Chapter 23

1.1K 65 19
                                    

Kinabukasan tanghali na nang magising si Gabb, basta pagmulat niya ay tumatama na sa mata niya ang sinag ng araw, kinapa niya ang anak sa tabi, ngunit wala na ito, mabilis siyang bumangon at saka inayos ang hinigaan niya bago siya lumabas.

Sa terrace niya na abutan si Theon at Gael, na kasalukuyang nasa kuna si Gael habang si Theon naman ay tahimik lamang na nakamasid sa anak habang sumisimsim ng kape

lumapit siya sa dalawa, "good morning" bati niya nang makalapit siya
"morning" tipid na saad ni Theon

"anong oras ang klase mo?" tanong ni Gabb kay Theon, nine pm na kasi

"hindi ako papasok" sagot ni Theon sa tanong niya

"ikaw anong oras ang pasok mo?" balik na tanong ni Theon kay Gabb

"mamaya pang one pm" sagot niya dito at saka na upo malapit sa anak na busy sa pag lalaro sa laruan na hawak nito

"papasok ka?" tanong ni Theon sa kanya, hinarap niya ito at saka sinagot

"Hindi" sagot niya dito, may balak kasi siyang puntahan, at saka hindi naman major subject ang klase niya mamaya kaya okay lang na umabsent siya

"Good" nakangiting sagot sa kanya ni Theon na parang gustong gusto nitong hindi siya papasok

"bakit?" tanong niya dito na nag tataka

"bantayan mo muna si Gael" saad sa kaniya ni Theon

“ano” saad ni Gabb sa binata

“bakit hindi ka rin naman papasok diba
may pupuntahan ako, kaya ikaw muna ang bahala sa anak natin” saad sa kaniya ni Theon at saka ito tumayo nula sa pag kakaupo

“ngayong umaga mo na puntahan at saka saan ba yan” tanong niya kay Theon, may pupuntahan din nga kasi siya, baka abutin ito ng mag hapon

“basta” sagot sa kanya ng binata

“anong oras ang uwi mo?” tanong nya sa binata

“hindi ako sigurado” saan ni Theon, “kung may pupuntahan ka isama mo na lang si Gael” saad ni Theon bago siya tuluyang iwan, napabuntong hininga si Gabb balak niya kasi sanang pumunta sa Cafe para tumulong sa gawain since dalawang araw nga siyang nag leave kaya naman nahihiya na siya sa mga tao doon.

Lumapit siya sa anak at saka ito kinarga, wala naman sigurong masama kung isasama niya ang anak niya papunta sa cafe at saka sasabihan na lang niya siguro ang ina niya na kung maari ay duon muna si Gael, pag kakataon na rin siguro 'yon ni Gabb para ipakilala kay ate Jho ang anak niya, nabanggit lang kasi niya na may anak niya pero hindi pa nito nakikita sa personal, pero tingin naman niya nakita na nito ang anak niya sa invition card na inabot niya

Napabuntong hininga si Gabb bago napag desisyonan na patulongin ang bata ng sa ganun ay makaligo siya.

Nang makatulog si Gael ay mabilisan lamang siyang naligo baka kasi biglang magising si Gael, kaya nga kanina habang naliligo siya ay pinapakiramdaman niya kung nagising ba ang bata o hindi,  pag katapos maligo ni Gabb ay naisipan muna niyang mag linis ng kwarto nila ni Gael, since tulog pa rin naman ito habang nag lilinis siya nang kwarto niya ay napatingin siya sa orasan, 9:30 na pala nang umaga siguro mamaya pang 10:00 magigising si Gael kaya naman napag pasyahan ni Gabb na linisan na lamang ang boung condo unit ni Theon, kahit na sa tingin naman niya ay malinis ito dahil sa palagay niya ay may mga tauhan na pinapapunta dito si Theon para mag linis, pero kahit na sa tingin niya ay malinis pa rin ang boung condo sa huli ay pinag patuloy nya pa rin ang kanyang ginagawa dahil wala rin naman siyang maisip na gawin sa condo ng binata.

Nang magising si Gael ay agad niya itong nilinisan, nag dala na rin siya nang pamalit na damit ng bata, balak ni Gabb na tumulong sa Z's Cafe dahil sigurado siya na marami ngayong costumer doon lalo na't summer bukod kasi sa kape nag s-serve din ng Milktea ang Z's Cafe, ang plano niya ay dumaan muna sa Z's cafe para ipaalam na tutulong siya then after nun pupunta naman siya sa bahay ng mga magulang niya para ihabilin si Gael, nakapag paalam na naman si Gabb sa ina niya dahil tinext niya kanina ang mama niya at ayon dito ay ayos lang daw na doon muna ang apo niya dahil wala rin naman daw siyang trabaho at gagawin.

