Chapter 13

1.2K 90 9
                                    

~*~

Araw ng lunes maagang pumasok si Gabb dahil nais niya rin kasing makausap si Theon tungkol kay Gael speaking of Gael buti na lang at dumating ang lolo't lola nito noong linggo ng gabi kaya naman may pag iiwanan ito sa bata habang nasa school at trabaho siya.

Bahagyang sumilip si Gabb sa kanyang cellphone para tingnan kung nag reply na ba si Theon sa kanya, nag text kasi siya dito na gusto niya itong makausap at kung maari ay agahan nito ang pag pasok

Napangiti naman siya ng makitang may natanggap siyang reply mula sa binata

"Okay, sa rooftop ulit antayin mo na lang ako doon, on the way na ako" mahina niyang basa sa reply ni Theon sa kanya kaya naman wala na siyang sinayang pa na oras at agad ng nag tungo sa nasabing rooftop, nangangamba kasi siya na baka makita pa siya ng mga kaibigan na si Kevin at Bea dahil baka kung saan siya hilahin ng mga ito, nang makarating sa rooftop, umupo na lang muna siya sa upuan doon habang inaantay si Theon, ilang minuto lang din naman ay agad na niya itong nakita na papalapit sa kinakaupuan niya

"Anong pag uusapan natin" bungad na tanong sa kanya ng binata nang makalapit ito sa pwesto niya

"Anong resulta? positive ba?" tanong naman niya sa binata, sigurado naman siyang positive ito pero tinanong pa rin niya ang binatang kaharap dahil napag isip isip  niya kagabi na kung itatangi pa rin ni Theon ang anak niya at sasabihing negative ay hindi na niya pipilitin ito, kung ayaw talagang panagutan si Gael ay tatangapin na lamang niya ito, may trabaho na rin naman siya kahit papaano at saka nag bibigay din naman sa kanya ang papa 't mama niya para pambili ng diaper o gatas ni Gael

"Wala pang result, hindi pa dumadating" pag sisinungaling ng binata sa kanya, katunayan ay noong friday pa niya nalaman kung ano ang resulta, mabilis lang talaga ang proseso dahil malakas siya sa kaibigang doctor

"Sigurado ka?" tanong niya dito at saka siya tumayo mula sa pag kakaupo, pansin naman niya ang pag tango ni Theon sa tanong niya

"Wala pa ngang resulta" saad pa ni Theon sa kanya

"Okay, ipacancel mo na lang 'yung pag papaDNA mo kay Gael, o kaya kapag dumating ay wag mo ng buksan itapon mo na lang" saad niya sa binata na ikinagulat ni Theon, napag isip isip kasi ni Gabb na dapat hindi na lamang niya sinabi sa binata ang tungkol kay Gael dahil magiging kumplekado lang ang lahat, lalo na't may Girlfriend pala ang binata baka makasira pa siya ng relasyon, ayaw naman niyang mag yare 'yun ayaw niyang makasira ng relasyon at saka sa tingin niya ay hindi pa handa maging ama si Theon

"Anong pinag sasabi mo?" naguguluhang tanong sa kanya ni Theon

"Ang totoo n'yan hindi mo talaga anak si Gael, sorry! gusto lang talaga kitang hothotan dahil wala na akong ipang gatas kay Gael" saad niya sa binata para magalit ito sa kanya at para rin hindi na nito ituloy ang pag papaDna test

"What the f?" nasambit na lamang ni Theon, napaisip siya bakit kailangan pang mag sinungaling sa kanya ni Gabb gayun na alam na naman niya ang totoo

"Sorry" saad pa niya bago tuluyang iwan si Theon, paalis na sana siya ng hawakan siya ng binata sa braso

Natigilan siya, naguguluhan siyang tumingin kay Theon

"Bakit?" tanong niya, kahit kinakabahan ay mas pinili pa rin niyang maging kalmado ang kanyang boses

"Ang totoo n'yan nasa akin na ang result" baritonong saad sa kanya ni Theon

"Bakit kailangan mo pang mag sinungaling sa akin ngayon? may balak ka bang ilayo ang anak ko?" tanong sa kanya ni Theon, natigilan siya tama ba ang kanyang narinig tinawag ni Theon si Gael na anak ko

"May balak ka bang ilayo si Gael?" bulong sa kanya ni Theon, kinalibutan siya pakiramdam niya ay nag taasan ang kanyang mga balahibo dahil naramdaman niya ang mainit na hininga ng binata sa may bandang leeg niya

"K-Kwan a-ano w-wala" nauutal niyang sagot sa binata, this time hindi na niya kayang mapanatiling maging kalmado sa harap ng binata

"Kung ganun bakit mo gustong ipacancel ang tungkol sa Dna?" bulong pa rin sa kanyang ni Theon sa may bandang Leeg niya kaya naman agad niya itong naitulak sa may dibdib nito dahilan para maramdaman niya ang may katigasang dibdib ng binata, aalis na sana niya ang kamay niya sa may dibdib ng binata ng bigla na lamang nitong hawakan ang kamay niya dahilan para hindi niya maalis ang palad niya sa may dibdib nito dahil dito ay naikuyom na lamang niya ang kanyang kamay dahil sa inis sa dalawang tao una sa sarili niya at pangalawa sa lalaking kaharap niya

"Answer me" bulong ni Theon sa may bandang pisnge niya, huminga siya ng malalim para kumaha ng lakas ng pakiramdam niya ay kahit papaano ay bumalik na ang lakas niya pwersahan niyang tinulak si Theon dahilan para bahagya siyang mapalayo dito

"N-Naisip ko lang na baka makasira ako ng relasyon" sagot niya na ikinakunot nang noo ni Theon

"Baka magalit sayo ang girlfriend mo kapag nalaman niya ang tungkol sa anak mo sa akin at saka naiisip ko na ano na lang ang iisipin ng ibang tao kapag nalaman nila ang tungkol sa anak n-natin" kinakabanan niyang paliwag sa binata

"Mauunawaan naman ako ni Stephanie kapag na laman niya ang tungkol kay Gael, at saka wag kang mag isip ng kung ano ano d'yan tulad nang sabi ko bata lang ang pananagutan ko, kaya wala kang dapat ipag alala kay Stephanie" saad sa kanya ni Theon, napatangu si Gabb oo nga pala si Gael lamang

Stephanie pala ang pangalan ng girlfriend niya, saad ni Gabb sa kanyang isip

"Sige" saad na lamang niya bilang tugon sa binata

"Ahm una na ako, baka malate ako klase ko" saad  pa niya at saka siya tumalikod sa binata para iwan ito sa may rooftop, pilit na ngiti na lamang ang ginawa niya nang makatalikod, masaya siya na tanggap ng binata si Gael, 'yun lang naman ang gusto niya.

HE GOT ME PREGNANT | [B×B|Ongoing X Slow Update]Where stories live. Discover now