chapter 6

1.3K 107 6
                                    

~*~

Ilang minutong natigilan si Theon, hindi niya alam kung nag sasabi ba ng totoo ang lalaking kanyang kaharap kanina, aware naman siya na may mga lalaki talagang na kayang mag dalang tao, katunayan ay marami siyang kilalang may ganung kundisyon, mula sa kanyang lola da na si Kint, sa kanyang tito Ashton na nag dalang tao din at ganun na rin si ang kanyang Dada Francis na siyang nag dala sa kanila ni Ashley

Napabuntong hininga siya at saka siya bahagyang nag lakad para makita ang mga taong nag lalaro at nag lalakad sa field

Pinikit niya ang kanyang mata, kapag nag kataon na talagang naka buntis siya ay tiyak na malilintikan siya sa kanyang Daddy Asher.

"Problema mo?" puna sa kanya ng nakaka batang kapatid ng pumasok siya sa tambayan, hindi niya pinansin ito sa halip ay nag tungo na lamang siya sa kusina para mag hanap ng makakain, pero sinundan siya ng kanyang kapatid

nangunot ang noo niya ng nilahad ng kanyang kapatid ang palad nito?

"Ano 'yun?" tanong niya sa nakaka batang kapatid

"Bayad mo" sagot sa kanya ng kapatid niya

"Huh? Saan, tigilan mo nga ako" saad niya at saka nag sandok ng kanin sa hawak niyang plato, buti na lang talaga at may taga luto sila dito, may mga time kasi na nalalate sila kakapila sa canteen kaya naman nag request sila na mag karoon ng taga luto ang tambayan nila

"Limot muna?"  tanong ng kapatid niya sa kanya pinag cross pa nito ang dalawa nitong kamay

"Alin?" sagot niya at saka iniwan ang kapatid sa kusina

"Tinulungan kita noong lunes, doon sa lalaking nag papansin sayo, nag panggap akong asawa mo, kahit yuck ew nakakadiri, nakakangilo! kaya akin na bayad mo bago pa tayo mag kalimutan" mahabang saad niya sa kanya at saka ito muling lumapit sa puwesto niya

"Sino ba naman kasi ang nag sabing sabihin mo doon sa lalaking 'yun na asawa kita" tugon naman niya sa kapatid at saka siya muling sumubo ng pag kain

"Argh! hindi ba't ayaw mo may nag papansin sayo? kaya 'yun tinulungan kita, akin na kasi ang bayad mo" naiinis na sagot sa kanya ng kapatid

"Tulong tas nag papabayad ka? Ibang klase" sagot niya at saka niya dinukot ang wallet sa kanyang bulsa, napangiti naman ang kanyang kapatid

"Oh 'yan piso, bumili ka ng kausap mo" saad niya at saka inabot ang piso

"Ahh nakakainis ka, d'yan ka na nga" naiinis na saad sa kanya ng kapatid kaya naman malakas siyang tumawa

"Oh? bakit ganun ang mukha nun? nag ayaw kayo?" tanong ni Jack sa ng maka pasok ito kasama si Mint, naka salubong kasi nito si Ashley na kunot na kunot ang noo

"Wala" sagot niya sa kaibigan, pag kakuwan ay tinanguan niya ang pinsan

Nauna na siyang lumabas sa mga ito sa tambayan nila, at nag tungo na sa susunod nitong klase, kasalukuyang siyang third year college sa kursong Bsba o Business Ad

Nang matapos sa lahat ng gawain, oras na ng uwian, papunta na sana siya sa parking lot nang pamadaan siya sa room ng mga first year na kumukuha ng Educ, malapit kasi ito sa parking lot at saka sadyang madadaanan

HE GOT ME PREGNANT | [B×B|Ongoing X Slow Update]Where stories live. Discover now