chapter 5

1.4K 94 15
                                    

~*~

"Kanina ka pa ba doon?" hindi maiwasan ni Gabb ang mag tanong lalo na't may ibang tao ang nakarinig sa pinag usapan nila kanina ni Theon

bahagya namang napakamot sa ulo si Kevin dahil sa hiya, hindi naman kasi niya talaga sinasadya na marinig ang pinag usapan ng dalawa

"Oum, sorry" puno ng senseridad na pag hingi niya ng paumanhin kay Gabb

tumango siya sa naging sagot ng binata pag ka kuwan ay agad ding sumagot, "okay lang" aniya sa binatang katabi niya, kasalukuyan silang naka upo sa isa sa mga upuan na malapit sa oval

"So, totoo ba lahat ng sinabi mong 'yun?.." hindi maiwasang tanong ni Kevin sa kanya, kung hindi kasi niya ito matatanong ngayon ay baka hindi siya nito patulogin mamayang gabi kakaisip, hindi naman sa nagiging pakilamero siya, na cocurious lamang siya.

"... may anak kayo, paano?" mahina pa nitong dagdag sa kanyang sinabi, hininaan niya ang kanyang boses baka kasi may ibang maka rinig, pansin niya na sinesekrito ito ni Gabb

nag hindi siya maka tanggap ng sagot kay Gabb ay agad siyang humingi ng paumanhin "sorry" pag hinge niya muli ng tawad sa kanya

"Okay lang, oo mahirap paniwalaan, dahil parehas kaming lalaki at nag kaanak kami, ako rin noong una hindi rin ako makapaniwala na kaya ko palang mag dalang tao, galit na galit ako nun sa sarili ko, hindi ko matanggap, nag ooverthink na ako kasi iniisip ko na baka hindi ako normal, pero nag maisipan kung kumalma at mag basa ng mga article na katukad ng kaso ko na kayang mag dalang tao kahit lalaki, mahirap tanggapin pero unti unti ko ring natanggap, naalala ko pa noong unang beses kong narinig ang pag iyak ng anak ko, doon ko nasabi na ang tanga tanga ko dahil hindi ko agad natanggap ang pag dadalang tao ko." mahabang kwento niya sa binata habang inalala kung paano niya unti unting natanggap na nag dadalang tao siya

"Alam mo, hanga ako sayo kasi napakatapang mo,  nalampasan mo ang lahat ng 'yun" saad sa kanya ni Kevin, humanga talaga sa kanya ang binata dahil nakaya niyang mag silang nag isang bata na alam niya na hindi biro

"Kailangan e, para sa anak ko" sagot niya kay Kevin, habang naka tanaw kung saan

"Nabinyagan na ba ang anak mo? pwede ba akong mag apply bilang daddy" natatawang biro ni Kevin sa kanya, para ibahin ang usapan pansin kasi nito ang lungkot sa mukha ni Gabb

"Sira" sagot ni Gabb kay Kevin, kasabay ng kanyang pag tawa ay ang pag palo nito sa balikat ng kausap.

"Nag bibiro lang, gusto kong maging ninong pwede ba?" saad ni Kevin sa kanya na ikinatango niya

"Hindi pa nabibinyagan ang anak ko, balak ko sanang isabay iyon sa first birthday niya, at oo pwedeng pwede kang maging ninong ng anak ko mukha ka namang mayaman haha" natawa siya sa huli niyang sinabi kaya naman natawa rin ang kanyang kausap

natigil lamang ang kanilang pag tatawanan ng dumaan sa harap nila si Theon

saglit na katahimikan ang namutawi sa kanilang dalawa nabasag lamang 'yun ng muling nag salita si Kevin

"Pwede ba ako minsan dumalaw sa inyo? gusto kong makita ang inaanak ko" saad niya sa kanya, gusto niya kasi talaga itong makita, iniisip niya kung gaano kaya ka cute ang anak ni Gabb

"Oum, sure hahaha, aayain ko rin si Bea para sabay kayo" sagot niya, naisip kasi niya na ipaalam na sa kaibigan ang tungol sa anak niya naisip niyang ang unpair niyang kaibigan, si Kevin na bago pa lamang niyang kaibigan ay alam na ang tungkol sa anak niya, ayaw niyang mas lalong mag tampo si Bea

