. High school sweetheart daw. Naupo siya sa sulok at niyakap ang mga tuhod.

Narinig niya ang boses ng dormmates niya noon kaya umayos siya ng upo.

"Oh, ba't nandito ka?" tanong nila nang makita siya.

"Napadalaw lang, aalis din ako mamaya, hinihintay ko lang si Petra," sagot niya. Buo na ang loob niya, uuwi siya sa Bulacan at magtanim ng mga gulay. Bahala na ang iisipin ng ibang tao sa kanya. Hindi naman sila nakakatulong para maka-survive sya sa pang-araw-araw. Iyon nga siguro ang nakatadhana sa kanya, ang mamuhay sa probinsya at mag-alaga ng mga hayop nila.

"Zia!" ani Petra nang pumasok kasama si Marvin.

"Bakit ho nandito ka?" tanong ni Zia. "May nakalimutan ba ako?"

"Uwi na ho tayo, Ma'am," sabi ni Marvin.

"Ayan na pala ang sundo mo," ani ng dormmate nila.

"Salamat po sa pagsundo pero hindi na po ako uuwi sa condo," magalang na sabi niya dahil naging mabait naman ito sa kanya.

"Ma'am, pinapasundo kayo ni Sir," ani Marvin.

"Para ano pa?" asik niya kaya napatingin sa kanya ang tatlong dormmate. "Pasensya na ho Kuya Marvin pero hindi na ako uuwi roon. Salamat na lang po."

Napatango si Marvin saka lumabas kaya inayos ni Zia ang mga gamit.

"Ayaw mo na ba talaga?" nanghihinayang na tanong ni Petra.

"Ayaw ko na," sagot ni Zia. "Uuwi na lang ako sa amin." Kinuha niya ang bag.

"Hoy! Gagi! Seryoso ka na ba talaga?" nag-aalalang tanong ni Petra.

"Yup," sagot ni Zia. Sya ang taong mahirap baliin ang desisyon at alam iyon ni Petra.

"Ano ba kasi ang nangyari sa inyo ni Sir? Baka tsismis lang yung sa kanila ni Anica," ani Petra. "Pag-usapan ninyo 'yan uy!"

"Ayaw ko na," ani Zia. "Para ano pa?"

Nakarinig sila ng sunod-sunod na katok kaya natahimik silang apat.

Si Petra ang lumapit sa pinto at bumukas.

"Sir," ani Petra at napangiti nang walang pasabing pumasok si Reon na madilim ang mukha.

"Tara na!" ani Reon saka hinawakan sa kanang kamay si Zia pero mabilis na hinila ni Zia ang kamay. "Ayaw ko ng drama, Zia!"

"Hindi na ako uuwi!"

"For pete's sake, Zia!" pikong sabi ni Reon.

"Napag-usapan na natin ito kagabi!" taas noong sabi niya.

"At pag-uusapan natin ulit!"

"Hindi lahat ng gusto mo ay nakukuha mo, Reon!" matapang na sabi ni Zia.

"Wala akong panahon sa kadramahan mo, Zia!"

"Kaya nga hindi na ako uuwi! Wala na tayo, Reon! Maliwanag na iyon sa atin kagabi!"

Napatulala ang tatlong dormmates niya sa kanila dahil hindi naman alam ang gagawin at naiilang sila kay Reon.

"Bakit ba lagi mong inuubos ang pasensya ko, Zia?" mahina nitong sabi pero kaunti na lang ay sasabog na siya pero pinipigilan lang dahil may mga kasama si Zia.

"Tama na, Reon!"

"Ako ang magsasabi kung tama na!" asik ni Reon at sumenyas kay Marvin sa labas ng pinto kaya pumasok ito at lumapit kay Zia.

"Pasensya na, Ma'am," ani Marvin sabay takip ng panyo sa mukha ng dalaga. Sinubukan ni Zia na magpumiglas pero agad itong nawalan ng malay.

Napasinghap sina Petra pero hindi nila nagawang sumigaw dahil sa takot.

"Ako na," sabi ni Reon at kinuha si Zia kay Marvin saka binuhat na parang bagong kasal at humarap sa mga kaibigan ni Zia. "She will be fine," ani Reon. "Wala kayong nakita sa nangyari dahil oras na may makakaalam, babalikan ko kayo!" 

"Wala ho kaming nakita," ani Petra.

Lumabas si Reon bitbit si Zia kaya napatingin ang ibang dormmates nila na nasa hallway.

Binuksan ni Marvin ang pinto kaya naipasok ni Reon ang dalaga at maingat na inihiga sa likuran. Iniunan niya ang ulo nito sa kanyang hita.

"Saan ho tayo, sir?"

"Hotel!" sagot ni Reon at inis na tinitigan si Zia. Kaninang umaga, alas nuwebe na raw naghihintay si Marvin sa labas ng unit pero hindi pa lumalabas ang dalaga kaya pinapasok na niya. Wala ito. Kahit sa paaralan ay hindi rin daw pumasok sabi ni Jeric. Tinawagan na niya ang tiyahin at pinsan nito pero hindi naman daw umuwi si Zia hanggang sa naisipan niyang baka nasa kay Petra ito.

"Bakit ho hindi mo na lang siya pabayaan?" tanong ni Marvin kaya napatingin siya rito. "Alam kong wala akong karapatang makialam pero bakit hindi mo siya kayang bigyan ng kalayaan na hinihiling niya?"

"Tama ka nga," ani Reon. "Wala kang karapatan kaya manahimik ka!"

"Lahat nakukuha mo na ho," ani Marvin. "Bata pa siya at maraming pangarap!"

"Shut up, Marvin! Kung ayaw mong mawalan ng trabaho!"

"Si Anica," ani Marvin. "Paano siya?"

Napa-smirk si Reon. "Siya ba?" ulit niya. "Siya ang may gusto sa nangyari at kung ano mang mayroon sa amin ni Anica, alam niya ang hangganan niya at kung ano siya sa buhay ko! Kung lumagpas man siya roon, labas na ako don!"

Napahigpit na lang si Marvin sa paghawak ng manibela sa narinig.

"Kung gusto mong tulungan si Zia, bantayan mo siyang mabuti, Marvin! Huwag mo siyang hayaang mawala sa paningin mo mula ngayon!"

"Ikinukulong mo na siya."

"Hindi lahat ng ibon ay namumuhay sa labas ng hawla, Marvin," makahulugang sabi ni Reon saka napatingin kay Zia na tila mahimbing na natutulog. "Hindi sa ganito katigas ang ulo na ibon!"







Un-tie (R-18)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt