Pagdating sa paaralan, nakipag-usap siya sa mga kaklase. Ibang-iba na siya kaysa sa noon. Kung noon ay parang anino siya ng klase, ngayon ay nag-i-exist na siya. Kinakausap na siya ng iilan at hinihingi ang kanyang opinion.

"Zia, pasyal tayo sa MOA mamaya," sabi ni Trina. "Sama ka ha. Wala kasi sina Nina eh."

"Okay. Nakapagpaalam na ako kay Reon," pagpayag ni Zia.

"Kahit na hindi ka magpaalam, wala naman siyang magagawa," sabat ni Jeric na napupunang naging maluwag si Reon sa kaibigan. Kung mahigpit man, lumalaban si Zia.

"Sama kami mamaya ha!" sabat ni Ian. "Bar tayo."

"Pasyal lang," ani Trina. "Bawal."

"Killjoy nyo naman. Saturday naman bukas," ani Ian. "Basta sama kami nina Jericho kasi may bibilhin kami."

"Sure! The more the merrier," pagpayag ni Trina dahil alam niyang safe siya sa mga magulang kapag marami sila.

Pagkatapos ng klase, nagpahatid si Zia kay Mario sa MOA kasama ang mga kaklase.

"Kuya, huwag mo na lang po akong sunduin, si Jeric na raw po ang maghahatid sa akin."

"Hindi ho pwede, Ma'am."

"Ako na ho ang bahala kay Reon kaya wag ka na pong mag-alala," sabi ng dalaga saka iniwan na si Mario at sumunod sa kaklase.

Namasyal sila sa likod ng MOA pero naisipan nina Trina na mag-boating ng 30 mins kaya sumama siya.  Ang ganda ng sunset kaya kumuha si Zia ng litrato.

"Group picture!" ani Trina kaya nag-compress sila at nagpa-picture.

Pagbalik nila, medyo madilim na.

"Dinner na tayo," yaya ni Jeric. "Treat ko."

"Yon oh!" ani Ian. "Kayo na ang mag-order, may bibilhin lang kami. Balik kami kaagad," sabi ni Ian at niyaya ang tatlong kaibigan kaya sina Zia, Jeric at Trina ang nag-decide kung saan kakain at tinext sina Ian na nasa Padis point sila.

"Barkada meal na lang ang bibilhin ko," sabi ni Jeric. "Ano ba ang gusto ninyo?"

"Kuha ka ng bagnet kare-kare," sabi ni Trina.

"Lechon kawali rin," sabi ni Zia kaya sina Jeric na at Trina ang pumila samantalang siya ay naupo para hindi na makuha ng iba ang pwesto nila.

"Saan na sina Jeric?" tanong ni Ian. "Wala pa rin?"

"Ang haba ng pila eh," sagot ni Zia.

"Ano ba yan! Nagugutom na ako," apuradong wika ni Ian.

Pagkaupo nina Jeric, naghintay pa sila ng ilang minuto bago ini-serve ang pagkain kaya naubos nila ang lahat ng in-order.

"Tara? Uwi na tayo?" yaya ni Trina.

"Mamaya na, maaga pa," ani Ian. "Disco muna tayo."

"Eh? Mag-alas otso na," ani Trina.

"Killjoy mo naman," ani Ian. "Si Jeric ang bahala sa 'yo. Uy, di ba sina Nina 'yon?" sabay turo kay Nina na napadaan. "Uy, Nina!"

"Uy, dito pala kayo," sabi ni Nina at ipinakilala ang pinsang babae.

"Saan kayo?"

"Nightout," sagot ni Nina na naka miniskirt.

"Ayos! Ayan na Trina, nandiyan na rin si Nina kaya okay lang 'yan."

"Ano, sama ka?" bulong ni Jeric kay Zia.

"Baka uuwi na ako," sagot ni Zia.

"Sama ka rin, Zia! Huwag kang boring! Hindi porket may boyfriend ka na eh, uuwi ka na kaagad. Minsan ka lang naman makipag-bonding sa amin," sabat ni Jericho.

Un-tie (R-18)Where stories live. Discover now