"Sige" sagot ni Kevin sa kanya

"Andyan lang pala kayong dalawa, kanina ko pa kayong hinahanap, nag aano ba kayo dyan?" saad ni Bea na kakarating lamang, kanina pa niyang hinahap si Gabb at kanina pa rin siyang paikot ikot kakahanap

"Wala" sagot niya sa kaibigan

"Nag da-date haha" biro naman ni Kevin sa kaibigan niya

"Ano?" gulat na tanong ni Bea, dahilan para matawa siya ganun na rin si Kevin

"Just Kidding" natatawang sagot ni Kevin

"Tara na nga puro kayo kalukuhan, baka malate pa tayo" pag aaya niya sa dalawa, ilang araw pa lamang nilang kasama si Kevin ay naka close na agad nila ito, sabagay blockmates naman kasi silang tatlo

"Nag da-date ba talaga kayo kanina ni Kevin?" bulong ni Bea sa kanya ng maka upo na sila sa loob ng classroom

"Sira! may pinag usapan lang kami" sagot niya kay Bea at saka bahagyang natawa sa huli

"Weeh?" nag dududang saad ng kaibigan sa kanya

"Oo nga, nag bibiro lang kanina si Kevin, naniwala ka naman" sagot niya sa kaibigan, kilala niya ito madaling napapaniwala sa sinasabi ng iba, hindi ata alam ng kaibigan ang biro sa hindi

"Eh bat parang kinikilig ka?" pag aasar ni Bea sa kanya, na pansin kasi ng dalaga ang pamumula ng mukha niya

"Ano? hindi ah" sagot niya sa kaibigan, hindi niya alam kung saan nakuha ng kaibigan ang sinasabi nito, dahil hindi naman talaga siya kinikilig

"Namumula ang pisnge mo kaya, may gusto ka ba kay Kevin?" saad ng kaibigan niya sa kanya at saka bahagya pang tinuro ang puwesto ni Kevin na hindi kalayuan sa kanila

"Sira ka talaga" ang nasabi niya na lang sa kaibigan, well marahil ay totoo ang sinasabi ng kaibigan niya na namumula ang mukha niya, pero hindi naman nito alam kung bakit namumula ito hindi nito alam na galing siya sa pag iyak kanina

Ilang oras pa ang lumipas nag papasalamat siya at hindi na siya pa kinulit ng kaibigan niya.

"Una na sa inyo bye" pag papaalam ni Bea sa kanila ni Kevin, oras na kasi ng uwian alas singco na nag hapon.

"Sige" saad niya sa kaibigan, tinaas pa niya ang kanyang kamay bilanh paalam

"Ahm! Gabb sabay na tayo" saad sa kanya ni Kevin at saka siya inakbayan

"A-Ah sige" pag sang ayon niya, hindi na kasi siya makatanggi dahil naka akbay na ito sa kanya at saka iisa lamang sila ng daan pauwi

"Gusto kong dumaan sa inyo, gusto kong makita ang inaanak ko, pwede ba?" tanong sa kanya ni Gabb

"Ahm sige" sagot niya, wala na ata siyang ibang kayang sabihin kundi sige

"Ano nga palang pangalan ng inaanak ko?" tanong nito sa kanya

"Ahm, Gael, Gael ang name niya" sagot niya, Gael ang pinangalan niya sa bata dahil wala na siyang iba pang maisip na ipangalan at saka Gael din ang tawag sa kanya ng kababata niya na si Zach kaya naman Gael na lamang ang pinangalan niya, para na din hindi mahirapan ang bata sa pag susulat sa pangalan niya kapag nag aral na ito

"Ahh nice name ah, ikaw ba nag bigay ng name na 'yun?" tanong pa ni Kevin sa kanya

"Oo-" hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil may biglang sumitsit sa kanilang dalawa

"Psstt" ika ng kungsino ilang saglit lang ay nasa harapan na nila si Theon

Pasimpleng tinanggal ni Gabb ang kamay ni Kevin sa balikat niya

"Bakit?" tanong niya kay Theon

"Mag usap tayo" sagot sa kanya ni Theon

nangunot ang noo niya, "tungkol saan?" tanong niya kay Theon kahit na alam naman niya kung tungkol saan ito

"About us" sagot ng binata sa kanya, natahimik siya

"Walang tay-ooo" naputol ang sasabihin niya ng bigla na lamang siyang hinila ni Theon kung saan.

HE GOT ME PREGNANT | [B×B|Ongoing X Slow Update]Where stories live. Discover now