Nang makadating siya sa Z's cafe nginitian niya ang guard na nakangiti sa kanya

“good morning, nandito po si manager jho” tanong niya sa guard

“oo, nasa office n'ya” tugon ng guard sa kanya at saka napatingin sa batang buhat buhat niya

“sige po kuya papasok na po ako” paalam niya sa guard at saka tuluyang pumasok sa loob nang nasabing cafe, tulad nang inaasahan marami ngang costumer ngayon at sa tingin niya ay dadagsa pa ito mamaya

“oh, akala ko pang gabi ka” bungad na tanong ni Laura sa kanya pag kapasok niya, pansin niya na nakatingin din ito sa anak niya

“ahh! oo, kakausapin ko lang si manager jho” aniya sa babaeng kausap

“ah okay, but wait pamangkin mo ba 'yang buhat-buhat mo?” hindi mapigilang tanong nang babaeng kausap niya

“hindi, anak ko” proud na aniya sa babaeng kaharap, hindi naman niya tinatago ang anak niya pero kukunti lang ang nakaka alam na may anak siya

“oww ang pogi, siguro mana sa nanay niya” anito sa kanya

“ahm, sige punta lang ako kay ate Jho” aniya, medyo napahiya siya sa sinabi nito kasi parang sinasabi na ang panget niya, at saka baka mag tanong pa ito kung sino ang ina nang bata at kapag sinabi naman niya kung sino baka hindi ito maniwala.

“ate Jho” aniya pag katapos kumatok nang tatlong beses sa office nito

“bukas 'yan” narinig niyang ani nito sa loob, kaya naman agad din siyang bumasok

“oh napadalaw ka Gabb” anito sa kanya nang makita siya

“sya si Gael?” tanong nito sa kanya

“opo ate Jho” tugon niya sa babaeng kaharap

“mas pogi pala sa personal ang anak mo” aniya sa kanya na ikinangiti niya

“tingin ko wala man lang nakuha sayo ang anak mo” natatawang biro sa kanya nang ate Jho niya

“yung pilik-mata ate Jho sa lahi namin 'yan” aniya sabay turo sa mabahang pilik-mata nang bata, agad namang tiningnan ito nang babae

“oo nga, mana sayo ang pilik-mata” anito sa kanya na animo'y manghang-mangha

“maiba tayo, bakit ka nga pala nandito” tanong nito sa kanya

“balak ko kasing mag trabaho ngayon for the last time” aniya sa tanong nito

“anong ibig mong sabibin?” tanong sa kanya ni ate Jho

“mag re-resign na po ako ate Jho” malungkot niyang ani sa babae

“dahil ba kay Zach?” tanong sa kanya nang babae

“ah, hindi po, kasi balak kong bantayan nang maayos ang anak ko” aniya dito, alam naman nang babaeng kausap kung anong tinutukoy niya dahil hindi lingid sa kaalaman nito ang tungkol sa kalagayan ni Gael.

“ganun ba? Okay pero mas maganda kung mag papaalam ka rin sa kapatid ko” anito sa kanya

“opo” sagot na lamang niya, kinakabahan siya dahil huling usap niya dito ay noong muli silang mag kita na sinabi nito sa kanya na gusto siya nito ligawan ulit na sa tingin niya ay biro lang nang binata dahil wala naman itong ginagawang action.

Sa huli ay nang paalam na muna si Gabb kay manager Jho at sinabing babalik na lamang siya dahil ihahabilin muna niya ang anak niya sa mama nito na tinanguan naman nang babae.

A/n: hello guys i'm back pasenya na kayo kung matagal akong nawala, huhuhu akala ko nga hindi na ako makakapag sulat pa wala kasi talagang lumalabas sa utak ko nitong mga nakaraang araw kapag sinusubukan kong mag sulat, huhuhu pasenya na po kayo, hirap pa rin akong mag sulat, pero gumagawa na ako ng way para malabanan ayaw ko naman na magaya 'to sa KMUTR.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 21, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HE GOT ME PREGNANT | [B×B|Ongoing X Slow Update]Where stories live. Discover now