Inabot niya sa akin ang kanyang notebook at saka sinimulang basahin. It contains their basic description. Although, hindi lahat sumagot sa mga tanong kaya isinulat niya ang observation niya. Naintindihan ko naman kung ayaw nila. Leaked personal information can be dangerous.

Nang matapos ko itong basahin ay ibinalik ko sa kanya. "Continue monitoring them. I-report ninyo agad kung may kahina-hinala silang gagawin." Sabi ko na tinanguan niya.

"Isasama ba natin sila?"

Umiling ako. "No. Magpapalipas lang muna tayo nang gabi bago umalis. Our journey is not for them. They seek safety while we are diving into danger. And we can't take more mouth to feed."

He has a grim expression on his face. Alam ko naman na naintindihan niya ang sinasabi ko. Thsi is only the start of our journey and yet, we already face this much danger.

"Paano kung gusto nilang sumama?" Seryosong tanong niya.

"Then they need to prove themselves to be useful."

~~~

Bago pa lumubog ang araw ay bumalik na ang iba. They are happy to see me up, nangangamusta sa lagay ko. Si Peter naman ay agad na yumakap sa akin. He hugged my waist tightly at ngayon ay ayaw bumitaw kaya binuhat ko na lang siya.

"Max?" Napalingon ako sa tumawag sa akin.

I saw two familiar faces. Their eyes are wide open, hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.

"Ah, that's why your names are familiar. Long time no see. Kamusta?" Tanong ko sa kanila.

Kaagad na lumapit sa akin si Marco at bahagya akong niyakap. "Sabi na nga ba eh, ikaw 'yan! Dave didn't believe me nang sinabi ko sa kanya na ikaw 'yung pinasok nila sa van. Naaalala mo pa ba kami?" Nakangiti nitang tanong.

I chuckled. "Oo naman. You're one of the coolest nurse that I know."

Pabiro niya akong pinalo sa braso. "Nang bola ka pa, ako lang naman ata ang kilala mong nurse na buhay pa."

Umiling ako. "Of course not. Meron din namang buhay pa sa camp. Buti at ligtas kayo. Asan ang iba?" Tanong ko nang hindi ko makita ang iba nikang kasama na umalis sa camp.

Nagkibit-balikat siya. "Dunno. We parted ways nang dumating kami sa Rosario. Kami lang ni Dave ang magkasama."

Lumapit sa amin si Dave kasama ang isang babae at isang batang lalaki. Nakipagkamay siya sa akin. "Good to see you, Max." Nakangiting sabi niya sa akin.

"Me too." Napatingin ako sa mga kasama niya.

"Your family?" Tanong ko. Sa pagkakaalala ko ay gustong-gusto niyang umalis sa camp noon para puntahan ang pamilya niya. It must be them seeing that the boy looks like him and the woman beside him.

Tumango siya at ipinakilala ang kanyang asawa na si Lily at anak na lalaking si Harper.

We decided to catch up later. Nagpakilala muna ako sa iba pa nilang kasamahan. Si Dave pa mismo ang nagpakilala sa akin and Marco keeps boosting me. Apparently, nakukwento pala nila ako sa kanila. I just hope they told them nice things about me given na noong magkakasama kami sa clini noon ay may pinatay akong infected na kasamahan namin.

Doc and Jenn cooked our dinner. Nagtayo naman nang camping tent sila Mark. We lend the other group some tents para may matulugan sila. They definitely won't fit the van. Sila kuya zander at iba sa kabilang grupo naman ay nagbantay.

Dahil gabi na ay gumawa kami nang bonfire. We just erected some tarpaulin around us para hindi masyadong makalabas ang liwanag. May mga look out naman na nakapwesto sa itaas nang sasakyan kaya makikita namin kung may papalapit na zombie.

Return of the SurvivorWhere stories live. Discover now