chapter 1

2.3K 108 13
                                    

~*~

"papasok na po ako ma, paalaga na lang po muna ulit kay baby Gael" nahihiyang bilin ng binatang si Gabb, hindi niya hindi maiwasang hindi mahiya sa mama niya kahit pa sabihin na mama naman niya iyon, pero kasi hirap na nga sila tapos maaga pa siyang nabuntis, hindi naman kasi niya alam e, hindi naman kasi niya alam na totoo pala na may mga lalaking kayang mag dalang tao at isa na siya doon, pero kahit na ganun ang nangyare sa kanya ay wala siyang pinag sisisihan dahil nag karoon siya ng isang napaka cute na si Gael

"Pasenya na ma, ah" dagdag pa niyang saad sa mama niya para huminge ng pasenya, hindi niya hindi maiwasang malungkot nangako kasi siya sa sarili niya na mag tatapos muna ng pag aaral at saka tutulong sa pamilya, hindi niya na isip na mag kapamilya agad, naka tanggap naman siya ng mahinang hampas sa kanyang braso mula sa kanyang ina

"Ano ka ba namang bata ka, okay lang 'yun. Noong una nahirapan talaga akong tanggapin pero ano pa nga ba ang magagawa ko andyan na 'yang apo ko" saad ng kanyang ina at saka kinuha ang bata mula sa kanyang kuna

"Ang cute cute mo talagang bata ka" hindi maiwasang saad ng mama niya sa anak niyang si Gael na kasalukuyang karga karga ng mama niya

Hindi rin niya maiwasang hindi mapangiti, totoo naman kasi napaka cute ng anak niya, namana nito sa ama ang itsura nito kaya sigurado siyang paglaki nito ay habolin ito ng mga babae

Ilang saglit lang ay muli siyang binalingan ng tingin ng mama niya

"Baka malate ka na n'yan sa school Gabb?" puna ng mama niya nang mapansin na hindi pa ito kumikilos at panakang nakatingin lamang sa kanilang mag lola

"Sige po aalis na po ako, si Gael po ah" paalam niya sa ina at saka ako humalik sa pisnge ng anak niya at ganun na rin sa kanyang ina

"Sige, mag ingat ka!" sagot sa kanya ng kanyang ina

Nang makalabas siya ng bahay ay agad siyang tumawag ng tricycle at saka siya nag pahatid papunta sa Riano University ang pinakasikat na paaralan sa lugar nila, sabi ng iba maganda ang school na ito, maganda rin daw ang kalidad ng edukasyon pero napakamahal naman ng tuition fee, buti na lang isa siya sa trentang estudyante na nabigyan ng scholarship, kada school year kasi ay kumukuha ng trentang estudyante para sa scholarship kaya naman napakaganda nito para sa mga katulad niya na kapos sa pera.

"Bayad po manong" ika niya sa tricycle driver ng makababa siya sa sasakyan, agad siyang napa buntong hininga nang nasa harap na siya ng Riano University

"This is it, sana lang ay makita ko siya dito, sana lang ay dito pa siya nag aaral" bulong niya sa kanyang sarili

Bago pa siya mabanggan ng kung sino sa puwesto niya, ay agad na siyang nag lakad papasok sa loob, hindi niya tuloy hindi maiwasang hindi mamangha ibang iba kasi ito sa public school, hindi naman sa nilalait niya ang public school, besides doon din siya galing pero hindi niya maiwasang hindi ipang kumpara kung gaano kaganda ito kaganda kesa sa dati niyang paaralan which is public school

Kinuha niya mula sa munurahin niyang bag ang schedule ng klase niya, para mapadali ay nag tanong tanong siya kung saan ito, buti na lang at merong mabait na nag turo sa kanyang kung saan ito

"Salamat" ika niya sa lalaking nag hatid sa kanya sa unang klase niya

"Ah eh wala 'yun dito rin kasi ang first class ko" naka kamut ulong tugon ng lalaki sa kanya

"Ah, ganun ba?" nahihiya niyang sabi, nag assume pa naman siya na hinatid talaga siya ng lalaki dito sa classroom 'yun pala ay dito rin ang kanyang unang klase nito, pero hindi na rin masama sinabay siya nito papunta sa classroom nila

