What's your height?

Start from the beginning
                                    

“Mabuti ka pa you find it entertaining.” Nasabi ko bigla.

“No, that’s not what I meant.”

Diba ganun na rin naman yun?

“Winter!”

Mabilis na hinablot ako ni Yuna at isinama sa pagtakbo nya. Si Karina naiwang nakatayo na tulad ko ay nagulat din sa bigla nalang paghablot ni Yuna sa’kin.

“Kaloka,” hinihingal na sabi ni Yuna ng makarating kami sa area namin kasabay nun ay ang pagtunog ng bell. “Muntik ka na Winter.”

Oo nga muntik na nga.

“San mo nakita yan?” pasimpleng tanong ni Wooyeon habang umuupo kami ni Yuna sa pwesto namin.

“Dyan sa entrance nakikipag-kwentuhan pa kay Katarina alam namang bawal na bawal ang ma-late sa oras ng shift.” Sagot sa kanya ni Yuna.

“Hindi kami nagku-kwentuhan?” sabi ko.

“Wag ka ng magkaila Winter. Alam na naman namin. Kunwari ka pang hindi kayo close ni Katarina, tapos biglang sabay na naglu-lunch, naghihintayan, nag-uusap.”

“Kasabay naman kayo ah, tsaka mga kaibigan nya.” depensa ko. “At hindi naman talaga kami close, ewan ko ba bakit bigla nalang naging ganyan.” nami-misinterpret talaga nila yung mga pagkakataon na nagkakasabay kami ni Karina.

“Imposible naman ang ganyan Winter. Ano yun, bigla nalang nagkainteres sayo si Katarina after that one interaction nyo? Not unless,” nagkatinginan sila ni Wooyeon at parehong weird na ngumiti sa isa’t-isa.

“Not u—”

“Ehem!”

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sinita na kami ni Ma’am Eugene.

Ano na naman kaya ang tumatakbo sa isip ng dalawa?









“Arghh! Ang hirap ng bagong process na pinapagawa sa’kin ni Ma’am Jessica.” Pagrereklamo ni Elly habang palabas kami ng building.

Yes, magkakasabay na naman kami. Feeling ko napapa-isip na yung ibang mga katrabaho namin dahil bigla nalang may nadagdag sa grupo ni Karina. Tapos katulad pa naming pumapasok lang everyday para lang sa sweldo.

“Nilipat ka na naman ba?” tanong ni Aeri na bigla nalang akong inakbayan. “Don’t take the bus Winter. Sabay ka na sa’kin.”

Tumango naman ako. Medyo hindi lang halata sa’kin pero hindi ko talaga pinapalagpas ang mga ganitong offer, lalo na kong tungkol sa libre. Actually, palagi na akong sinasabay ni Aeri. Nahihiya naman ako syempre pero kasi sya yung nagpupumilit.

“Tell your mom pala na I enjoyed the cake yesterday. It’s really good.”

Ah, oo nga pala. Pinagbigyan sya ni Mama ng cake kahapon. Yung carrot cake na sinubukan ni Mama gawin.

“Winter may pa cake pala si Tita. Bakit di mo kami dinalhan?” parang nagtatampong tanong ni Wooyeon.

“Naubos kasi agad.” sabi ko.

“Ang daya naman Winter.”

“You guys, it was really delicious.” para namang mga bata agad yung dalawa dahil sa pang-iingit ni Aeri sa kanila.

“You’re close with her Mom?”

Nagulat naman ako sa biglang pagsulpot ni Karina sa side ko.

“Of course. We’re neighbors.” Agad na sagot ni Aeri sa kanya.

“We should visit in your house, sometimes. Maybe this weekend Aeri, tutal hindi pa naman talaga namin ito nakikita eversince lumipat ka.”

“Sure.”

Bibisita sila sa bahay ni Aeri? Ibig sabihin…there’s a chance na maisipan din nilang pumunta sa bahay dahil magkatabi lang ang bahay namin at ni Aeri. Pwede kayang ilipat ko muna ng pwesto ang bahay namin?

Hindi naman sa nahihiya ako. Jusme, kapag nakita sila ni Mama. Lalong lalo na ng baliw kong mga kapatid. Ayokong imaginin ang mga pwedeng mangyari.

Nawala na yung kamay ni Aeri sa balikat ko ng magsimula na silang mag-usap tungkol nga sa pagbisita. Mukhang gagawin pa yata nilang party ang home visit nila kay Aeri.

“Sorry.”

“Okay lang.”

Napatingin ako sa kamay kong aksidenteng nasagi ng kamay ni Karina. She smiled at me bago lumipat ng pwesto at makigulo sa usapan ng iba.

Di makapaniwalang tinignan ko ulit ang aking kamay. Bakit pakiramdam ko sindaya nyang masagi yung kamay ko? It almost feels like sinubukan nyang hawakan ang kamay ko.

Biglang nag-init ang mga pisngi ko.

Ano ba tong iniisip ko?

"Winter? We can visit yours too, diba?"

"H-huh?"

"Kung pwede rin ba daw silang bumisita sa bahay nyo?" inulit nalang ni Yuna yung tanong ni Ningning dahil hindi ko ito narinig agad.

Kung ano-ano kasing pumapasok sa isip ko.

Di ko naman maiwasang hindi mapatingin sa kanila. Natigilan lang ako ng dumaan ang mga mata ko kay Karina na nakatingin din sa'kin with so much anticipation.

"Pwede naman." naisagot ko nalang sabay iwas ng tingin sa kanya.

Ngayon palang iniisip ko na ang pwedeng idahilan kay Mama at Ate.









Nakarating kaming lahat sa may parking area. Kanya-kanya ng punta sa mga sasakyan nila ang mga kasama ko. Ako lang talaga itong hampaslupang nakikisabay.

Naunang umalis si Elly at Juhyeon dahil dadaan pa raw sila ng SM. Si Yuna at Wooyeon naman ay balik na sa pagdadala ng kotse nila dahil hindi na nga ako nag-bubus. Nagje-jeep lang naman kasi ang dalawang yan dahil sa'kin. Para may kasabay ako lagi sa paghihintay.

"I wonder what's taking them so long?" tanong ni Karina sa tabi ko.

Biglaan kasing tinawag ni Ma'am Yuri si Aeir habang pasakay kami ng kotse nya. Kinakausap sya ngayon nito di kalayuan sa'min.

Itong si Karina naman ay nagtataka ako dahil pwede namang mauna na sila dahil may kostse rin naman sya. Ano pa kayang ginagawa nya rito? Si Ningning na sasabay lang din sa kanya ay naiinip na yata.

"Katarina what's with you ba? Si Aeri naman yung kinakausap. Why can't we leave na?" tanong ni Ningning na nakasilip sa bintana ng passenger seat.

"Walang kasama si Winter if we leave agad. It looks like mahaba-haba ang sinasabi ni Ma'am Yuri."

Nagulat naman ako sa sinagot nya. Pati yata si Ningning na wala ng nagawa kundi ang umupo nalang ulit ng maayos sa loob ng kotse ni Karina.

Bakit naman nya iintindihing samahan ako sa paghihintay kay Aeri?

Di ko tuloy maiwasang di mapatitig sa kanya.

Bakit ba bigla nalang ganito si Karina? We never really had a decent interaction o usap man lang before yung pagkaka-twist ng ankle ko. Kaya bakit ganito sya umasta?

Ganito ba talaga sya ka friendly kaya ginugusto sya ng lahat?

"Thank you." mahinang sabi ko.

"What for?" nakatingin syang maigi sa'kin.

"Sa paghihintay?" unsure na sagot ko. Tumawa sya. Tumawa lang sya.

"About pala sa height ko." sabi ko.

Muli syang napatitig sa'kin. This time mas matagal tapos nakangiti sya. Yung magandang ngiti. Alam nyo yun? Basta yung ngiting magandang tignan.

"Yeah what about your height?" mas lumalawak lang yung ngiti nya sa di ko malamang dahilan. "You know it na?"

Tumango ako.

"5'5 yata ako."

Tumawa sya ulit.

"That's good to know. It's perfect." sabi nya eyes looking directly sa mga mata ko.

"Co'z I'm 5'6. That's a good height difference."




________________________________

MagnetWhere stories live. Discover now