Nang makapasok siya sa loob ng classroom ay agad siyang nag hanap ng mauupuan, ang napili niyang upuan ay sa may bandang dulo, para hindi siya agaw pansin

"Scholar ka dito?" tanong ng papalapit na lalaki at saka umupo sa katabing upuan niya, tumingin siya dito at doon niya ito namukhaan ito 'yung lalaki kanina na ang akala niya ay sinamahan pa siya sa classroom 'yun pala ay dito din ang pasok, tiningnan niya ang tinitingnan ng lalaki, nakatingin ito sa sout niyang Id, kaya naman pala niya natanong kung schoolar siya, kulay itim kasi ang kulay ng id ng mga schoolar habang ang hindi ay kulay puti.

"Ahh, oo" tugon niya sa lalaki at saka bahagyang nag kamut sa ulo

"Ang galing, so matalino pala" tanong pa ng lalaki sa kanya

"Hindi naman" pahumble na sagot ni Gabb sa lalaki

"Kevin Lougain" pakilala ng lalaki sa kanya hindi niya alam pero bigla siyang natawa, mababaw talaga ang kanyang kasiyahan

"Sorry" pag hinge niya ng pasenya sa lalaki hindi niya kasi maiwasang matawa sa apilyedo ng lalaki, sanag ay hindi na offend ito

inayos niya ang kanyang sarili bago siya mag pakilala sa sarili "Gabb Riel Tuazon"

"Okay lang sanay na ako, btw nice name" tugon ng lalaki sa kanya "pwede bang dito na lang ako umupo?" tanong pa nito

"Sige, naka upo ka na rin naman, pero seryoso 'yun talaga ang apilyedo mo?" pangungulit niya sa lalaking katabi niya

"Oo" sagot ng lalaki sa kanya

"Sabagay" ika niya sa kanyang sarili kaya naman napatingin sa kanya si Kevin

"Bakit?" tanong nito sa kanya

"Ahm wala naalala ko lang ang kaibagan ko medyo nakakatawa rin kasi ang apilyedo noon" tugon niya sa lalaki, totoo naman kasi kakaiba din ang kaibigan niyang si Bea

"Bakit ano bang apilyedo niya?" tanong ni Kevin sa kanya

"Amvahu, Beatrice Amvahu ang pangalan niya" sagot niya kay Kevin kaya naman sabay silang natawa

"Hep! Parang narinig ko ang pangalan ko ah? pinag tatawanan n'yo ba ang apilyedo ko?" tanong ng papalapit na babae sa kanilang puwesto at saka na upo sa kanang bahagi ni Gabb, napag gigitnaan na siya ngayon ng dalawa

"Hindi naman, nabanggit ko lang sa ang pangalan mo kasi tinanong niya kung sino ba daw 'yung kaibigan ko" pag sisinungaling niya

"Siya nga pala si Kevin, kevin si Beatrice kaibigan ko" pag papakilala niya sa bawat isa

"Hi, ako nga pala si Beatrice Amvahu, wag mo ng pansinin ang apilyedo ko kabaligtaran naman nun ang amoy ko" saad ni Bea kay kevin

"Ako naman si Kevin Lougain" pag papakilala ni Kevin sa sarili

"Haha! Bagay pala tayo" natatawag saad ni Bea, kaya biglang natahimik silang tatlo

Awkward.

"Ehem" pag peking upo ni Gabb, para wakasan ang katahimikan

"I mean bagay palang mag sama ang apilyedo natin nakakatawa, Lougain at Amvahu, bagay talaga tayo" medyo kinikilig na saad ni Bea kay Kevin naka tanggap naman siya ng mahinang hampas mula kay Gabb

"Gagi" saad sa kanya ni Gabb at saka tumingin sa harap dahil dumating na ang kanilang paunang guro sa mga oras na 'yun

A/N: Hindi ko 'to masimula kasi wala akong maisip na pangalan, hshs pasensya na.

So kumusta ang chapter one? Okay lang ba o Jeje ba?

HE GOT ME PREGNANT | [B×B|Ongoing X Slow Update]Where stories live. Discover now